Chapter 61

1137 Words
Betty Pagkaupo ni Hunter sa tabi ni Elliot dahil hawak nito ang kamay ko ay napaupo na rin ako sa katabi nitong upuan. Kakalasin ko na sana ang pagkakahawak nito, ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakapit. Nang tingnan ko naman si Hunter ay tuloy-tuloy lamang ito sa pakikipag-usap kila Elliot. Base sa naririnig kong pinag-uusapan, ito ay ang nalalapit na laban nila Caden sa enemy school namin pagdating sa basketball. Alam ko na puspos ang practice nila dahil may dalawang araw na lamang sila bago ang laban. Naudlot lamang ang pag-uusap nila ng dumating na sina Jinie habang dala-dala ang mga inihaw. Hindi ko naman naiwasang matakam sa BBQ. Pagkalapag na pagkalapag nito ng pagkain ay nag-unahan pa si Caden at Elliot sa pagkuha. Napatingin na lamang ako sa kanilang dalawa, samantalang natatawang sinusuway naman sila ng dalawa pagkaupo sa upuan. "What do you want?"tila napansin na ni Hunter ang paninitig ko sa pagkain. Nahihiya naman kasi ako kumuha lalo pa at hawak pa nito ang kanang kamay na ginagamit ko sa pagkain. Tinitigan ko lamang siya at inangat ang kamay na hawak hawak niya. "Pwede?"nakangusong saad ko. Napa-aray na lamang ako ng panggigilan nito ang pisngi ko. Sinamaan ko naman agad siya samantalang tinawanan lang niya ako. "Gusto ko nu---"hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng pasakan nito ng BBQ ang bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya ngunit nagkibit balikat lamang ito. "I heard magagaling daw yung magiging kalaban niyo?"pagbasag ni Jinie sa katahimikan. Napalingon naman ako sa kaniyang sinabi at tiningnan sila Cole ng bigla silang manahimik. Ang kanina ding tawanan ni Elliot at Caden tila napawi sa narinig. Lahat sila ay may iisang reaksiyon, na tila ba may hindi magandang nasabi si Jinie. Tanging si Hunter lamang ang patuloy lamang sa pagkain na parang walang pakielam sa mundo. "They are the last year champion and still undefeated this year."mariing anya ni Elliot. Hindi ko naman maiwasang punahan ang pagbabago ng boses nito. Hindi ako sanay na ganito kaseryoso si Elliot kaya hindi ko napigilang isantinig ang gusto kong sabihin. "But, you will win this for sure."pangeencourage ko sa kanila. Dumaan ang ilang segundo, wala akong narinig na komento mula sa kanila. Nang tingnan ko silang tatlo ay para silang pinagbagsakan ng langit at lupa habang sa lamesa lamang nakatingin. Nagtatakang tiningnan ko naman si Jinie habang may pagtatanong sa mukha. But she just shrugged at me like she didn't also know what is the matter. Napatingin na lamang ako kay Hunter ng sagutin niya ang aking tanong. "They have a chance to win the game but it is not that easy. Marumi maglaro ang makakalaban nila. And in every game they played, there will always be one or more players being injured. And last year one of our players experienced that with his leg broken. "seryosong anya nito. Napasinghap na lamang kami ni Jinie sa narinig. At ng tingnan ko silang tatlo ay tiim bagang sila habang nakakuyom ang mga kamay. "We will make sure that they will experience their own dose of medicine."galit na anya ni Cole. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanila. Nagkatinginan naman kami ni Jinie na tila ba pareho kami ng iniisip base sa tingin na ibinibigay niya. Kinaumagahan maaga akong naligo at nag-ayos para pumasok sa school. Si Jinie na lamang ang naghatid sa akin kagabi dahil lasing na sila Cole at doon na lamang pinatulog. Gusto pa nga sana akong patulugin doon ni Jinie, ngunit tinanggihan ko siya. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi habang pababa ng hagdan. Tila binuhos ng tatlo sa alak ang nararamdaman nila, dahil kahit pinigil na namin sila sa pag-iinom kagabi ay hindi sila nagpaawat. Mga alas diyes ng magpaalam ako sa kanila. Gusto pa nga sana ako ihatid ni Hunter ngunit binawalan siya ni Jinie dahil medyo nakainom rin ito. Kaming dalawa lang kasi ni Jinie ang hindi uminom sa kanila habang nakatingin lang sa kanila. Napapailing na lang kami palagi sa tuwing sasayaw si Elliot at Caden na akala mo nasa bar sila. Pagkababa ko ng hagdan, nagtaka ako ng hindi madatnan si Lolo maging si Papa sa dining. Nang makita ko ang isang katulong tinanong ko ito kung nasaan sila Papa. "Maaga pong umalis, may aasikasuhin daw po."saad nito. Nagpasalamat ako at hinayaan na siyang ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Lately, napapansin ko na madalas na kaming magkasabay na tatlo sa pagkain. Si Papa ay gabi na umuwi at maagang maaga naman kung umalis. At ngayon naman maging si Lolo din ay wala. Hindi ko maiwasang mag-alala kung nagkaroon ng problema sa kompanya. Palagi ko din kasing nakikita na sa tuwing nag-uusap sila ni Papa ay pabulong at kapag nakita na akong lumalapit ay tatahimik na sila. "Sana naman walang problema."hindi ko napigilang isantinig. Mabilis na kinain ko na ang aking agahan at nagpahatid na kay Manong Bert sa school. Pagkadating sa paaralan ay tahimik akong naglalakad sa corridor. Nagtataka ako dahil last time, sa tuwing may makakasalubong ako na estudyante ay pagbubulungan ako at pagsasabihan ng kung ano, ngunit ngayon ay wala. Nakakunot ang noong iginala ko ang aking tingin. Nagkibit balikat na lamang ako at isinawalang bahala ang napansin. Maya-maya pa ay may makakasalubong na akong grupo ng mga kababaihan na tila nagkakasiyahan at hindi pa ako nakikita. Malapit na ang mga ito ng mapatingin sa akin ang isang kasama nila. Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo ng biglang magbago ang mukha nito, tila ba nakakita ito ng multo. Nakita kong bumuka ang bibig nito, maya-maya pa nakaharap na din sa akin ang mga kasama nito at may ganun ding reaksiyon. Lalapitan ko na sila at tatanungin kung anong problema, nang magulat na lamang ako sa sunod nilang ginawa. Tumalikod sila sa akin at walang lingon na tumakbo palayo. Kahit patuloy ko silang tinatawag ay tila wala silang naririnig at tuloy-tuloy lamang. Napailing na lamang ako sa nakita, tiyak ko may kinalaman dito ang ginawa ni Hunter na pamamahiya kila Brittany. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Ganun pa rin ang nangyayari, sa tuwing may makakakita sa akin ay sila na ang dumidistansiya at umiiwas. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom, ang kaninang maingay na klase ay tila dinaanan ng anghel sa katahimikan. Ramdam ko ang tingin nila habang naglalakad ako papunta sa aking upuan ngunit isinawalang bahala ko na lamang. Nakita kong bakante ang upuan nila Brittany at ng mga kaibigan nito. I am not really sure what happened to them but I hope its not something serious. Yes galit ako sa sinabi nila sa Mama ko pero hindi ako yung tipong maghihiganti sa kanila. Ang gusto ko lamang ay bawiin nila ang sinabi nila dahil hindi naman nila kilala ang Mama ko. I just want them to apologize, nothing more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD