Betty
Kanina pa ako inuusisa ni Jinie about sa nangyari habang magkasama kami ni Hunter. Kasalukuyan kaming nag-aayos na ng gamit dahil bandang hapon ay aalis na kami. Kanina pa ito nangungulit, buti na lamang at wala si Camille sa kuwarto tanging kami lamang dalawa.
“Wala nga! Okay.” I said while a bit irritated.
Tiningnan lamang ako nito ng mariin dahil sa narinig na sagot ko.
“Sigurado ka?” may pagdududang anya pa rin nito.
“Wala nga talaga!” inis ng wika ko dahil sa kakulitan nito.
Isa pang nagdududang tingin ang ibinigay nito bago pumasok sa banyo. Itutuloy ko na ulit sana ang pag-aayos ng matanaw kong nakasilip pa rin ito mula sa pinto ng banyo.
“Jinie!” may galit na sigaw ko dito.
“Oo na po!” pagsuko nito at agad ng pumasok sa loob’
Hindi ko naman maiwasang mapailing sa pagkachildish nito.
Nang bandang tanghalian naisipan na naming bumabang dalawa upang kumain. Pagkababang-pagkababa namin ay nakita namin ang mga lalaki sa sala habang nanood ng telebisyon. Hindi ko naman nakita sa mga ito si Collin at Hunter, tanging ang tatlong lalaki lamang.
Si Cole ang siyang nakapansin sa aming dalawa.
“Wher—“ Tatanungin ko na sana ito ngunit naunahan na ako ni Jinie.
“Where’s Collin and Hunter?” saad ni Jinie.
“Si Collin nasa kuwarto, si Hunter ewan ko lang kung nasaan.” Pagsagot nito habang sa telebisyon pa rin nakatuon ang tingin.
“Hindi pa ba tayo kakain?” anya ni Jinie.
“Nice shot!” hiyaw ng mga lalaki habang tutok na tutok sa pinapanood na basketball.
Nakita ko namang nagbago ang itsura ng huli dahil sa hindi pagpansin sa kaniya ng mga lalaki, kaya naisipan ko na lang siyang ayaing kumain ng kaming dalawa lang.
Mabuti na lang at sumang-ayon ito kundi lagot talaga si Cole. Mahirap pa namang amuin ito lalo na pag-gutom.
Pagkatapos kumain naisipan kong hanapin kung nasaan si Hunter habang si Jinie naman ay pumunta na sa sala. Kanina ko pa din napapansin na wala si Camille, at hindi ako mapigilang isipin na baka magkasama silang dalawa.
Dahil sa sobrang lalim ng aking pag-iisip hindi ko namalayang napadpad na pala ako sa tabing-dagat.
At mula sa aking kinatatayuan, tanaw na tanaw si Hunter na nakaupo sa isang malaking bato habang nakatanaw sa paghampas ng alon sa pangpang.
Hindi ko naman maiwasang titigan ito. Dati ko pang alam na Hunter is not just an ordinary man but he always exceed my imagination about him. A tall man with broad shoulders and bulk body with a perfect jaw line, pointed noise and rosy lips. I must say he is the man that every girl dreamed of, including myself.
Ginala naman nito ang tingin na tila ba naramdaman nitong mayroong nakatingin sa kaniya at kanina pa siya tinititigan. Nagtagpo ang paningin naming dalawa at sa simpleng titig pa lang niya, nagririgodon na ang t***k ng aking puso. Tanging siya lamang ang nakagagawa nito sa akin at iyon ang kinakatakot ko. Na dahil sa lunod na ako sa pagmamahal sa kaniya, makalimutan ko na aking sarili at hindi na makaahon pa.
Bumaba ito mula sa batuhan at may malalaking hakbang na tinungo ang aking kinaroroonan habang hindi inaalis ang mariin niyang titig sa akin.
“What are you doing here?” tanong nito pagkalapit sa akin.
“Did you a-already eat your l-lunch?” utal na anya ko habang hindi pa rin tumitigil ang bilis ng t***k ng aking puso dahil sa presensiya nito.
“hmm?” tila nasisiyahan ito sa nakikitang reaksiyon ko base sa kislap na nakikita ko sa mata nito at ang pilit niyang tinatago na ngiti sa labi.
Hindi ko naman maiwasang lalo pang pamulahan ng hawakan nito ang aking kanang kamay.
“How about you?” tila nanghehele ang boses nito sa sobrang rahan.
“Tapos na kami ni Jinie.” Mahinang anya ko habang nakatingin sa baba dahil hindi makayanan ang intensidad sa tingin nito.
“Eyes up here baby.” Paos na anya nito ng inangat ng isa nitong kamay ang aking baba para mapatingin ako sa kaniya.
Hindi ko naman maiwasang mapansin ang pagkakaiba ng height naming dalawa. Akala ko dati matangkad na ako dahil ako ang pinakamatangkad sa klase namin, ngunit ng iangat ko ang tingin kay Hunter feeling ko ang liit-liit ko dahil hanggang kili-kili lamang niya ako.
“You should eat Hunter! Its already late.” Masungit kong saad habang pinipigilan ang sariling maapektuhan sa tinging ipinapakita nito.
“Okay, because my baby said so.” May pagsukong saad nito ngunit makikita sa mukha nito ang pagkaaliw dahil sa akin.
Inirapan ko na lamang siya sa kaniyang sinabi upang pagtakpan ang tunay na nararamdaman, ngunit sa loob-loob ko kanina ko pa nararamdaman ang mga paru-paro sa aking tiyan dahil sa pagtawag nito ng baby gamit ang malambing nitong boses.
Binitawan na nito ang aking baba ngunit hindi ang aking kamay, habang sabay kaming naglalakad pabalik sa bahay.
Pagkarating sa tapat ng pintuan saktong bumukas ito at bumungad si Camille, kaya agad kong kinuha ang kamay mula kay Hunter.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ng huli sa aming dalawa habang may pagtataka sa kaniyang mukha.
“Sige una na ako Hunter, andun sila Elliot sa loob kanina ka pa hinahanap ng mga iyon.” Palusot ko at iniwan na silang dalawa sa labas at napagpasyahang pumasok na sa loob.
Saktong pagpasok ko naman ay si Collin ang siyang bumungad habang nakatitig ng mariin na tila ba alam niyang magkasama kaming dalawa ni Hunter. Hindi ko na lamang siya pinansin, at tuloy-tuloy na umakyat na sa itaas.
Pagkapasok sa loob ng kuwarto, wala si Jinie sa loob kaya napagpasyahan ko na lamang na umidlip muna bago kami umalis dahil wala rin naman akong gagawin. Ngunit kanina pa ako pabiling-biling sa higaan pero hindi ako dalawin ng antok.
Gising na gising pa rin ang aking diwa habang iniisip ang ginagawa naming dalawa ni Hunter na panloloko kay Camille. Sa totoo lang kahit na alam kong mahal rin ako ni Hunter, hindi ko magawang makaramdam ng kasiyahan dahil may niloloko kaming iba sa pagmamahalang ito.
Ako nga ang siyang nasa puso niya ngunit iba naman ang alam ng iba na girlfriend niya. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya dahil iba ang hatid ng presensiya nito sa aking puso pero ramdam ko pa rin na parang may kulang. May kulang na hindi kayang punan ng simpleng presensiya lamang nito.
Una pa lang alam ko ng talo pa rin ako, pero susugal ako dahil alam kong pareho naming mahal ang isa’t isa. Ngunit hanggang kailan?
“Hanggang kailan?” piping anya ko sa sarili habang nakatulalang nakatanaw sa kisame.
At sa hindi malamang dahilan, pumatak ang kanina ko pang pinipigilan na luha.
Hanggang kailan Hunter?