Rigor “May ipapagawa ako sayo! Magbabayad ako ng malaki kahit magkano, magawa mo lang ang isang to.”saad ko. Sandali itong tumahimik sa kabilang linya. “At huwag kang magalala kung sakali na sumabit ka, ako ang bahala sayo pag nagkataon.”dagdag ko. Tumikhim ito. “Ano po ba ang ipapagawa niyo?”tanong nito. Umayos ako ng upo at seryosong nagsalita. “Gusto kong dakpin niyo si Manuel Choi at dalhin sa akin”mapanganib kong anya. Nagngalit ang aking mga ngipin. Hindi na ako makapaghintay na makita kung paano ko papahirapan ang matanda para maranasan niya ang naranasan ko. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napaghihiganti ang aking mag-ina. “Kailan Mr. Smith?”tanong nito. “Sa lalong madaling panahon.”mariing anya ko at ibinaba na ang tawag. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone sa

