Betty
Kalahating minuto na kaming naglalakad ni Hunter ngunit hindi pa rin namin makita ang sinasabi ni Jinie. Kanina pa din sumasakit ang aking paa dahil sa paglalakad.
“Are you okay?” nagaalalang tanong nito mula sa aking likuran.
Tiningnan ko naman siya at nginitian bilang sagot na okay lang ako, kahit sa loob-loob ko namamaltos na ang aking paa sa paglalakad.
Umigting naman ang panga nito na tila ba hindi sang-ayon sa naging sagot ko. Hindi ko makayanan ang titig nito kaya naisipan ko na lamang magpatuloy sa paglakad kahit na ang hapdi na ng aking paa.
Ramdam ko pa rin ang mainit na pagtitig ni Hunter sa aking likod na naghahatid ng ibang pakiramdam sa akin. Alam ko na napansin niya na nagsisinungaling ako base sa ekspresyon ng aking mukha ngunit mas pinili na lamang niyang hindi magsalita.
Patuloy lamang kami sa paglalakad ng may mapansin akong kakaiba.
“Hunter, hindi ba dumaan na tayo dito kanina?” saad ko sa kanya habang nakatingin sa puno ng mangga na kanina lang ay nadaanan na namin.
Nagunot naman ang noo nito sa kaniyang narinig at ginala ang paningin.
“Your right.” Seryosong anya nito.
“Maybe we should head back t--.”
Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng bigla na lang kumulog ng malakas.
Hindi ko naman napigilang mapaupo habang takip-takip ang tenga sa sobrang gulat at takot.
Maya-maya pa may kasunod na itong kidlat na nagpasigaw sa akin.
Agad naman akong nilapitan ni Hunter. “Hey baby what’s wrong?” may pag-aalalang wika nito pagkatapos lumuhod at yakapin ako.
Hindi ko naman mapigilang mapakapit sa kaniya sa sobrang takot na aking nararamdaman.
“Your trembling, hush I’m here.” Tila hinehele ako ng malamyos na boses ni Hunter.
Dahil sa kaniyang sinabi tila gumaan ang aking pakiramdam dahil alam ko na hindi niya ako pababayaan. I feel protected and loved just by his embrace and words.
Nawala na ang panginginig na aking nararamdaman dahil sa presensiya ni Hunter ng biglang...
(roaring sound of thunder...)
“Baby? Cassy? Cassandra?” may pag-aalalang tinig ng isang lalaki.
Gusto ko mang idilat ang aking mga mata dahil ramdam ko sa tinig niya ang matinding pag-aalala ngunit tila hinihila ako ng antok sa hindi ko malamang dahilan.
“Hunter.” Mahinang bigkas ko pagkakita sa mukha nito at unti-unti ng pumikit ang aking mga mata.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata nito habang patuloy sa pagbuka ang labi na tila tinatawag ako.
Flasback...
Third person
“Ma! Huwag po! Maawa po kayo sa akin.” Humahagulgol na anya ng isang sampung taong gulang na batang babae habang patuloy ito sa pagkatok sa pintuan ng kanilang bahay.
“Hangga’t wala kang kinikita sa pagtitinda mo ng sampaguita, hindi ka maaaring umuwi dito! Layas!” Bulyaw ng nanay nito mula sa loob ng bahay.
“Ma! Maawa na po kayo!” patuloy pa rin sa pagkatok ang bata at hilam na hilam na sa luha ang mukha nito na hindi nito ininda.
Kanina pa kumakalam ang kaniyang sikmura dahil sa gutom na kaniyang nararamdaman. Hindi siya nakakain ng umagahan maging tanghalian dahil sa kaniyang pagtitinda ng sampaguita.
Alas-otso na ng gabi ng maisipan niya ng umuwi kahit wala pa ni isang bawas ng kaniyang tinitinda. Pagkalam ng sikmura at paltos sa mga paa ang siyang iniinda nito. Hindi nakatulong ang suot nitong tsinelas sa paa dahil na rin sa sobrang luma nito, may butas na sa talampakan at tanging alambre pa ang nagsisilbing dahon nito.
Pagod na pagod sa maghapon siyang umuwi sa kanilang tahanan, ngunit ng malaman ng Ina nito na wala siyang naibenta kahit isa, siya ay marahas na pinalayas nito.
Isang oras na siyang naghihintay sa labas ng kanilang bahay, nagbabakasali na pagbubuksan siya ng Ina ngunit hindi man lamang ito lumabas.
Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa mga mata nito habang nakatanaw sa mga bituin.
Maya-maya pa bigla na lamang kumulog at kasunod nito ay pagkidlat.
Natakot naman ang bata dahil sa narinig, at maya-maya pa nga unti-unti ng pumapatak ang ulan hanggang sa bumuhos na ito.
Hindi nakatulong ang maliit na bubong ng kanilang bahay para hindi siya mabasa ng ulan. Tumayo ang bata mula sa pagkakasalampak sa putikan at muli siyang kumatok sa kanilang tahanan habang nanginginig ang mga labi dahil sa pagkabasa sa ulan.
Humalo na sa tubig ulan ang luhang kanina pa umaagos mula sa batang nagbabakasakaling maririnig siya ng kaniyang Ina.
Ngunit ni anino nito o boses ay hindi niya narinig.
Napapagod na ibinaba nito ang mga kamay sa kaniyang gilid dahil sa p*******t nito mula sa pagkatok. At dahan-dahang tumalikod ang bata mula sa kanilang tahanan at nagsimulang maglakad sa gitna ng ulan. Mababagal na hakbang na tila ba hinihintay na lumabas ang kaniyang Ina at tawagin siya... ngunit hindi nangyari.
Maya-maya pa tumatakbo na ito palayo sa kanilang tahanan habang hindi alam kung saan pupunta sa gitna ng pag-ulan.
Wala ng katao-tao sa labas, maging mga sasakyan ay wala na ring nagdadaan. Ngunit patuloy lamang ang pagtakbo ng batang babae at hindi iniinda ang malalaking patak ng ulan na sa kaniyang mukha ay tumatama.
Maya-maya pa tumigil ito sa pagtakbo ng makakita ng silong sa isang parke. Mabagal na lumapit ito doon habang nanginginig ang katawan dahil sa lamig.
Tahimik itong sumilong sa ilalim ng isang slide at nahiga dahil sa panlalamig nitong nararamdaman.
Hindi niya ininda ang putik na bumalot sa kaniyang damit at balat.
Hindi siya nagreklamo sa tigas ng kaniyang hinihigaan.
Hindi niya ininda ang kalam ng sikmura.
At hindi rin niya ininda ang panlalamig ng katawan at panginginig ng labi. Dahil...
Kumakalam na sikmura, sumasakit na paa at panlalamig ng katawan...
Wala ang mga ito kumpara sa sakit na nararamdaman ng isang musmos na bata na pinalayas ng sarili niyang Ina.
Tila naiintindihan ng langit ang kaniyang nararamdaman dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Walang patid ang pagpatak nito kagaya ng patuloy na pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata.
At sa katahimikan ng gabi, habang maraming pamilya na ang natutulog sa kanilang mga sariling tahanan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay...
May isang bata na tahimik na lumuluhang mag-isa.