Chapter 55

1373 Words
Betty   Kaniya-kaniya na kaming sakay sa sasakyan ng mga gamit. Pinagpasyahan kong kila Jinie na lamang sumabay pauwi habang ang kasama ni Collin sa sasakyan ay sina Elliot at Caden. Hindi ko alam kung paano patutunguhan si Collin simula ng malaman kong magkapatid sila ni Hunter. Hindi ko din magawang paniwalaan si Hunter na baka gamitin ako ni Collin upang paghigantihan siya dahil wala akong nakikitang masama sa pakikitungo nito sa akin. Alam kong napapansin nito na iniiwasan ko siya dahil sa tuwing makakasama ko ito sa isang lugar ng kaming dalawa lamang ay mas pinipili kong umalis. Hindi ko siya magawang kausapin ng walang ackwardness sa aming dalawa. Minsan nararamdaman ko itong nakatitig sa akin ngunit pinagsasawalang bahala ko na lamang. May mga pagkakaton pa na nagkakasalubong ang tingin naming dalawa ngunit nauuna kong iniiwas ito.   “Wala na ba kayong naiwan na gamit?” tanong ni Cole. Tumingin naman ako sa kanila at maya-maya pa isa-isa na kaming umiling. “Wala na.” Sagot ni Elliot. Napagpasyahan na naming umalis para hindi gaanong gabihin sa daan. Ang ayos ng puwesto namin sa sasakyan ay si Cole ang driver at sa passenger seat naman ay si Hunter. Kaming tatlong babae ay sa likod nakaupo, sa katapat ko ang passenger seat habang sa gitna si Jinie at sa tabi nito si Camille. Kanina ko pa din napapansin na tila badtrip si Camille. “Anong problema nung frenny mo?” bulong ni Jinie. Nagtaka naman ako sa kaniyang tinuran, ngunit ng pasimple niyang tiningnan pagilid ang kaniyang tinutukoy nagets ko na agad na si Camille ang kaniyang sinasabi. Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya bilang sagot.   Maya-maya pa, tatlong oras na kami bumibiyahe at tulog na si Jinie sa aking tabi. Nakahilig ito sa aking balikat kaya ramdam ko na ang pangangalay nito. Nang silipin ko naman si Camille sa tabi nito, tulog din ito habang sa bintana naman nakahilig. Naisipan ko na lamang makinig ng music at magscroll sa f*******: dahil hindi rin naman ako inaantok. Pumipili ako ng kanta sa playlist ng magvibrate ang aking cellphone dahil sa isang text. Pangalan ni Hunter agad ang tumambad sa akin, kaya hindi ko napigilang silipin siya. Saktong pag-angat ko ng aking tingin ay nagkasalubong ang aming tingin mula sa salaming nasa harap niya. Tila ba kanina pa ako nito tinititigan base sa pinupukol niyang intensidad sa kaniyang tingin.   Hunter: Are you sleepy?   Me: No. Wala pang segundo akong nagrereply sa kaniya ng tumunog na naman ang aking cellphone. Hunter: Hungry?   Me: No. Itinago ko na ang aking cellphone ng isang minuto na ang lumilipas ngunit hindi na ito nagtext pa. Nang tiningnan ko ito, kinakausap na siya ni Cole habang nakatingin dito. Ang naririnig kong pinag-uusapan nila ay about sa business nila Cole na hindi ko naman alam, kaya hindi na rin ako nakisali at mas piniling ituon sa labas ng bintana ang tingin habang nakikinig ng music. Akala ko hindi na ito magrereply, nang tumunog ulit ang cellphone ko. Nang tingnan ko naman ito ay busy pa rin ito sa pakikipagdaldalan kay Cole. Nagtaka naman ako kung paano siya nakapagtext gayong magkausap sila ng kaniyang katabi. Hunter: Aren’t you tired? Hindi ko naman maiwasang magunot ang noo dahil sa text nito. As far as I remember, hindi naman ako napagod dahil wala na kaming ginawa bago umuwi at naisipan kong magpahinga na lamang sa kuwarto. At ilang oras pa lang kami bumibiyahe kaya hindi pa ako gaano nakakaramdam ng pagkapagod.   Me: No, why? Maya-maya pa, nagvibrate na naman ang aking cellphone. Pagkabasang-pagkabasa ng message nito hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi. Hunter: Because you keep on running on my mind.   Agad-agad kong ibinaba ang cellphone at ibinaling sa bintana ang aking paningin ng maramdaman ang titig nito na tila ba hinihintay ang reaksiyong makikita mula sa akin. Hindi ko naman maiwasang lalo pang pamulahan ng pisngi ng makita ang reflection ko sa salamin ng bintana. Hindi na muling tumunog ang aking cellphone at mabuti na lamang napakalma ko na ang aking sarili at nawala na ang pamumula ng aking mukha bago pa man nagising si Jinie. Pagkaalis na pagkaalis ng pagkakadantay nito sa aking balikat, hindi ko maiwasang masahihin ito dahil sa pangangalay na naramdaman. Tila napansin naman ito ni Jinie at nagsorry. “No, its okay.” Sagot ko.   Maya-maya pa nakarating na kami sa bahay nila Camille upang ihatid siya. Maingat itong bumaba sa sasakyan, sumunod din naman agad sa kaniya si Hunter upang tulungan siya sa kaniyang gamit. Hindi ko maiwasang tingnan ang dalawa mula sa bintana ng tumagal ang pagkakatayo nila at tila ba nag-uusap. Nakita ko pa ang pag-sulyap ni Hunter sa sasakyan na tila ba alam nitong pinapanood ko silang dalawa. “Ang tagal naman ni Hunter, gusto ko ng matulog sa bahay.” Inaantok na aniya ni Jinie. “Ganyan talaga pag magjowa, akala mo matagal maghihiwalay kapag nagpalaaman sa isa’t isa. Tayo nga lang diba?” saad ni Cole. Oo nga tama siya, muli na namang sinampal sa akin ang katotohanan na pagmamay-ari siya ng iba. Bakit ang daling mawala sa isip kong nakacommit na siya sa iba sa tuwing pinaparamdam niya sa akin na ako lang ang mahal niya. Bakit ang dali kong madala sa emosyon na nanggagaling sa puso ko at palaging natatalo ang isip ko. Nakita ko pa mula sa gilid ng aking mata ang pagsama ng tingin at pag-irap na ginawa ni Jinie kay Cole. Tila nagtaka naman ang huli sa inakto ng kaniyang girlfriend.   Maya-maya pa naglalakad na si Hunter pabalik sa sasakyan. Tahimik na ulit ang sasakyan na tila ba may dumaang anghel sa sobrang katahimikan. Ngunit nararamdaman ko naman ang pagpapalitan ng tingin ni Cole at Jinie at ang mahinang pagbulong ng aking katabi. Mas pinili ko na lamang hindi ito pansinin at  ituon sa labas ang tingin. Hindi ko na sinulyapan pa ang passenger seat kung saan naroroon si Hunter kahit pa ramdam ko ang pagtitig nito. Nakarating kami sa mansiyon ng katahimikan ang bumalot sa sasakyan. Tahimik akong bumaba at pumunta sa likod upang kunin ang aking gamit. Kukunin ko na sana ito, ng may nauna sa akin sa pagkuha. Nang tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon, hindi na ako nagtaka ng mabungaran ko ang seryosong mukha ni Hunter na nakatingin sa akin. “Ako na.” Pag-aagaw ko sa kaniya ng gamit. Ngunit inilayo lamang niya ito sa akin at pinigilan ang aking kamay mula sa pag-abot gamit ang kaniyang isang kamay. Buntong hininga na pinabayaan ko na lamang siya at hindi na nakipagtalo pa. Hahakbang na sana ako ako ng pigilan ako nito. “What’s wrong?” he said. “Nothing.” Saad ko ng hindi siya sinusulyapan ng tingin. “Look at me.” Seryosong anya nito at saka ako pinaharap sa kaniya. “There is a problem. What is it?” Alam ko na ramdam niyang nag-iba ang mood ko ng inihatid niya si Camille ngunit mas pinili ko na lamang na hindi sumagot. “Baby, what’s wrong hmm?” malambing na anya nito. “Pwede bukas na lang tayo mag-usap, gusto ko ng magpahinga.” Matamlay na anya ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Tila naramdaman naman nitong wala ako sa mood kaya bumuntong hininga ito na tila ba labag sa kaniyang kalooban na paalisin ako ng hindi kami magkaayos na dalawa. Tumango na lamang ito bilang pagsang-ayon at inihatid ako sa pintuan ng mansiyon. Bagsak ang balikat na bumalik na ito sa sasakyan pagkaabot ng aking gamit sa isang katulong. Pumasok na ang katulong sa loob ngunit nanatili lamang ako sa pintuan habang nakatanaw sa kaniya, hanggang sa pag-alis nila.   Papasok na sana ako sa loob para makapagpahinga na, ng maramdaman kong nagvibrate ang akig cellphone. Agad ko naman itong kinuha mula sa aking bulsa at binasa ang message.   Hunter: We will talk about it tomorrow!.   From the authority of his text message, alam ko na hindi ako titigilan ni Hunter hanggang hindi niya nalalaman kung ano ang problema. At bukas na bukas rin napagdesisyonan ko ng kausapin siya tungkol sa relasyon naming dalawa, kung matatawag nga ba na may relasyon kami kung committed siya sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD