Betty
"Hunter??"may pag-aalangang anya ko habang nakatingin dito.
"Your so stubborn!"
"Ang sabi ng Lolo mo may sinat ka at hindi ka na niya pinapapasok! Look what happened!"he spat angrily.
Hindi ko makayanan ang tingin na kaniyang ibinibigay kaya iniiwas ko na lamang ang aking mata.
Alam ko na may pagkakamali ako sa part na yun dahil nag-aalala lang naman sila sa akin. Pero---
Sa hindi malamang dahilan, may biglang tumakas na luha mula sa aking mga mata kaya iniwas ko agad ang aking paningin mula sa kanya.
Hindi ko na narinig si Hunter kaya akala ko umalis na siya, nang maramdaman ko na lamang na may umupo sa kama.
Hindi ko alam kung para saan ang luha na ito, dahil sa totoo lang halo-halo ang nararamdaman ko. Galit, sakit, pagod.
Tumikhim ito at may pagiingat na hinawakan ang aking pisngi at pinaling sa kaniya ang aking paningin.
Agad naman nagtama ang aming tingin na dalawa. May pag-iingat na pinunasan nito ang bawat takas ng luha mula sa aking mga mata.
"I'm just worried baby."paos na anya nito.
Agad naman nito akong niyakap habang pilit na pinatatahan.
Ang mga masasakit na salita na tinanggap ko ay unti-unting bumabalik sa akin na tila ba patalim na humihiwa sa aking puso.
Ang pagpapanggap ko na matapang ay unti-unting natibag dahil sa init ng yakap at boses ni Hunter na tila ba pinaparamdam nito na, andito lang siya palagi sa aking tabi upang protektahan ako.
"You do not know how f-frightened I was w-when I saw you unconcious."nanginginig ang boses na anya nito at lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin na tila ba takot na takot itong mawala ako.
"Please, do not scared me like that."
Hindi ko naman napigilan ang sariling yakapin din siya ng mahigpit.
Tila ba sa isa't isa kami kumukuha ng lakas.
Tinanguan ko lamang siya bilang sagot habang hindi pa rin maawat ang pagtulo ng aking mga luha.
Alam ko na marami pa kaming pagdaraanan na sakit sa pagmamahalan naming ito. Maraming tao ang pilit kaming paglalayuin at pilit na titibagin ang nararamdaman namin sa isa't isa, ngunit hindi ako susuko hangga't hindi si Hunter ang siyang nagtataboy sa akin palayo.
"Hush, stop crying."bulong nito. Tila hinehele ako ng boses ni Hunter na hindi ko na namalayan na bumibigat na ang talukap ng aking mga mata.
Nakita ko pang bumukas ang pintuan bago ako nagpadala sa antok na naramdaman.
"Naexpelled na po ba ang mga gumawa nito kay Betty?"
"Yes, after what they've done to my grand daughter!"
Naalimpungatan ako ng may maulinigan na mga boses na nag-uusap sa aking kuwarto.
"Beshy!"
Nagulat na lamang ako ng may dumamba sa akin. Nang silipin ko kung sino ito ay siya namang pag-angat nito ng tingin sa akin habang tulo luha at sipon nito mula sa patuloy pag-iyak.
Hindi ko naman napigilang mapatawa dahil sa itsura ni Jinie.
"WALANG NAKAKATAWA BETTINA!" Panenermon nito.
Ngunit lalo lamang lumakas ang aking pagtawa dahil sa itsura niya habang seryoso niyang sinabi yun.
"ISA!"pananakot nito pero hindi pa rin nakaalpas sa kaniyang pandinig ang pagbungisngis ko ng sinamaan ako nito ng tingin.
"DALA--"
"Opo, eto na po titigil na."tatawa-tawang anya ko.
"Ang sarap niyong tingnan na dalawa."
Agad naman akong napaharap sa nagsalita. At mula sa upuan sa gilid ng kama, nakaupo si Lolo habang nakatingin sa aming dalawa ni Jinie.
"Lo!"masayang anya ko at padarag na bumangon kahit pa nakadagan si Jinie sa akin kaya ang ending napasubsob ito sa kama.
Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang reklamo ni Jinie at pagbulong-bulong nito ng kung ano habang lumalapit ako kay Lolo.
Tumabi agad ako pagkalapit kay Lolo at yumakap sa kaniya ng patagilid.
"Lo, sorry kanina dapat nakinig po ako sayo."may pagsisising saad ko.
Hinimas nito ang aking likod. " It's okay hija, mabuti na lamang at walang nangyaring masama sayo."
"Dahil hindi alam ni Lolo kung ano ang magagawa niya sa oras na may nangyari sayo."may pagbabantang saad nito at sinuklian ang aking pagyakap.
Ang sabi ni Lolo, pwede na daw akong madischarge dahil hindi naman daw malala ang tinamo ko. Kaya bukas na bukas din ay pwede na akong umuwi sa bahay.
Hindi pa rin ulit dumadalaw si Hunter magmula ng pag-uusap naming dalawa pagkagising ko.
Si Jinie ang nagbabantay sa akin ngayon dahil kasalukuyang may inaasikaso si Lolo. Si Papa naman ay mamaya pa makakapunta dahil sa trabaho nito at naiintindihan ko naman.
"Naku, kung kasama mo ko kanina niresbakan ko na yung mga babaitang iyon."nanggagalaiting anya nito habang pinaghihiwa ako ng mansanas.
Nang tingnan ko ang labas mula sa aking bintana, medyo dumidilim na pala.
"Nang malaman ko yung nangyari sayo, ibig ibig ko ng kalbuhin sila Brittany. Yun nga lang may nauna na sa aking nagparusa sa kanila."saad nito.
Nagtaka ako sa kaniyang sinabi kaya agad ko siyang hinarap mula sa pagkakatingin sa bintana.
"Anong sabi mo? Nagparusa?"nagtatakang anya ko.
Tila natauhan naman ito sa kaniyang sinabi at narinig ko pa ang mahina nitong pagmumura.
"Wala naman akong sinasabi hah."ackward na anya nito habang naglulumikot ang mata ng titigan ko siya ng mariin.
"Jinie?"saad ko.
"Ito na yung mansanas mo."pag-iiba nito ng usapan at inabot sa akin ang plato ng hiniwa niyang apple.
Inabot ko naman ito agad at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbuntong hininga nito.
Pagkaabot na pagkaabot ko sa plato ay agad ko rin itong isinantabi sa kabilang lamesa at muli siyang hinarap.
"Saan na nga ulit tayo?"tanong ko at muli siyang tinitigan.
Muli itong napatingin sa akin na parang hindi makapaniwalang hindi ko siya titigilan hangga't hindi siya nagsasabi.
"JINIE!"sigaw ko dito.
Tila nagulat naman ito mula sa aking pagsigaw kaya wala na siyang nagawa ng lumabas mula sa kaniyang bibig ang hinihintay kong kasagutan.
"Si Hunter, pinahiya niya sa maraming estudyante sila Brittany habang maghapon silang nasa stage at patuloy na nagsosorry sa kanilang ginawa."mabilis na anya nito.
"Dapat lang sa kanila yun hano, masuwerte pa nga sila yun lang ginawa sa kanila eh."bubulong-bulong na anya nito.
Sinamaan ko naman siya ng tingin sa kaniyang sinabi na nagpairap sa kaniya mula sa akin.
"Beshy, ang hirap kasi sayo ang bait bait mo. Naku kung ako iyon, kalbo na sila, wala pa silang mukhang maihaharap sa campus."
Napailing naman ako sa kaniyang tinuran.
Alam ko naman na para sa akin kaya yun ginawa ni Hunter, pero ang sa akin lang hindi tamang pilitin sila na gawin ang hindi nila kagustuhang gawin.
May tamang paraan kung paano sila parurusahan ng hindi napapahiya.