Chapter 60

1164 Words
Betty May kalakihan ang mansiyon nila Jinie na hindi nalalayo sa mansiyon nila Lolo. Ang mga kagamitan nila ay halos yari sa kahoy maging ang hagdan nila. Habang paakyat sa kanilang hagdanan hindi ko naiwasang mapasulyap sa mga pictures nilang nakasabit sa dingding. May mga family pictures ditong nakasabit. Mayroon pa kung saan tila kuha ito sa ibang bansa dahil sa background nito. Patuloy lamang ako sa pagtingin habang mabagal na umaakyat ng may nakaagaw sa aking atensiyon na litrato. Napansin naman ni Jinie ang paghinto ko kaya tiningnan niya kung ano ang tinitingnan ko. "Ang cute ni Kuya diyan hano?"sabi nito. Titig na titig ako sa litrato dahil sa kakaibang kasiyahan sa mukha ni Hunter ng mga oras na iyon. Ang litrato ay si Hunter na nasa pitong taong gulang na malaki ang pagkakangiti samantalang hawak sa kaniyang kanang kamay ang isang malaking isa. Nakaupo ito mismo sa batok ng isang matandang lalaki. "Kaya ng mawala si Lolo nagiba ang ugali ni Kuya. Hindi na siya yung dating palangiti. Si Lolo kasi palagi ang kasama niya magmula noon, palagi siya nitong niyayayang mangisda."saad nito habang mababanaag sa kaniyang boses ang lungkot. Ito ang isa sa mga nakaraan ni Hunter na wala akong kaalam-alam. Kung kaya ko lamang hilahin pabalik ang oras, gusto kong makita mismo ng aking mga mata ang batang Hunter na puno lamang ng kasiyahan sa buhay. "Napakabait ni Lolo sa amin at alam kong miss na siya ni Hunter dahil napapansin ko palagi na sa tuwing dadalaw siya dito sa mansiyon. Palagi siyang tumitingin sa larawan nilang dalawa ni Lolo. Miss ko na din siya."patuloy nito at hindi nakatakas sa aking paningin ang pasimple nitong pagpunas sa kaniyang luha. Nagpanggap na lamang ako na hindi ito napansin dahil alam kong ayaw na ayaw ni Jinie na nakikita siyang nasasaktan kahit pa ako mismo na kaibigan niya. Sa pagiging care free niya na tao at pagiging childish, alam ko na way lang niya ito para ituring siyang matibay at malakas ng ibang tao kahit na mahina naman talaga siya sa loob. "Halika na baka hinihintay na nila tayo."pag-aaya nito at hindi na ako sinulyapan. Hindi na lamang ako nagkomento at tahimik sumunod sa kaniya, maya-maya pa huminto kami sa isang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas nito ni Jinie, ginala ko agad ang aking paningin. Ang design ng kanilang rooftop ay parang sa mga restaurant dahil may mga upuan at lamesa ito. Mayroon pa akong nakitang mini kitchen, flat screen tv at sofa sa gilid. Tila ginawa itong rooftoop nila para pagtambayan o kaya ay magpahinga sa maghapong trabaho o pag-aaral. May nakita rin akong mga halaman sa gilid na nagbigay ng magandang ambiance sa paligid. Kita mula dito ang siyudad na puro nagkikislapang mga ilaw dahil sa kadiliman ng gabi. Tila sila mga bituin na nasa lupa dahil sa kinang ng mga ito. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng view ng kanilang rooftop Abala pa rin ako sa pagappreciate ng nakikita ko ngayon nang maudlot ito sa pagbati ni Elliot na agad sinundan ni Caden. "Kamusta ka na Betty?"tanong nito. Lumapit na din si Caden at kinausap ako. "Naku mabuti na lang talaga at mga babae ang may gawa sayo niyan. Kung maaari lang talaga pumatol sa babae."seryosong saad ni Caden. Patuloy lamang sa pagsasalita ang dalawa at tango lamang ang isinasagot ko sa tuwing tatanungin nila ako. Pasimple kong ginala ang tingin habang hinahanap ng aking mga mata si Hunter. Mula sa sulok kung saan naroroon ang kanilang kitchen ay nakita ko si Cole na tahimik na nag-iihaw ng BBQ katulong si Jinie. Ginala ko pa ang paningin ng hindi nabungaran ng aking mata si Hunter. "Si Hunter ba?"sabi ni Elliot. Tila nahuli ako sa akto sa pagiling na ginawa ko. Nakakahiya kinakausap nila ako pero sa iba naman ako nakatingin. "Hindi, tinitingnan ko lang sila Cole."may hilaw na ngiti na anya ko. Natatawang tiningnan lamang ako nito. Samantalang hindi na din napigilan ni Caden ang kaniyang bibig. "Nahuhuli talaga sa sariling bibig ang isang daga."ani nito. Nagtatakang tiningnan ko lamang silang dalawa dahil sa sinabi nila ngunit tinawanan lamang nila ako. At nag-apir pa talaga ang mga ito. "Tinitingnan mo kamo si Cole eh sa kabilang banda naman ikaw nakatingin, huwag kami Betty."natatawa pa ring saad nito. Agad naman akong pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya. Ang tanga mo naman Betty, sa kabila gawi sila Cole yun pa talaga naisip mo na idahilan. Napakagat na lamang ako sa labi dahip sa pagkapahiya at hindi makatingin sa dalawang patuloy pa rin sa pang-aasar sa akin. Maya-maya pa tumahimik na ang dalawa na siyang ipinagtaka ko. "Oh speaking of."ani ni Elliot. Sinulyapan ko ang tinitingnan nilang dalawa ni Elliot. At mula sa pintuan, may mabibigat na paghakbang na naglalakad si Hunter na sa akin lamang nakatuon ang kaniyang paningin. Hindi ko maiwasang kabahan sa klase ng tingin na ibinibigay nito na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya. At ito namang puso ko hindi na naman matigil sa pagbilis ng t***k. Pagkahintong-pagkahinto nito sa aking harap ramdam ko pa rin ang tila nakakalusaw nitong titig kaya hindi ko maiwasang ibaba ang aking paningin sa kaniyang sapatos. Dahil sa presensiya niyang iba ang hatid sa akin, hindi ko na namalayan ang pag-alis ng dalawa. "Cassandra."pagtawag nito sa aking pansin. Pati ang boses nito na tila ba kakagising dahil sa lalim at paos nito, ay tila kaysarap sa aking pandinig sa tuwing tinatawag niya ang aking pangalan. Nang hindi ko pa rin siya tinitingnan, naramdaman ko na lamang ang kamay nito na inaangat na ang aking baba. Agad nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hindi ko naman maiwasang mapakagat sa labi dahil sa tinging ibinibigay niya. Nakita ko pa ang pasimple nitong pagsulyap sa aking labi at pangungunot ng noo nito na tila ba problemado. "Are you sure your okay?"tanong nito habang hindi pa rin binibitawan ang aking baba maging ang pagtitig nito. Tila hindi nito naririnig ang pambuburyo nila Elliot na lalong nagpapula sa aking mukha. Lalo namang nagunot ang noo nito ng mapansin ang pamumula ko. Hinipo nito ng kamay niyang nasa baba ko ang aking noo samantalang ang isang kamay niya ay hinipo ang noo niya. "Wala ka naman ng sinat."tila nagtatakang saad nito. Please lang Hunter, tumigil ka na hindi na kaya ng puso ko ang ginagawa mo. "Ayos na talaga ako. Tara na kila Elliot."saad ko. Binaba na nito ang kaniyang kamay na dahilan ng pagpakawala ko ng malalim na paghinga na kanina ko pa pala pinipigilan. Akala ko okay na ngunit muli na naman niya akong tiningnan at sinuri ang aking reaksiyon. Binigyan ko naman siya ng assurance na okay na ako talaga. "I'm really fine Hunter." Masungit na tumango lamang ito at hinigit na ako patungo kila Caden. Huh! Para akong nagdedefense ng thesis sa tingin na kaniyang ibinigay kanina.Tila pati kaluluwa ko ay nakikita na nito sa klase ng kaniyang paninitig. Tahimik na sumunod lamang ako sa kaniya habang pinakakalma ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD