Chapter 53

1450 Words
Betty Present   “Baby? Wake up please! Cassandra!” Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa tinig na aking narinig. Pagkabukas na pagkabukas nito, nabungaran ko si Hunter na puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha. Agad ako nitong niyakap na ikinabigla ko. “Thank God, your awake!” He said while embracing me tightly. Ramdam ko sa kaniyang yakap ang higpit na tila ba takot na takot itong mawala ako. At rinig din sa kaniyang tinig ang panginginig ng kaniyang boses. “What happened?” nagtatakang saad ko at ginala ang paningin. Doon ko lang nalaman na umuulan pa pala sa labas habang nakasilong kami sa isang kubo. “Where are we?” I said half-sated. “Please Cassandra! Do not scared me like that!” saad nito habang hindi pa rin ako binibitawan mula sa kaniyang pagkakayakap. Niyakap ko din ito pabalik dahil mukhang natakot ko talaga siya sa nangyari. “I’m sorry.” Mahinang bulong ko sa kaniya habang hinihimas ang kaniyang likuran.   Ever since I was a child, sa tuwina na lamang na kukulog at kikidlat, palagi na lamang akong napatutulala sa sobrang takot na nararamdaman. May mga pagkakataon pa na hinihimatay ako at nanginginig ang aking katawan sa sobrang takot. Natatandaan ko pa, nagsimula iyon ng minsang hindi ako pinayagang umuwi ni Nanay sa bahay dahil sa wala akong kinita sa pagtitinda. Hindi niya ako pinagbuksan man lang kahit pa malakas ang buhos ng ulan. At sa murang edad ko na iyon, tila ba natrauma ako na sa tuwing kukulog at kikidlat, pakiramdam ko palagi, na mag-isa lang ako sa gitna ng kadiliman, na tanging sarili lamang ang sandalan.   “Are you sure your okay?” may pag-aalala pa rin sa tono nito habang nakahawak sa aking balikat at tinititigan ang aking mukha. Hindi ko naman maiwasang mailang sa tingin na kaniyang ibinibigay. “Okay lang ako.” Paos na anya ko. Tila napansin naman nito ang pamamalat ng aking boses base sa pagkunot ng kaniyang noo. Kaya hinipo nito ang aking noo at leeg. “May sinat ka!” seryosong saad nito. “Sinat lang naman, malayo sa bituka.” Anya ko. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin dahil sa aking sinabi. “Asan tayo?” pag-iiba ko ng usapan. Maya-maya pa tumayo ito at tila may kinukuha sa isang sulok. Ngayon ko lang napansin na maliit lang ang kubo na aming tinutuluyan. Mayroon itong maliit na kusina na kita mula sa papag na aking hinihigaan. Tila ginawa ang kubo na ito para pagpahingahan. Tanging ilaw lamang na nanggagaling sa gasera ang nagsisilbing liwanag sa loob. At ngayon ko lang din napansin na inabot na pala kami ng gabi.   May inabot itong kumot sa akin. “You should remove your wet clothes.” Anya nito. Ngayon ko lang din napansin na nakahubad baro si Hunter kaya hindi ko maiwasang matitigan ang kaniyang katawan. Dati ko pang alam na kapag modelo ang isang lalaki, ibig sabihin maganda ang kaniyang pangangatawan at itsura. Ngunit ngayon ko lamang nakita ang katawan ni Hunter na tila alagang-alaga sa gym at tila inukit ng isang iskultor. “Stop staring! Cassandra.” May pagbabantang anya nito ng mahuli akong tinitingnan ang kaniyang  katawan. Nahihiyang inabot ko ang kumot mula sa kaniya. At tumalikod naman ito pagkaabot.   Pagkaalis ng aking mga damit, pinili ko na lamang mahiga at balutin ng kumot ang aking sarili dahil sa hindi ako kumportableng may kasamang lalaki habang tanging undergarments lamang ang suot. Bigla namang tumibok ng mabilis ang aking puso ng lumapit si Hunter. Dahan-dahan nitong chineck ang aking temperatura sa noo at nakita ko ang pagkunot ng noo nito. “May sinat ka pa.” Anya nito. “Okay lang ako ano ka ba, mawawala din to.” Ngunit tiningnan lamang ako nito. “Oo nga pala, tiyak nag-aalala na sila sa atin.” Pag-iiba ko ng usapan. Umupo naman ito sa aking tabi at napilitan akong umusog ng maramdaman ko ang pagdikit ng aming katawan. Alam kong napansin niya ang pag-iwas ko base sa pagtiim bagang nito, ngunit hindi na lamang nagsalita. “My phone is deadbat.” He said while looking at me intently. Hindi ko naman mapigilang ituon sa iba ang tingin ng hindi makayanan ang intensidad ng tingin ni Hunter. “What about my ph—.” Agad ko ding pinutol ang dapat sanang sasabihin ng maalalang pinili ko nga palang iwanan ang aking cellphone sa kuwarto. Nanahimik din agad ako dahil sa pagkapahiyang nararamdaman. “Just rest Cassandra!” may kaseryosohang saad nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin, na tila ba ay takot na takot itong mawala ako. Tinanguan ko na lamang siya bilang pagsang-ayon at saka siya tinalikuran upang magpahinga.   Isang oras din akong naidlip ng magising ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman. Tanging ungol lamang ang lumalabas sa aking bibig. Tila narinig naman ito ni Hunter na kasalukuyang nakatanaw sa labas na patuloy pa rin sa pag-ulan. “Baby? Cassandra?” tawag nito paglapit sa aking kinaroroonan. Tinawag ko siya sa kaniyang pangalan ngunit nagmistulan lamang itong ungol sa aking pandinig. Agad naman nitong hinipo ang aking noo, at agad ding napamura. “You are hot!” may pag-aalalang wika nito. Tanging ungol lamang ang aking sinagot sa kaniya dahil sa panlalamig na nararamdaman. “I need to warm you up!” Maya-maya pa naramdaman ko na lamang mula sa aking likod ang pagsampa nito sa papag. Ang kaninang panlalamig na nararamdaman ay nabawasan dahil sa init na nagmumula sa katawan ni Hunter. At hindi ko na namalayan na magkayakap na pala kaming dalawa.   Kinabukasan. Naalimpungatan na lamang ako ng makarinig na tila ba may nag-uusap sa labas ng kubo. Pagtingin ko sa aking tabi, wala na doon si Hunter at pagsilip ko sa suot ko, may nakasuot na sa akin na malaking t-shirt na sa tingin ko ay pagmamay-ari ni Hunter. Silaw sa liwanag ng bintana na kinusot ko ang aking mga mata at bumangon na para silipin kung sino ang kausap ni Hunter.   Pagtingin ko sa labas, may kausap si Hunter na matandang lalaki at nakita ko naman ang pagsulyap na ginawa ng matanda ng makita akong nakasilip sa kanila. Maya-maya pa sumunod na ang tingin ni Hunter ng napansing may tinitingnan ang kaniyang kausap. At nagtagpo ang aming matang dalawa, nakita ko kung paano nito suyurin ng tingin ang aking suot na agad ikinatiim bagang nito. Narinig kong nagpaalam na ito sa kausap habang may mabibigat na paghakbang na lumapit sa aking kinaroroonan.   Tila iritado ang kaniyang itsura pagkalapit sa akin na siyang ipinagtaka ko. “What?” saad ko. “Bakit ka lumabas na ganiyan ang itsura mo!?” serysong anya nito habang nakatiim ang kaniyang bagang. Base sa itsura niya, alam ko na hindi siya nasiyahan sa aking ginawa. Binigyan ko lamang siya ng hilaw na ngiti na lalong ikinasama ng kaniyang itsura. “We will leave, wear your clothes.” Anya nito at nilagpasan lamang ako at pumasok na sa loob. Hindi ko naman maiwasang irapan siya sa kasungitan niya at pagka-bipolar. May payakap-yakap pa kagabi, sungit naman ngayon. Ano iyon may expiration date? “Cassandra!” pagtawag nito mula sa loob.   Napag-alaman ko sa kaniya na yung kausap pala niyang matanda ang may-ari ng kubong aming tinuluyan. At nagpatawag siya ng sasakyan dito, para ihatid kami sa beach house nila Cole. Tiyak kong nag-aalala na sila sa amin. Pagkababang-pagkababa ko sa sasakyan, nagulat na lamang ako ng may dumamba sa akin. “Beshy! Nagalala ako sayo ng slight!.” Pag-iyak nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko naman mapigilang mapairap sa kaniyang sinabi. “Liar! Alam mo ba Betty magpapatawag na sana iyan ng NBI para hanapin kayo, kung hindi ko lang napigilan. At isang balde na ang nailuha niyan simula pa kagabi.” Natatawang anya naman ni Cole at hinila ang kaniyang girlfriend mula sa pagkakayakap sa akin. Nakita ko namang sinamaan ito ng tingin ni Jinie at kinurot sa tagiliran na ikinasimangot ng itsura ni Cole. Natatawang tinitingnan ko ang pag-aasaran ng magjowa ng makita ko si Camille sa pintuan na tila ba may hinihintay. Naramdaman ko naman agad ang presensiya ni Hunter mula sa aking likuran. “Babe!” sabik na pagtawag ni Camille at niyakap ang huli. Hindi ko na napansin ang paglapit ni Camille dahil sa maiinit na titig na aking nararamdaman mula sa likuran, kung saan naroon si Hunter. Hindi ko naman napigilang sulyapan ng tingin si Camille at Hunter na agad ko ding pinagsisihan ng makita ang pagyakap na ginawa ni Camille.   “Game over na ulit Betty. Andiyan na ang tunay na may karapatan.” Mahinang anya ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD