Betty
Maya-maya pa ay dumarating na si Jinie. Napakunot naman ang aking noo ng hindi makita si Hunter na madalas ay kasabay nito sa pagpasok. I know that Cole, Elliot and Caden are busy for their training but Hunter, he is not one of them so.
Nakasunod lamang ang tingin ko sa kaniya na hindi naalis ang pangungunot ng noo. Mula sa pagkakangiti nito pagkalapit sa akin ay tila nagtaka ito sa itsura ko.
“Why?”anya nito pagkaupo sa aking tabi at inayos na ang kaniyang mga gamit sa lamesa.
“Hindi mo kasama si Hunter?”tanong ko.
Mula sa paglalabas niya ng libro ay nahinto ito at binigyan ako ng makahulugang tingin. Tingnan mo ito nagtatanong lang ako iba na naman ang nasa isip.
“I’m just asking okay.”I said while rolling my eyes because of her stare.
“O-okay.”tila naniniwalang anya nito ngunit iba naman ang ipinapahiwatig ng kaniyang tingin.
“Oh please Jinie, don’t gi---.” Naudlot ang sana’y sasabihin ko ng dumating na ang aming guro kaya umayos na ako ng upo ganun din si Jinie.
Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang isa pang sulyap na ginawa ni Jinie bago nakinig sa guro. Napailing na lamang ako.
“As I have said class, the deadline of your research will be next week.”sabi ng aming guro.
Nagreklamo agad ang aking mga kaklase sa narinig. Bakit daw kaaga? Pero kung tutuusin ang tagal na ng binigay na time sa amin ni Ma’am para magawa yun. Yun pa nga pala ang isa ko pang iisipin dahil hindi pa namin napag-uusapan ni Hunter ang research naming dalawa. Gahol na kami sa oras kaya kailangan na naming magsimula.
“May nagawa na kayo ni Cole?”bulong ko kay Jinie while Ma’am Reyes is busy answering questions of my classmates.
Nakanguso ako nitong hinarap habang nakapaskil sa mukha nito na tila ba problemado din ito kagaya ko.
“Huwag mo ng sagutin.”pagpigil ko sa kaniya.
“Mukhang alam ko na base sa mukha mo.”
Kaya buong klase ay iyon ang nasa isip naming dalawa ni Jinie. Malaki pa naman ang kukunin na grades mula doon sa research. And I need to maintain my grades to be on the dean’s list. Iyon pa rin ang pinag-uusapan naming dalawa habang papunta sa canteen para maglunch.
“Wala ka bang napapansin?”nagtatakang saad nito habang iginagala ang tingin sa mga estudyanteng nakakasalubong naming maging ang mga nakahinto lamang sa gilid.
Hindi ko na lamang pinuna ang sinabi niya dahil maging ako din ay kanina pa napapansin ang pag-iwas ng mga estudyante sa amin. Napatingin ko sa grupo ng mga babaeng nakatapat sa isang classroom na sa tingin ko ay para sa mga nursing student. Nagtatawanan sila, ngunit ng mapansin na nakatingin ako ay unti-unting humupa ang tawanan nila at isa-isang nagpulasan sa loob ng classroom.
Napabuntong hininga na lamang ako sa nakita. Napansin naman ito agad ni Jinie.
“May problema ba?”saad nito.
Inilingan no ka lamang siya hanggang sa nakarating na kami sa canteen. Ang napili naming puwesto ay medyo malayo sa mga estudyante, ngunit makikita agad pagpasok ng canteen. May ilang estudyante ang malapit sa kinauupuan namin, ngunit ng mapatingin sa gawi namin ay agad din silang umaalis na tila ba may nakakahawa kaming sakit.
Sinundan ko lamang ng tingin ang papaalis nilang pigura.
“May napapansin talaga ako eh.”
Nang tingnan ko siya, nakasunod din pala ang tingin nito sa mga grupo ng estudyante na lumipat ng upuan. Lumipat na ang tingin nito sa akin habang mariin ang pagkakatitig.
At dahil kanina pa kating-kati ang mga labi kong ikwento sa kaniya ang nangyari kaninang umaga, sinimulan ko ng sabihan sa kaniya ang nangyari.
Sa pagkukwento ko ay tahimik lamang itong nakikinig at minsanang tatango.
“So, you think that it is because of what Kuya did to Brittany and friends?”naniniguradong anya nito.
“I just have a hunch.”sabi ko.
Tumango naman ito.
“Mukhang iyon nga ang dahilan dahil kung ako din iyon ay matatakot ako na kalabanin ka kung kagaya ni Kuya ang makakatapat mo.”anya nito.
“Well, hayaan mo na at least ala ng manggugulo sayo. And--.”pambibitin nito.
“Tara ng umorder, kanina pa nagrereklamo mga bulate ko sa tiyan.”saad nito at tumayo na.
Natatawang sumunod na ako sa kaniya. Nang bigla itong huminto ng tumunog ang cellphone nito. Nakita ko namang nangunot ang noo nito habang binabasa ang mensahe ng kung sino. At pagkatapos ay binulsa na lang basta ang cellphone at muli na ulit naglakad.
Hindi ko naman mapigilang tanungin siya kung sino iyon.
“Si Cole lang, hindi daw sila makakasabay kumain dahil busy pa daw sila sa training.”saad nito.
“At kasama daw nila si Hunter.”
Napangunot na lamang ako sa narinig sa huli niyang sinabi.
Ano naman ang gagawin ni Hunter doon, eh hindi naman siya player ng basketball team. Nakakainis talaga iyong lalaki na iyon, palagi na lamang akong pinaghuhula kung nasaan siya. Hindi talaga uso sa kaniya ang text man lang.
Pagkaorder ay bumalik na ulit kami sa upuan para kumain. Ang inorder ko ay chicken joy with rice while Jinie ordered adobong baboy with rice. Our beverage is water. Tahimik akong kumakain ng mapansin ko ang pasulyap-sulyap nito sa kaniyang cellphone na nasa lamesa. Susubo ito ng isa at titingin ulit sa cellphone habang ngumunguya. Ganon ang nangyayari kaya pinuna ko na siya.
“May hinihintay ka bang tawag o text?”saad ko.
Tiningnan naman nito ako.
“Hmm, wala naman.”saad nito.
Tila nag-isip pa ito bago ako sagutin.
Pinagpatuloy na nito ang pagkain ng hindi na muling sinulyapan ang kaniyang cellphone. Nagtaka naman ako sa kaniyang inasal kaya pagkayari kong kumain pasimple akong nagtipa ng mensahe sa aking cellphone habang busy ito sa pagkain.
Me:
Hunter, kasama mo ba si Cole?
Ibinaba ko na agad ang cellphone ng magsend dahil tumingin sa gawi ko si Jinie. Kahit alam ko na madalang itong magbasa ng message ay nagbakasakali akong basahin nito ang aking mensahe. Ngunit nakayari na sa pagkain si Jinie pero ala pa rin akong mensahe na natatanggap.
Ano ba ang ginagawa mo Hunter at hindi ka man lang marunong magcheck ng cellphone mo. Nagprisinta na itong siya na ang magsasaoli ng pinagkainan namin kaya tumango na lamang ako. Pagkaalis na pagkaalis nito ay agad na ulit akong nagpadala ng isa pang mensahe.
Me:
May napapansin ka bang problema si Jinie at Cole?
Wala pang isang minuto ng may magpop up na text message sa aking cellphone. Mabuti na lamang at nagreply na din siya sa wakas. Pagkabukas ko sa message.
Lolo:
Hija, tomorrow morning you will be meeting the designer of your gown. Me and your Papa will coming home late tonight so do not wait for us and sleep early.
Napabuntong hininga na lamang ako pagkabasa nito. Noted na noted na sa akin na hindi dapat text kundi tawag kapag kakausapin ko si Hunter.
“Anong nangyari sayo?”saad ni Jinie.
Hindi ko na namalayan na nakalapit na ito.
Tumayo na ako.
“Wala. Tara na.”
Naramdaman ko pang nagvibrate ang aking cellphone mula sa aking bulsa pero isinawalang bahala ko na lamang.