Chapter 58

1173 Words
Betty Pagkadischarge ko sa ospital nagdesisyon si Lolo na manatili muna ako sa mansiyon upang magpahinga. Hindi na ako umapila dahil alam ko naman na nagaalala lang ito sa aking kalagayan. Kasalukuyan akong nasa garden habang nagbabasa ng libro ng dumating ang isang katulong. "Ma'am, andito po si Ms. Jinie." Saad ni Ate Jury. Ibinaba ko ang librong aking binabasa sa aking kandungan at saka siya tiningnan. "Ate sabi ko po sa inyo Betty na lang po." Alanganin naman itong ngumiti sa akin. "Pero hindi po pwede." "Sige po Ms. Betty na lang." Huling tawad ko. Napangiti naman ito dahil sa kakulitan ko at tumango bilang pagsang-ayon. "Sige po, Ms. Betty."pagpapaalam nito. Maya-maya pa naririnig ko na ang malasirenang boses ni Jinie dahil sa sobrang lakas nito. "Kamusta ang tambay sa bahay."may pang-aasar na anya nito ng mabungaran na ako. Hindi ko naman mapigilang iikot ang aking mga mata dahil sa tinuran nito. "Tatawa na ba ako?"anya ko at muling kinuha ang libro upang ipagpatuloy ang pagbabasa kung saan ako natapos kanina. Ibinaba kong muli ang libro nang may bigla akong maalala. "Diba may pasok tayo ngayon, bakit andito ka aber?"may panenermong saad ko. Tinawanan lamang ako nito at tila nasa fashion show na rumampa sa aking harap at umupo sa katapat kong upuan. Nakasunod lamang ang aking tingin sa kaniya. "Wala ang friendship ko dun eh, ganyan kita kamahal priority kita over my studies."may pagmamalaki pang wika nito. Hindi ko naman mapigilang sundan ng tingin ang pagkuha nito sa aking cookies. "Matutuwa na ba ako?"pambabara ko dito. Napailing na lamang ako sa pagkachildish nito at muling nagbasa. Patuloy lang ito sa pagkain ng cookies na tila ba ito lang ang ipinunta niya imbes na kausapin ako. "Oo nga pala"pagbasag nito sa katahimikan. Tiningnan ko naman siya habang hinihintay ang kaniyang sasabihin. "Malapit na ang tournament nila Pang, kailangan ko ng gumawa ng banner."problemadong saad nito. Hindi ko naman maiwasang mapabuntong hininga sa sinabi nito. "Akala ko naman kung ano na sasabihin mo." "Hindi ka ba nabuburyo dito?"tanong nito at muling kumuha ng cookies. "Medyo."sagot ko at itinuon muli ang tingin sa binabasa. "Samahan mo na lang ako!" "Tinatamad ako lumabas. "Sige na, sige na, sige na betty babe."pangungulit nito. Ayan na naman ang kung anu-anong nickname niya sa akin. "Sige na hmmm?" "Oo na nga."napipilitang saad ko at muli na namang sinara ang libro. Hindi ko na din naman naiintindihan ang binabasa ko dahil kanina pa ako nawawala sa focus sa pagtawag niya. Pagkatingin ko sa pagkain na kinakain niya. "Kainin mo na yung isang cookies na yan, nahiya ka pa."pang-aasar ko dito. Hilaw na ngumiti naman ito. "Napansin mo pala ako, ang sharap kashi eh."pabebeng anya nito. Hindi ko naman mapigilang lokohin siya. "Please lang Jinie sasama naman ako eh, wag ka na magpabebe kasi---" Nagtaka naman ito sa pambibitin ko. "Kasi ano? Cute ako?"saad nito. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at dahan-dahang naglakad upang pumasok na sa mansiyon para magbihis. "Uy san ka pupunta?"anya nito ng mapansin ang pasimple kong paglalakad. "Magbibihis na po para makaalis na tayo." Pagkarating na pagkarating ko sa pintuan ng mansiyon na ilang dipa ang layo mula sa kaniya. Muli ko siyang hinarap at tiningnan, tutok na tutok ito sa pagcecellphone habang ngumingiti pa ng patago. Tiyak kong kausap na naman nito si Cole, edi siya na may lovelife. Nang may maisip akong kalokohan, tutal tinatanong naman niya yung kasunod ng dapat na sasabihin ko. "Di bagay sayo magpabebe para kang bulate na inasinan!"pang-aasar na sigaw ko. Gulat na gulat na humarap ito sa akin at muntikan pang mahulog ang kaniyang cellphone, mabuti na lamang at mabilis ang kaniyang reflexes. Akala siguro nito ay pumasok na ako sa loob base sa reaksiyon nito. Tiningnan lamang ako nito na tila ba hindi pa napoproseso ng kaniyang isip ang aking sinabi. Kinawayan ko naman siya at agad ng pumasok sa loob ngunit maya-maya pa. Hindi pa ako masyadong malayo sa hardin ng marinig ko pa ang pagsigaw nito na nagpatawa sa akin. "Ang busit mo!" ------------------------------------------------------------ "Kanina ka pa busangot."pagpansin ko dito. Mula ng umalis kami sa bahay ay masama na ang timpla nito. Hindi ko alam kung ako ba ang dahilan o iba. Pero kabisado ko ito, sanay na ito sa pang-aasar ko sa kaniya kaya malamang iba ang dahilan. Patuloy lamang ito sa pamimili ng damit na tila ba hindi ako narinig. Kinalabit ko naman ito at tinawag ngunit deadma. "Uuwi na ako, inaya-aya mo ako dito tapos hindi mo din naman pala ako papansinin at kakausapin."papanakot na anya ko. Tumingin naman ito agad at saka ako hinila. "Uy saan tayo pupunta?"nalilitong saad ko ngunit patuloy lamang ito sa paglalakad. Hinihingal na ako ng huminto kami sa isang fastfood chain. Humarap ito sa akin pagkabitaw sa aking kamay. "Sasabihin ko sayo ang problema, pero pwede ba---"hinihingal na saad nito. Huminga muna ito ng malalim at saka nagsalita. "Kumain muna tayo, gutom na gutom na kasi ako eh." "Hay nako Jinie, akala ko naman kung ano na yun."tila nabunutan ako ng tinik sa kaniyang sinabi. Akala ko talaga nagtampo na ito sa pang-aasar ko, mahirap pa naman itonf amuin. "Halika na sa loob at pakainin na natin ang mga bulate mo sa tiyan."pag-aya ko dito. Pagpasok namin sa loob, mabuti na lamang at walang gaanong tao kaya nakahanap agad kami ng upuan. Napagpasyahan namin na ako na lang ang oorder ng pagkain. "Yun lang ba yung sayo?"paninigurado ko sa kaniya. Tumango naman ito. "Wala ka ng idadagdag, sure ka?" "Wala na." Tumayo na ako upang orderin ang aming pagkain. Pagkaalis sa aming table napailing na lamang ako sa daming inorder ni Jinie. Chicken joy, fries, burger, spaghetti, coke at sundae ang inorder nito, samantalang ako ay spaghetti at fries lamang. Hindi talaga halatang gutom siya. Pagkaorder ng aming pagkain, binigyan lamang ako ng babae ng numero dahil pineprepare pa ang aming pagkain. Bumalik na lamang ako sa puwesto namin at doon hinintay ang order. "Wait lang tayo, hinahanda pa ang sandamakmak mong order."pang-aasar ko dito pagkaupo. Sinimangutan lang ako nito sa pang-aasar ko. Tatanungin ko na sana siya sa problema niya ng may mahagip ang aking mata sa pinto ng fastfood. Ang puwesto namin ay nasa kaliwang gilid mismo ng kainan kaya hindi kami makikita mula sa entrance kung hindi igagala ang tingin sa loob, pero kita ang mga pumapasok na tao mula dito. Ako mismo ang nakaharap sa pintuan kaya hindi nakikita ni Jinie ang nakikita ko ngayon. Anong ginagawa ni Collin at Camille dito ng magkasama? Tila nagtaka naman si Jinie sa aking pananahimik kaya sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ko. Napasinghap naman ito. "Diba si Collin at Camille yun?" Nakasunod lamang ang tingin namin sa dalawa hanggang sa mawala na sila ng pumasok sa kanang bahagi ng kainan. Agad namang humarap sa akin si Jinie ng may parehas kaming reaksiyon. "Ano yun?"nagtatakang anya nito. Hindi ko siya nasagot dahil maging ako din ay nagtataka kung bakit sila magkasamang dalawa. At hindi ko gusto ang pakiramdam ko na may hindi magandang mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD