"May dala akong mga alak." Napatingin ako sa nagsalita. Iniluwa ng pinto si Joyce Ann na may bitbit na alak. Pagkatapos nyang kumain ay lumabas sya. Ito pala ang dahilan. Bibili pala sya ng alak. Ngayon ko lang din nalaman na umiinom na sya. Ako ay hindi pa natututong uminom kaya tinanggihan ko ang alok nya. "Come on birthday girl. Nasa legal age ka na. Inom tayo." pinilit ako ni Joyce Ann. Bad influence talaga sya kahit kailan. Ayoko namang magpaka-kj kaya pumayag na ako. "Sige na nga. Kaunti lang ang iinumin ko. Hindi ako magpapakalasing." I swear to them and to myself. Umupo kaming lahat sa sahig. Ang lahat ay parang game na game na uminom. Kahit si Aldwin ay hindi tumanggi. Para bang hindi ito ang unang beses nya na uminom ng alak. Siguro, noon pa man ay tumitikim na sya nito.

