Chapter 51

1205 Words
Betty   Ang totoo niyan takot akong sumugal ulit dahil hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ulit ni Hunter about sa aming relasyon at iyon ang ikinakatakot ko. Na baka kung ano ang mayron kami dito, ay ilusyon ko lamang kapag nakabalik na kami.   Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na mahal ka rin ng mahal mo pero masakit sa part na sikreto kayo dahil naka-commit pa siya sa iba. Ang sakit dahil wala kang karapatan na sabihin sa iba na pagmamay-ari mo siya hangga’t pagmamay-ari siya ng iba.   Pasimple kong sinusulyapan si Hunter habang tahimik kaming kumakain sa isang karinderya malapit sa beach house nila Cole. Kanina ko pa napapansin ang sadyang pagdikit-dikit dito ni Camille habang pilit itong sinusubuan. At hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtingin nito sa akin sa tuwing ginagawa niya yun. Tulad na lang ngayon.   “Babe, pwede mo ba akong samahan sa banyo?” mahinhing saad nito kay Hunter habang nakalingkis sa braso ng huli ang kaniyang mga kamay. Nakita ko naman ang pasimpleng pagtanggal ni Hunter sa mga kamay nito. “You can go by yourself and I’m not yet done eating.” He coldly said to her. “But..” magdadahilan pa sana ito, ngunit ng makita ang kaseryosohan sa mukha ni Hunter ay hindi na lamang nito itinuloy ang sasabihin. “Fine.” Nagdadabog na tumayo ito sa kaniyang upuan. Tila napansin naman nito na kanina ko pa sila pinagmamasdan ngunit hindi na lamang nagsalita at inirapan ako bago umalis.   “Tingnan mo ang lukaret nag-iinarte pa eh diyan lang naman siya pupunta, bakit kailangan pa ng kasama.” Bulong ni Jinie sa akin. Hindi lang pala ako ang kanina pa sila pinagmamasdan. “Ikaw talaga.” Naiiling na turan ko na lamang sa kaniya. Masakit syempre para sa akin na may karapatan si Camille na maging sweet sa kaniya, samantalang ako, hanggang tanaw na nga lang, nasasaktan pa. Nahinto lamang ang aming pagbubulungang dalawa ng magsalita si Cole.   “Ano ng plano guys, last day na natin ngayon.” Saad nito. Wala naman ni isa sa amin ang nagsalita. Maya-maya pa dumarating na si Camille at tahimik na ulit itong umupo sa tabi ni Hunter. Tinawag naman agad siya ni Cole at tinanong ngunit tila wala itong pakielam sa nangyayari. “Alam ko na!” biglang sigaw ni Jinie kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Nagtataka ko naman siyang tiningnan, ngunit kinindatan lamang ako nito at binigyan ng malisyosong ngiti. Mukhang may hindi magandang mangyayari base sa ngiti niyang iyon.   At tama nga ang aking hinala base sa nangyayari. “So gaya ng sabi ko, by partner ang game natin. Paunahan lang na makabalik agad dito pagkaikot sa mga nilagyan kong flag bilang palatandaan. At tungkol naman sa partner niyo, siyempre magkakaroon tayo ng bunutan para fair.” Saad ni Jinie. “What? I want Hunter to be my partner.” Pagprotesta ni Camille dahil sa narinig. Nakita ko namang inirapan ito ni Jinie dahil sa pagprotesta. “I’m sorry but it is fair enough to everyone.” She said with finality while raising her left eyebrow at Camille. “May tutol ba sa draw lots ng partner?” seryosong anya nito. Iginala ko naman ang tingin sa mga kasama ngunit parang wala silang pakielam at tanging si Camille lamang ang nakabusangot na nakatingin kay Jinie. “Wala naman palang tutol, so okay na Camille?” sarkastiko nitong anya habang kay Camille lamang nakatutok ang kaniyang tingin. “Whatever.”   Natapos na ang bunutan at hindi na ako nagtaka sa mga magkakapartner. Ang kapartner ni Jinie ay si Cole, si Collin at Camille, Elliot at Caden at Ako at si Hunter. Yung ngiti palang ni Jinie alam ko na may binabalak na siya kaya hindi na nakapagtataka na kapartner ko si Hunter. Bago pa kasi magsimula ang bunutan, sinabi niya sa akin na may palatandaan na ink na blank ang pangalan ni Hunter kaya iyon dapat ang kunin ko. Napailing na lang ako sa kaniyang ginawa. At ng tingnan ko ang itsura ni Camille tila ito pinagsakluban ng langit at lupa habang masama ang tingin sa akin. “Start na tayo, dapat bago magdilim andito na.” Saad nito. “Ang boring naman bakit si Caden ang kapartner ko?” pagrereklamo ni Elliot. “Fair ang ginawa ko, kaya walang sisihan.” Saad naman ni Jinie. Hindi ko namang maiwasang titigan si Jinie dahil alam ko talaga kung ano ang ginawa niya. Tila naramdaman ata nito na may nakatingin sa kaniya kung kaya iginala nito ang paningin hanggang sa magtagpo ang tingin naming dalawa. Kinindatan lamang ako nito at habang hindi nakatingin ang iba, gumawa ito ng heart shape sa kamay habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Hunter. Natatawang naiiling naman ako sa kaniyang inakto. “Why are you laughing, hmm?” malambing na saad ng taong nasa aking likuran. Hindi ko na kailangan lumingon dahil amoy pa lang niya kilalang-kilala ko na. Hinawakan naman nito ang kanang kamay ko at iniharap ako sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa paligid dahil sa kaniyang inakto at baka may nakakita sa kaniyang ginawa. “Don’t worry, they already left. So why are you laughing?” he asked. Hindi ko naman maiwasang pamulahan ng pisngi dahil sa lapit ng mukha nito sa akin. At dahil sa lapit nito amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. “Wala.” Sagot ko habang hindi makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa pagkailang sa lapit naming dalawa na konti na lang ay mag-aabot na ang aming mga ilong. Hinawakan naman nito ang aking baba para kunin ang aking atenisyon ng mapansin nitong hindi ako sa kaniya nakatingin. “Really.?” May malamyos na boses na saad nito habang mapupungay ang mga mata na nakatingin sa aking labi. Tila nahihipnotismo ako sa mga tinging kaniyang ibinibigay na hindi ko na namalayan ang unti-unting paglapit ng mukha nito.. Nang biglang may madaanan ang aking paningin na  silhoutte ng isang lalaki. “Andiyan pa pala kayo?” saad ni Elliot ng bigla na lang itong sumulpot sa kung saan. Mabuti na lamang bago pa kami nito mapansin ay una ko na siyang nakita kaya agad akong nakalayo kay Hunter. “May problema ba? At namumula kayong dalawa.” tila nagtatakang anya naman nito ng mapansing tahimik kaming dalawa ni Hunter habang hindi makatingin sa isa’t isa.   Mabuti na lamang at dumating si Elliot dahil pakiramdam ko kanina, may balak si Hunter na ituloy na halikan ako. Hindi ko naman maiwasang mapahawak sa aking labi. Alam ko sa sarili ko na kung itutuloy man niya iyon ay hindi ako iiwas o magagalit sa kaniya dahil iyon ang sabi ng makulit kong puso. Hindi naman sumagot si Hunter sa tanong ni Elliot kaya naisipan ko ng magsalita dahil baka kung ano pa ang kaniyang isipin. “Hehehe, wala naman. Sige mauna na kami.” Ackward kong sagot sa kanya at hindi na siya hinintay na sumagot. Hawak-hawak ang kanang kamay ni Hunter habang hila-hila siya ng umalis kami. Pagkalayong-pagkalayo namin kay Elliot saka ko lamang pinakawalan ang kanina ko pa palang pinipigil na paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD