Rigor "Uy Rigor!"gulat na anya nito. Binigyan ko siya ng ngiti. "Kamusta na?"pagbati ko dito. Binukas nito ang gate. "Napadalaw ka? Halika tuloy ka!" Naglakad na ako papasok habang nakasunod dito. "Tagal mo ng hindi nadadalaw, ngayon na lang ulit hano?"mahabang litanya nito. Ginala ko ang tingin sa kaniyang bahay. Huminto ito at humarap sa akin. "Ano nga pala ang sadya mo at napadalaw ka?" Tinitigan ko ito mula sa paggala ng mga mata. "Nangangamusta lang Pre! At dinalaw ko na din ang asawa at anak ko."saad ko. Tumango ito at humarap na sa pintuan at binuksan ito. Pagkapasok sa loob, inaya ako nitong umupo sa kanilang sala. "Kamusta na nga pala ang buhay mo ngayon?"tanong nito. Napalingon ako sa aking likuran ng makarinig ng kaluskos. At mula sa pintuan papasok sa kusina ata

