Rigor Pagkayaring kumain, naglakad na ako papunta sa sasakyan dala ang aking attache case. Pinaandar ko na ang sasakyan at tumulak na ako papunta sa aking destinasyon. Muli ay nagmessage ako kay Lim na kung magkaroon ng problema sa kompanya ay tumawag kaagad. Pagkarating sa kompanya ni Mr. Reyes, sekretarya nito ang bumungad sa akin. Pinasunod nito ako sa kaniya dahil ngayon ang usapan ulit namin na magkita upang pirmahan ang kontrata. Sumakay kami ng elevator at napansin ko ang pagpindot nito ng 12th floor. Pagkatunog ng elevator hudyat na nakarating na kami sa palapag naglakad kami sa tahimik na hallway. Tanging mga tunog lamang ng aming sapatos ang maririnig. Huminto kami sa tapat ng isang pintuan na tiyak kong opisina nito dahil ito lamang ang kuwarto sa palapag na ito. Humarap s

