Rigor Mabilis na lumipas ang araw at kahapon lamang ay galing ako sa Cebu kung nasaan si Mr. Reyes. Napagusapan namin ang tungkol sa partnership sa bagong building na itatayo. Mahabang usapan ang nangyari dahil napagusapan din namin na matalik na kaibigan pala ito ng aking ama. Dati daw itong naninirahan sa Amerika, nalipat lamang ng makapangasawa ng Pilipina. Pumayag agad ito sa inaalok ko, dahil dati pa naman daw itong inaalok ng aking ama na makipagsosyo sa negosyo, naudlot lamang daw ng mabuntis ang kaniyang asawa kaya iyon ang kaniyang natutukan. Bandang hapon ng bumiyahe ako pauwi kasama si Manong, dalawang oras din ang naging biyahe. Pagkawuing-pagkauwi sa mansiyon dumiretso na ako sa kuwarto at naligo, pagkayari ay dumiretso na din ako sa higaan ng makaramdam ng pamimigat ng

