"Oy Aldwin. Seryoso ka ba? Mag-aaway na tayo dahil dito?" He did not look back at me. Alam kong naririnig nya ang sinasabi ko pero nagdere-deretso lang sya ng lakad. Hindi ko alam kung saan sya pupunta. Wala na rin akong pakialam kung saan sya pupunta ngayong dis-oras ng gabi. Kinabukasan, nagising akong hindi sya katabi sa kama. Napapabuntong hininga na lang akong nag-ayos ng sarili ko para sa pagpasok sa school. Gaya ng dati, hindi nya ako pinagluto ng breakfast. Inagahan ko na lang ang pasok dahil kakain pa ako sa cafeteria. Lumipas ang araw na ito nang hindi kami nagkakaayos ni Aldwin. Hindi ko alam kung paano nya ako natitiis. Hindi ko rin alam kung bakit late na sya umuwi tuwing gabi. Ni hindi nga ako sigurado kung umuuwi pa sya. "Angel, nag-away kami ni Aldwin." isang araw ay

