Chapter 56

1486 Words
Betty Pagpasok ko sa loob ng bahay, nadatnan ko si Papa at Lolo na naguusap sa sala. Una akong napansin ni Lolo kaya tinawag ako nito at pinaupo sa kaniyang tabi habang katapat naman si Papa. "Kamusta naman ang outing niyo hija?" Tanong nito. "Okay naman po" anya ko. "Your Papa and I are talking about your upcoming debut apo. So have you decided about our deal?" He asked while staring intently at me. Nang sulyapan ko naman si Papa, tinanguan lamang ako nito. Sa totoo lang nawala na sa aking isipan na malapit na pala ang aking kaarawan dahil sa dami ng aking iniisip. Nang sulyapan kong muli si Lolo andun pa rin ang antisipasyon nitong marinig ang aking sagot. May pilit na ngiting tumango ako kay Lolo bilang pagsang-ayon. Nakita ko naman kung paano magbago ang expression ng mukha nito na tila ba masaya siya sa naging desisyon ko. Dahil sa nakitang kasiyahan sa mukha ni Lolo, hindi ko napigilang bigyan siya ng tunay na ngiti. Takot ako sa sasabihin ng iba ngunit mas takot ako na hindi na makita ang kasiyahang nakikita ngayon ng aking dalawang mata. "I'm so happy that you agreed hija." He said. "Anak, sana huwag kang magtampo o magalit sa amin ng Lolo mo." May pag-aalalang anya ni Papa. Sinulyapan ko naman siya at binigyan ng assurance na okay lang dahil alam ko namang kapakanan ko lamang ang iniisip nila. "Hindi po kahit kailanman." May ngiti sa labing anya ko sa kanila. "I love you Lo." Pagyakap ko kay Lolo. Nilapitan ko naman si Papa at niyakap rin. "I love you too anak." Bulong nito sa aking tenga. Labis ang pasasalamat ko na nakilala ko si Papa at Lolo dahil nagkaroon ako ng pamilyang matatawag kong akin. Tunay nga na sa kabila ng mga naranasan mong problema, paghihirap at pag-iisa, daan lamang ito upang ihanda ka sa direksiyong tatahakin mo na mas malaki pa kaysa sa inaakala mo. Kinaumagahan maaga akong nagising upang maghanda na sa pagpasok kahit ramdam ko pa ang antok. Ilang oras kong hinintay na magtext o tumawag man lang si Hunter na madalas niya ng gawin kahit magkasama lamang kami noong outing. Ngunit ng maalala kong nagkaroon nga pala kami ng hindi pagkakaunawaan, naisipan ko ng matulog ngunit ayaw naman akong patulugin dahil sa text message niya. Sa totoo lang andun pa rin ang agam-agam kong lahat ng nangyari noong outing ay hanggang doon na lamang, maging ang sweetness na ipinakita at pinaramdam sa akin ni Hunter. Takot na akong muling umasa dahil hindi ko na alam kung makakaahon pa akong muli kapag ako'y nasaktan. Humihikab akong bumaba ng hagdan habang patungo sa dining para mag-agahan. Nadatnan ko si Lolo na mag-isang nakaupo sa kabisera habang nasa harap nito ang umuusok nitong kape habang busy naman ito sa pagbabasa ng diyaryo. Tila naramdaman nito ang pagdating ko dahil binaba nito ang kaniyang binabasa at sinundan ako ng tingin. "Good morning Lo." Pagbati ko pagkahalik sa kaniyang pisngi at umupo na sa katabing upuan nito. Agad naman kaming hinandaan ng umagahan ng mga katulong. Hindi ko naman maiwasang mapahikab dahil sa antok na agad nitong napansin. "Are you still sleepy?"tanong nito ng mapansin ang paghihikab ko. "Medyo po, pero okay lang po Lo." Saad ko at sinimulan ko na ang pagkain. "Okay lang na umabsent ka ngayon apo kung inaantok ka pa. Lalo na at kauuwi mo lang kagabi, tiyak na pagod ka sa biyahe." May pag-aalalang anya nito. "Okay lang po." May ngiting saad ko sa kaniya. Pagkayaring kumain nagpaalam na ako kay Lolo upang pumasok sa school. Noong una ayaw pa nito akong papasukin dahil nag-aalala sa akin lalo pa ng malaman nitong medyo masama ang pakiramdam ko at nahipo nitong may sinat ako. Pero sinigurado ko naman sa kaniyang once na maramdaman kong hindi ko na talaga kaya magpapasundo na ako kay Manong Bert. And I will also message him from time to time to ease his worriness. May pagaalinlangan pa ito noong una, ngunit ng makitang determinado akong pumasok, bumuntong hininga na lamang ito bilang pagsang-ayon. "Manang-mana ka talaga sa Mama mo ng katigasan ng ulo."umiiling na anya nito ngunit andun ang kaaliwan sa mata nitong nakatingin sa akin. Napangiti naman ako sa narinig na sinabi nito. Ngayon ko lang nalaman na may katigasan ng ulo pala si Mama. "Sige po Lo, una na po ako." Paalam ko dito. Pagkasakay sa sasakyan, inaya ko na si Manong Bert para pumasok na kahit ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mata. Habang nasa biyahe, nakatanggap ako ng message galing kay Jinie na hindi siya papasok today dahil tinanghali siya ng gising. Nireplayan ko lamang siya ng okay. Tiyak ko ring hindi papasok sila Cole, Elliot, Caden at Collin dahil sa training sa basletball. Nalalapit na rin kasi ang laban nila kaya puspusan sila sa pageensayo. Pagdating sa eskuwelahan ramdam ko ang titig na pinupukol ng bawat estudyanteng madadaanan ko. Bawat isa sa kanila ay may pandidiring nakatingin sa akin at saka bubulong. Ayaw ko ng nararamdaman kong kaba sa aking puso dahil feeling ko may hindi magandang nangyayari. Hanggang sa pagdating ko sa classroom, hindi ako tinitigilan ng tingin ng mga estudyante na tila ba may masama akong ginawa kung makatingin sila. Pagkaupong-pagkaupo ko, rinig na rinig ko ang paguusap nila Brittany. "Akala mo mabait, yun pala nasa loob din ang kulo."may pangungutyang saad nito habang nakatingin sa akin na agad sinegundahan ng kaniyang mga kasama. "Mang-aagaw!" "Malandi!" "p****k!" Ilan lamang yan sa mga naririnig ko sa kanila. Mas pinili ko na lamang hindi sila pansinin upang hindi na lumala ang usapan dahil una sa lahat alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama. Hindi pa nakatulong ang pagsama lalo ng aking pakiramdam sa mga naririnig. Pinili ko na lamang dumukdok sa desk at tinakpan ang aking tenga na hindi rin nakatulong dahil lalo pa nilang nilalakasan ang mga boses nila at halatang pinaririnig sa akin. "Siguro nagmana sa Ina kaya ganyan." Saad ng isa sa kanila. Tila nagpanting ang aking tenga sa narinig. Tumaob ang aking bangko dahil sa ginawa kong biglaang pagtayo na siyang ikinatahimik nila. Matatanggap ko pa na ako ang laitin nila pero huwag na huwag nilang idadamay ang Mama ko. Nilapitan ko sila habang kuyom ang kamay dahil sa pinipigil na galit na gustong lumabas sa akin. Agad namang tumayo din sa Brittany mula sa pagkakaupo habang tinutumbasan ang galit na makikita sa aking mukha. "Bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman eh!" Matapang na saad ni Brittany. "Anong karapatan mong husgahan ang Nanay ko!" Hiyaw ko sa kaniya. Tila nagulat naman ito sa pagooutburst ko dahil hindi ito nakaimik. Tumahimik din ang mga kaklase namin ng mapansin ang kaguluhan. "Anong karapatan mong sigawan kami hah!?" Saad ng isa nitong kaibigan. Tila nakabawi naman si Brittany mula sa pagkakatulala. "Aba matapang ka na hah!" Saad nito habang paulit-ulit na tinutulak ang kanang balikat ko. Humihiyaw naman ang iba naming kaklase na tila nasisiyahan sa eksenang napapanood nila. "Ano lalaban ka!?" Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa sama ng pakiramdam ngunit ramdam ko pa rin ang umaapaw na galit dahil sa narinig sa kanila. "Huwag niyong hintaying patulan ko kayo dahil baka hindi niyo magustuhan ang gagawin ko!" May pagbabantang saad ko sa kanila. "Tumigil ka!" Tila tuluyan na akong nawalan ng lakas dahil sa pagtulak nito sa akin ng malakas na siyang ikinasadsad ko sa mga lamesa at upuan. Naramdaman ko pa na tila tumama ang braso ko sa edge ng lamesa dahil sa sakit na aking naramdaman. Tatayo na sana ulit ako upang pagsabihan sila ng may maaninag akong pigura ng isang lalaki sa aking harapan na tila ba pinoprotektahan ako. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil sa panlalabo ng paningin. At hindi ko din madinig ang kaniyang sinasabi pero ramdam kong galit siya dahil sa lumalabas na litid sa kaniyang leeg. Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mata, ang huli ko na lamang nakita ang paglapit nito sa akin habang may pag-aalala sa mukhang tinatawag ang aking pangalan. "Hunter!" Sigaw ko pagmulat ng aking mata. Hindi ko naman maiwasang igala ang aking paningin dahil sa hindi pamilyar na lugar na aking kinaroroonan. Kung tama ang pagkaka-alala ko, ang huling natatandaan ko ang pakikipag-away ko kina Brittany ngunit pagkatapos nun-- hindi ko naman maiwasang mapahawak sa aking ulo ng makaramdam ng pagkirot. Nagtatakang tiningnan ko ang kanang kamay ng may makitang suwerong nakalagay dito. Sakto namang bumukas ang pinto kaya napaharap ako dito. Nagulat ako ng mabungaran si Hunter mula sa pintuan. At base sa itsura nito, tila hindi ito nasisiyahan sa nakikita niya. May mabibigat na paang lumapit ito sa aking kinaroroonan habang sa akin lamang nakatutok ang maiinit niyang mga mata. "Hi?" May pagaalinlangang ngiting pagbati ko dito pagkalapit nito. Tila lalo pang bumagsik ang itsura nito pagkarinig sa aking sinabi. Patay kang bata ka! Piping saad ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD