Chapter 49

1283 Words
Hunter   Inignora ko na lamang ang kaniyang sinabi. “Kamusta si Tita?” pagbasag ko sa katahimikan. Tiningnan lamang ako nito at hindi nakaligtas sa paningin ko ang dumaang lungkot sa kaniyang mga mata. “She’s doing great!” she said while half smiling. I know that smile, may itinatago sa akin si Jinie. “May problema ba?” seryosong turan ko sa kaniya. Tiningnan niya ako sa mata at ng malaman niya na seryoso ako dahil sa pag-igting ng aking panga napilitan siyang magsalita. “Si papa kasi, na---.” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ng dumating ang waiter dala-dala ang order naming dalawa. “Here’s your order maam and sir.” Turan nito. Tinanguan ko lamang ito, pagkaalis na pagkaalis nito mariin kong tinitigan si Jinie. “Let’s eat first, I will talk to you later.” I said then start eating. She is also start eating after hearing what I said. Napansin ko ang maliit niyang pagsubo na tila ba wala itong gana sa pagkain. I ask her if she didn’t like the food but she just said tha she didn’t have an appetite. Upon hearing what she said, I drop the utensils. Napahinto din ito sa pagkain. There is really a problem and I know that it is about our Father. “What is really the matter?” I said while eyeing her intently. She sighed. “Dad change...” panimula nito. “At first akala ko magbabago na siya dahil sa nangyari kay Mama, pero mas lumala pa siya.” She said in gritted teeth. Dad didn’t change at all hah. He fool me once and once is enough.   Pagkayari ng pag-uusap naming dalawa ni Jinie, pinili ko ng ihatid siya para makapagpahinga. Pagkauwi sa condo agad kong tinawagan si Cole. “I want your help.” Seryosong anya ko sa kabilang linya. “Count me in.” He said.   Simula noon palagi na kaming nakaantabay sa harap ng mansiyon upang manmanan si Papa. Sa tuwing umaalis ito, palagi kaming nakasunod na dalawa ni Cole. Ilang araw na ngunit wala pa rin kaming napapala. Palagi lamang itong pumupunta sa trabaho at diretso uwi na pagkatapos. “Inaantok na ako.” Wika ni Cole ng inabot na kami ng alas-dose sa pagbabantay. Iba ang kutob ko ngayon. Kahit pa nasa mansiyon na si Papa, I sense that something will happen. Maya-maya pa nga may lumabas na kotse sa mansiyon. Agad kong sinenyasan si Cole na yumuko at nakuha naman niya agad. Sinilip ko ang gate at nakita kong si Papa mismo ang nagdadrive ng sasakyan na madalang niyang gawin. Pagkaalis nito agad naming sinundan iyon ni Cole. Ilang minuto na kaming nakasunod pero patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Nang biglang pumasok ito sa isang eskinita, ang mga kabahayan dito ay gawa lamang sa mga kahoy at dikit-dikit. Nawala lamang ang aking atensiyon sa paligid ng magsalita si Cole. “Huminto na yung Papa mo.” He said. Nakita ko ang pagbaba ni Papa sa sasakyan habang nakatingin sa pintuan ng isang bahay. Maya-maya pa may lumabas doon na isang ginang na hindi nalalayo sa edad ni Tita. Nakita ko kung paano lumapit si Papa at niyakap ang huli, maya-maya pa may lumabas na binatilyo mula sa bahay. Nang tingnan ko ang mukha ng lalaki, nangunot ang aking noo dahil parang nakita ko na ito. Nang bigla kong maalala ang waiter kanina sa kinainan namin ni Jinie. Tingnan mo nga naman, tadhana na talaga ang nagdala sa akin sa bastardo mo, Papa. Mahinang anya ko sa sarili. “What a nice family.” I sarcastically said while eyeing them. Hindi ko naman mapigilan ang mapakuyom ang kamay dahil sa nasaksihan.   Inaya ko na si Cole para umalis at ramdam ko ang maya-maya niyang pagsulyap sa akin. Upon remembering the smile on their faces, hindi ko mapigilan lalo pang mamuhi sa huli. Paano niya nagagawang ngumiti sa kaniyang ginagawang kasalanan? Matatanggap ko pa na hindi siya nagpakaama sa akin ngunit ang lokohin ang pamilyang tinuring akong kabilang sa kanila kahit pa hindi ako anak ni Tita ang siyang hindi ko matatanggap. “Ano ng plano mo?” Cole said. Hindi ko siya sinagot at mas piniling manahimik. Sa totoo lang wala akong plano, magpakasaya siya hangga’t gusto niya. Pero sa oras na may mangyaring masama kina Jinie at Tita, kakalimutan kong Ama ko siya.   Dalawang araw na ang lumipas ng makilala ko ang bastardo ni Papa at palagi ko na siyang minamanmanan sa restaurant na kaniyang pinagtatrabahuhan. Base sa nakalap na impormasyon ni Cole, ang pangalan ng binatilyo ay Collin. Dalawang taon ang tanda ko sa kaniya at isang taon ang tanda niya kay Jinie. Huminto ito sa pag-aaral at mas piniling magtrabaho dahil may sakit ang Ina nito. Hindi lingid sa akin na sa tuwing pupuntahan ko siya sa kainan ay palagi ako nitong sinusundan ng tingin. Siya rin ang madalas na kumukuha ng order ko, kagaya na lang ngayon. “Dati po ba sir.” Nakangiting anya nito. Tinanguan ko lamang siya habang ginagala ang tingin sa kaniyang kasuotan. Hindi ko mapigilang mapailing sa suot niyang kupas na maong, white shirt at lumang sapatos. Mukhang hindi sila sinusustentuhan ng magaling kong Ama. “May problema po ba?” anya nito ng mapansin ang ginawa kong pagsuri sa kaniya. Inilingan ko lamang siya. Tila nagtaka naman ito sa aking inasal ngunit hindi na lamang niya pinansin at umalis na. Nakasunod pa rin ang aking tingin sa kaniya kahit ng makaalis na ito. Ayon din kay Cole, 5 ng hapon ang tapos ng shift nito kaya naisipan ko itong hintayin upang kausapin. Maya-maya pa nakita ko na itong palabas ng kainan habang may kausap na lalaki. Narinig ko pa ang ginawang pagpapaalam nito sa katrabaho. Papasakay na ito sa kaniyang bisikleta ng lapitan ko siya. Napansin naman ako nito agad. “Pwede ba kitang maka-usap?” I said while looking at him intently. May pagtataka sa mukhang sumang-ayon ito pagkatapos bumaba sa kaniyang bisikleta. “Your looking for a scholarship?” I said. Wala sa sariling tumango naman ito bilang pagsang-ayon, maya-maya pa tila pumasok na sa isipan nito ang tinanong ko dahil sa kaniyang tinuran. “Teka,teka paano mo nalaman?” “I just suddenly heard you talking about it to your co-workers.” May sasabihin pa sana ito ng putulin ko iyon. “I’m not eavesdropping, it’s your fault that your voice is very loud.” Tila nahiya naman ito dahil inunahan ko na siya sa kaniyang pagtatanong. “I saw how hard working you are and my friend’s father is looking for a student to give scholarship.” “But it’s up to you if you will belive me or not.” I added. Nakita ko kung paano sumaya ang mukha nito sa narinig ngunit andun pa rin ang pag-aalinlangan sa kaniya. Hindi ko siya masisisi dahil hindi pa kami gaanong magkakilala. Ngunit dahil sa nalaman na hindi man lang sila sinusuportahan ng aking Ama, mas pinili ko silang tulungan kaysa paghigantihan dahil wala naman silang kasalanan to begin with. Lahat ng ito ay nangyari dahil sa kawalang kuwenta ng aming Ama.   “I mean no harm, I just want to help.” Sinserong saad ko sa kaniya. “Sige, tinatanggap ko dahil malaking tulong din ito sa amin ni Inay.” Pagsang-ayon nito. Makikita sa kaniyang mukha ang kasiyahan dahil sa nalaman. Hindi niya kasalanan ang kung ano mang ginawa ng aming Ama kaya walang rason para gawan ko siya ng masama.     At doon nagsimula ang pagiging close naming dalawa ni Collin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD