Betty
Pagkakain namin ni Jinie ay umalis na din kami kaagad. Nag-aya itong pumunta ng mall dahil may bibilin ito kaya pumayag na akong samahan siya.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nakita ko kanina. Naaalala ko pa ang ginawang panloloko ni Camille kay Collin kaya bakit silang magkasamang dalawa.
"Uy kanina ka pa tahimik."pagbasag ni Jinie sa katahimikan.
Kasalukuyan siyang namimili ng damit na isusuot daw niya kuno sa laban ni Cole.
Tiningnan ko naman siya. "Hindi ka ba nagtataka sa nakita natin kanina?"mahinang saad ko.
"Nagtataka nga din ako. Diba parehas pa nga tayo ng reaksiyon kanina."saad nito at muling namili ng mga damit.
Nakasunod lamang ako sa kanya habang namimili siya dahil wala naman akong intensiyon na bumili.
"Sa tingin mo bagay to sa akin?"tanong nito habang pinakita sa akin ang isang floral off shoulder dress.
Tinanguan ko naman siya bilang pag-sangayon. Halos lahat naman ata ng damit ay bagay sa kaniya dahil sa natural na ganda niya.
"Hindi ka ba talaga bibili baka may magustuhan ka diyan."
Inilingan ko lamang siya.
----------------------------------------------------------‐-
Pagkayari naming mamili napagpasyahan na naming umuwi. Inabot din kami ng pag-gabi sa dami ng binili ni Jinie. Shopping monster talaga ito, halos iuwi niya na lahat ng damit sa mall sa sobrang dami naming bitbit.
"Wala ka ba talagang binili?"saad nito habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"Wala akong nagustuhan eh, at isa pa ang mamahal ng damit."saad ko.
Pagkatapat namin sa kaniyang sasakyan pinasok na namin sa back seat ang mga pinamili na Jinie. Umikot na ito papuntang driver seat kaya pumasok na din ako sa passenger seat.
"Hay nako Betty, ikaw lang ang kilala kong tagapagmana na takot lustayin ang pera."naiiling na anya nito at inistart na ang sasakyan.
"Correction. Hindi ako ang mayaman kundi sila Lolo."pagtatama ko sa kaniya pagkatapos ikabit ang seatbelt.
"Napakabait mo talagang apo. Kaya click na click tayong magkaibigan eh."proud na anya nito.
"Dahil pareho tayong mabait?"
"Hindi, dahil magkasalungat tayo ng ugali kaya balanse."wika nito sabay kindat sa akin.
Natatawang napailing na lang ako sa kanya.
Naudlot lang ang usapan naming dalawa ng tumunog ang cellphone nito.
"Pang?"malambing na wika nito.
Napailing na lamang ako sa tawagan nilang dalawa ni Cole at piniling ituon ang tingin sa labas.
"Kasama ko siya bakit?"tanong nito sa kabilang linya.
Katahimikan ang bumalot habang hinihintay nito ang sagot sa kabilang linya.
Maya-maya pa napalingon ako dito ng marinig ko ang pagbungisngis nito.
Saktong namang sumulyap ito habang nanunudyo ang tingin.
"Bakit?"nagtatakang saad ko.
"Sige na Pang sasabihin ko. Lablab."
Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Kulang na lang talaga langgamin palagi ang dalawa na to.
Pagkababa ng tawag muli akong sinulyapan ni Jinie at itinuon ang tingin sa daan.
"Yung bebe boy mo namimiss ka na ata."pambuburyo nito.
"Bebe boy?"may pagtatakang saad ko.
Sinulyapan muli ako nito na tila ba hindi makapaniwalang hindi ko kilala ang kaniyang tinutukoy.
"Sino pa ba ang bebe boy mo?"
"Hah?"naguguluhan pa ring saad ko.
Napapalatak naman ito na tila ba nauubusan na siya ng pasensiya sa akin.
Aba'y malay ko ba kung sino ang tinutukoy niya, alangan namang manghula ako.
"Sino pa ba edi si Kuya."
Nang magsink-in sa akin ang sinabi niya, automatic na namula ang aking mga pisngi.
"Kita mo nga reaksiyon mo, dedeny-deny ka pa, binanggit ko lang ang pangalan para ka ng kamatis diyan."pang-aasar nito.
"Tumigil ka nga."pagsuway ko sa kaniya at tumingin sa labas para itago ang pamumula ng aking mukha.
Bigla naman akong nagtaka ng ibang daan ang tinatahak namin.
"Teka, saan tayo pupunta?"naguguluhang saad ko.
"Ade saan pa, sa bebe boy mo."patuloy na pang-asar nito.
"JINIE!"
Hindi ko na napigilang sigawan siya sa pagkachildish nito.
Hay nako talaga, hindi ko ba alam kung paano ko itong naging kaibigan.
Tinawanan lamang ako nito na tila ba naaaliw pa sa reaksiyon ko kahit na pikon na pikon na ako sa kaniya.
"Request eh."tumatawa pa ring anya nito.
Hindi ko na siya pinansin sa sobrang asar ko sa kaniya, kahit pa tinatawag ako nito ay hindi ko na siya nilingon.
At imbes na kulitin ako, tinawanan lamang ang pagkapikon ko sa kaniya.
Kita mo talaga itong babae nito.
------------------------------------------------------------
Maya-maya pa huminto na ang sasakyan sa harap ng mansiyon nila Jinie.
Naunang bumaba ang huli samantalang nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga at naisipan ng bumaba.
Nauna sa pintuan si Jinie habang hinihintay akong makalapit sa kaniya.
Hindi ko naman napigilang iikot ang mata at irapan siya ng nakapaskil pa rin sa kaniyang mukha ang pagkaaliw sa akin.
Hindi ko na lamang siya pinansin at sumunod sa kaniya sa pagpasok.
Unang bumungad sa amin ay ang Mama ni Jinie.
"Betty hija, napadalaw ka."may kagalakan sa mukhang pagbati nito.
Agad naman akong lumapit kay Tita at humalik sa kaniyang pisngi.
"Kamusta po Tita."
"Nasaan po sila Kuya, Mama?"pag-singit ni Jinie ng humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Tita.
"Nasa taas ang Kuya mo kasama ang mga kaibigan niya."
"Ay oo nga pala magpapahanda ako ng dinner. Hija dito ka na kumain."saad nito.
"Pero---."tatanggi na sana ako ng maalalang baka hanapin ako nila Lolo ng bigyan ako nito ng nakikiusap na tingin.
Lumingon ako kay Jinie para sana humingi ng tulong, ngunit sa iba naman ito nakatingin na tila ba alam nitong tatawagin ko siya.
Bumuntong hininga na lamang ako at tumingin kay Tita na hinihintay ang aking pagsang-ayon.
"Sige po."may alanganing ngiting anya ko.
"Mauna na ako sa inyo at maghahanda na ako ng hapunan natin."nakangiting saad nito.
Pagkaalis na pagkaalis ni Tita ay sinamaan ko agad ng tingin si Jinie. Natatawang tiningnan lang ako nito.
"Hindi ako nakapagpaalam kila Lolo, Jinie!"nag-aalalang saad ko.
"Areglado na iyon, huwag kang mag-alala, pinaalam na kita kay Lolo."saad nito.
Tiningnan ko lamang siya kung nagsasabi siya ng totoo, ngunit ng makitang mukhang seryoso naman ito ay tinanguan ko na lamang siya.
"Tara na sa taas, para makita mo na ang baby boy mo."pag-aaya nito habang nakapaskil na naman sa mukha ang pang-aasar.
"Jinie, isa,"pinanlakihan ko siya ng mata.
Tinawanan lamang ako nito at hinila na para pumunta sa rooftop nila kung saan naroroon sila Hunter.