Chapter 50

1193 Words
Hunter   Nagbago lamang ang lahat ng malaman niya ang katotohanan.   “Totoo ba na kapatid kita!?” galit na anya nito. “Sumagot ka!” Hindi ko siya sinagot at piniling iiwas ang tingin sa kaniya. Tila binase naman niya ito bilang pagsang-ayon ko sa kaniyang tinuran. “Kaya pala ang bait mo sa amin, sa akin.” Naiiling na saad nito habang nasa akin ang maiinit nitong tingin. “Ano maghihiganti ka kaya ka nakipaglapit, tama ba!? “Puwes itong tatandaan mo, kukunin ko kung ano ang mahalaga sayo!” banta nito. “Mark my words...Kuya.” patuyang wika nito at saka umalis ng walang lingon-likod.   Hindi totoong dahil kay Camille kaya kami nagkasirang dalawa, dahil ang totoo niyan nalaman niya ang totoo na magkapatid kami sa Ama kaya siya nagalit sa akin. Inisip niya na lahat ng ginawa kong pagtulong sa kanila ay may masamang motibo pero doon siya nagkakamali. Ang pagtulong ko ay bukal sa aking kalooban dahil kahit papaano itinuring ko na siya bilang kapatid ko.   Present   Betty   “That’s why I want you to avoid Collin if possible.” Hunter said after telling me the whole story. Tila lahat ng nalaman ko mula sa kaniya ay hirap pang iabsorb ng utak ko. Ang hirap paniwalaan na kaya iyong gawin ni Collin dahil sa ipinapakita niyang kabaitan sa akin. Close din sila ni Lolo at Papa kung kaya ang hirap para sa akin ang magdesisyon. I just nodded at him as an answer. Kahit sa isip ko hindi rin ako sure kung ano ang dapat gawin.   Napagdesisyonan na naming pumasok sa loob dahil medyo lumalamig na dahil sa ihip ng hangin na nanggagaling sa dagat. Magkahawak kamay kaming naglalakad at ng madaanan ang pinagkainan kanina, wala ng naroroon tanging mga pinagkainan na lamang at mga bote ng alak. Siguro umakyat na din sila upang magpahinga. Pagkatapat sa aming kuwarto, nagpaalam na ako kay Hunter at pumasok na sa loob. Madilim na sa loob pero aninag ko pa rin sina Jinie at Camille na nagpapahinga na kaya tahimik akong pumunta sa higaan ko para magpahinga na rin. Hindi ko na nakita ang mga matang puno ng galit na kanina pa pala nakamasid sa akin.   Kinabukasan... Napagdesisyonan naming lahat na pumunta ng bayan para mamili ng souvenir dahil last day na namin. Napagpasyahang maghiwa-hiwalay at bago mag tanghalian dapat nakarating na sa pinag-usapan naming lugar. Ang kasama ko sa pamamasyal ay sina Jinie at Camille. Kanina ko pa din napapansin ang papanahimik ni Camille habang nagiikot kami at nagtitingin-tingin. Tinatanong ko naman siya kapag nakita ko siyang may tinitingnan kung gusto niya yun, ngunit hindi niya ako kinakausap at iniirapan lang at saka ako nito iiwasan. Tila napansin iyon ni Jinie ng hinila niya ako. “Pabayaan mo nga ang bruhilda na iyan.” Pabulong na anya nito habang nakatingin kaming dalawa kay Camille. Kinurot ko naman siya sa kaniyang sinabi. Napa-aray naman ito at binigyan ako ng masamang tingin, pinandilatan ko naman siya ng mata. Ito talaga kahit kailan, kung anu-anong bansag na ang ibinigay kay Camille. Nagiikot-ikot kami ng mapadaan kami sa isang Ale na nagtitinda ng charm bracelet. “Mga dalaga, bili na kayo.” Anya nito ng mapansing nakatingin ako sa kaniyang binebenta. Hinila ko naman agad si Jinie palapit doon dahil may nakapukaw ng atensiyon ko na bracelet. Pagkalapit kinuha ko agad ang isang bracelet na nakita ko dahil sa kakaibang disenyo nito. Isa siyang padluck bracelet ngunit wala siyang susi na nakalagay. “Magkano po ito?” magalang na saad ko sa Ale habang ipinapakita ang napili ko. “Uy, ano iyan?” pang-uusisa ni Jinie. Nag-iba naman ang reaksiyon ng Ale pagkakita sa hawak ko. Ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napalitan ng kaseryosohan. “Sigurado ka ba hija na bibilin mo iyan?” anya nito. Nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi, maging si Jinie din ay ganoon ang reaksiyon sa akin dahil sa narinig. “Bakit po, may problema po ba?” nagtatakang tanong ni Jinie. “Patingin ako ng bracelet.” Sabi ng matanda. Ibinigay ko naman sa kaniya ang bracelet habang naghihintay sa kaniyang sasabihin. “May dahilan kung bakit padluck lamang ang disenyo nito. Ilang beses na itong binili sa akin, ngunit palagi siyang sinasaoli ng mga nakabili dahil may sumpa daw itong dala ayon sa kanila.” Mahabang litanya nito habang nakatingin sa bracelet na nasa kaniyang kamay. Kinilabutan naman ako sa narinig. “Lola, huwag naman po kayo manakot ng ganyan.”takot na anya ni Jinie. Tiningnan lamang ito ng matanda at nagpatuloy sa kaniyang pagkukwento. “Iisa lamang ang parati nilang sinasabi sa akin, naghihiwalay daw sila ng kanilang mga kasintahan o may nangyayaring masama sa isa sa kanila sa tuwing nasisira ang padluck na ito.” Nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi dahil wala namang kasamang susi ang bracelet kaya paanong magbubukas ito kaya isinantinig ko sa matanda ang aking tanong. “Paano po yun nangyayari?” Sumagot naman ito agad. “Ayon sa kuwento ng gumawa nito, ang susi ng padluck na ito ay nasa kamay mismo ng makakatuluyan mo. Kapag ito ay nagbukas na lang kusa ibig sabihin nahanap mo na ang siyang tunay mong iniibig.” “Ngunit...” pahabol nito. “Iwasang masira ang padluck dahil kapag ito ay nasira, ang relasyong sinimulan ay hindi na maibabalik kailanman.”   Pabalik na kami sa lugar na pinag-usapan dahil magtatanghalian na ng basagin ni Jinie ang katahimikan. “Sigurado ka ba sa pagbili mo na iyan?” Makikitaan ng pangamba ang mukha nito habang nakatingin sa suot-suot kong bracelet. Hindi ko naman maiwasang hawakan ang bracelet na isinuot ko sa aking kanang kamay. “Hindi ko alam sarili ko dahil kahit na narinig ko yung kuwento ng matanda, hindi nabago ang isip ko na bilhin ito.” Puno ng kaseryosohang sagot ko sa kaniya. Kita ko namang napailing ito dahil sa narinig.   Pagkarating sa kainan, andun na sila maging si Camille. Bigla na lamang kasi nawala ang huli habang naglilibot-libot kami ni Jinie, buti na lamang tinawagan ni Cole si Jinie para sabihing andun na si Camille kaya hindi na kami nag-alala pa. Ako lang pala dahil masaya pa si Jinie ng mawala si Camille. Papasok na kami sa loob para kumain ng tanghalian ng makita kong nakatingin sa akin si Hunter. Pinauna ko muna silang pumasok at naisipang magpahuli ng hindi pa rin pumapasok si Hunter. Nang magkatabi na kaming dalawa para sabay na pumasok, pasimple nitong hinawakan ang kamay ko na agad ikinatingin ko sa kaniya, ngunit sa harap lamang nakatuon ang tingin nito. “I miss you!” paos na bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Kaya pagkaupong-pagkaupo naming dalawa agad akong pinansin ni Jinie at hinila. “Ba’t namumula ka?” nagtatakang bulong nito habang nakatingin sa aking mukha. Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya at itinuon ito sa aking harap. Saktong nasa harap ko si Hunter kaya nagtagpo ang paningin naming dalawa at nakita ko ang maiinit na tinging ipinupukol nito sa akin na lalong nagpapula ng aking mukha. “Sisihin mo ang kapatid mo.” Piping bulong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD