Love Quarrel

4699 Words
"Good morning!!!" Napangiti ako nang mamataan si Aldwin na nakapamulsa habang kalmadong naghihintay sa'kin. Inalis nya ang tingin sa relo upang batiin ako. "Good morning din." naiilang na bati ko. Mas lalo pa akong nailang nang kuhanin nya ang bagpack ko at ilang mga libro. Hindi ko sya hinayaan na magbitbit ng raketa ko. Magaan naman ito kaya kaya ko ng dalhin. "Ah, mabigat 'yan. Ako na." inagaw ko ang aking bag pero hindi ako nagtagumpay. "Parte 'to ng panliligaw ko kaya hayaan mo akong gawin ang simpleng bagay na ito." isinakbit nya ang aking bagpack sa kanyang kaliwang balikat. Ang kanyang bagpack naman ay nakasakbit sa kanan nyang balikat. Ang tatlo kong libro ay yakap-yakap nya gamit ang kaliwang kamay samantalang ang kanan nyang kamay ay pinipilit abutin ang kaliwa kong kamay. Naawa naman ako dahil determinado talaga sya na magholding-hands kami kaya sinunod ko na lang ang gusto nya. Sisipol-sipol pa sya habang ngumingiti na parang tanga. Masaya na ba sya nyan? "Ah, nga pala. Bakit ang dami mong dalang gamit ngayon?" Nagkagat-labi ako nang mapagtanto na wala nga palang klase. Baka isipin nya na sinadya kong gawin 'to para pahirapan sya sa panliligaw sa'kin. "Ah, nakalimutan kong tanggalin 'yung mga notebooks ko. Akin na pala 'yan. Ako na magdadala. Mabigat 'yang bag ko." paliwanag ko habang inaagaw ang mga libro at bag ko. Inilayo nya ang mga gamit ko pero nanatili pa rin magkahawak ang aming mga kamay. "Sinabi ko bang nabibigatan ako? Di naman ako nagrereklamo ah." ngumuso sya sa'kin, nagtatampo. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagmasid sa paligid. Halos lahat ng students ay nakasuot ng jeans at intramurals shirt. Gano'n naman ang pormahan lagi kapag intrams. Hindi na dapat ako nagtataka. "Aba! Aba! Aba! Look who's here. Yiee, ang sweet." nakasalubong namin sina Ren at Justin na sumisipol-sipol pa. "Ang pakitang-ta---" sinipa ni Ren si Justin kaya pinutol nya ang sasabihin. "este, ang gentleman mo naman pre. Haha." ngumiti si Justin upang hindi magalit si Aldwin. Suminghal si Aldwin na para bang napakamalas nya dahil nakasalubong nya pa ang mga kaibigan. "Ah, sige pre. Alis na kami." ani Ren. Aalis na sana sila ngunit nagtanong pa si Aldwin. "Sa'n punta nyo?" kuryosong tanong ni Aldwin. "Mangchichicks." tumawa ang dalawa. "Gago. Di nga? Sa'n punta nyo?" "Dyan lang pre. Bibili ng cartolina at colored papers." tinuro ni Justin ang tindahan na nasa labas ng gate. Napalingon naman ako doon sa tinuturo nya. "Para saan 'yung cartolina at colored papers?" ang daming tanong ni Aldwin. Kung ako sina Ren at Justin ay maiirita na ako ngayon pa lang. "Gagawa kami ng banner para sa laro ng bebe mo mamaya." Nalaglag ang panga ko nang tinuro ako nila Ren at Justin. Hindi ko inaasahan ang kanyang sasabihin. Nabalik ako sa ulirat nang bigla akong inakbayan ni Aldwin at kinabig papalapit sa kanya. Napa-wow tuloy ang mga kaibigan nya, hindi makapaniwala na kumagat si Aldwin sa joke nila Ren at Justin. "Ako na ang maggagawa ng banner para kay Ashley kaya't huwag na kayong mag-abala pa. Naiintindihan nyo bang dalawa?" maawtoridad na tanong ni Aldwin. Natatawang tumango ang dalawa nyang kaibigan. Kumaripas pa sila ng takbo na animo'y natakot sila sa iniasta ni Aldwin. Nanatili akong nakanganga habang pinapanood si Aldwin na bumili ng cartolina sa labas ng gate. Sa pagbili ng cartolina ay kasa-kasama nya pa ako. Mabuti na lamang at wala si chief na maligalig. "Kayo. Hindi ba't sinabihan ko na kayo na ako na ang gagawa ng banner para kay Ashley?" bungad agad ni Aldwin sa dalawang kaibigan na inosenteng tumitingin sa kanya. Binitawan ko ang kamay ni Aldwin, nagpapanggap na hindi ko sya kilala. Nakakahiya! Though, hindi naman malakas ang boses nya pero kahit na... agaw-atensyon pa rin kami rito. Ayoko pa namang ma-guidance. "Pre, hindi naman para kay Ashley 'yung gagawin naming banner. Niloloko ka lang namin, naniwala ka naman." patawa-tawang sagot ni Justin at saka sya nakipag-apir kay Ren. "Ewan ko sa inyo." napahiya doon si Aldwin kaya't nagdadabog syang lumakad. Maya-maya'y bumalik din sya dahil napagtanto nya siguro na naiwan nya ako. Mas lalong tumawa ang dalawa nyang kaibigan kaya napatawa na rin ako. Tumahimik din ako kalaunan nang mapagtanto na napapalibutan si Aldwin ng dark aura. Badtrip na badtrip na sya ngayon! Inilagay nya sa armchair ko ang aking bagpack. Ipinatong nya naman ang tatlo kong libro sa ibabaw ng armchair ko. "Salamat." sinserong sabi ko. Ngumiti sya sa'kin at saka sya bumalik sa kanyang upuan. Tumigil si Irish sa pagdo-drawing nang mapansin nya ang closeness namin ni Aldwin. Umayos sya ng upo at diretso akong tiningnan sa mata. Makiki-usyosa na naman siguro sya. "Anong mayroon sa inyong dalawa?" nanghuhuling tanong nya. "Uhm, ano kasi... uhm," paputol-putol na sabi ko. Hindi ko alam kung wrong idea ba na sabihin ko sa kanya pero mukha namang tahimik sya kaya sige na nga, sasabihin ko na. "nanliligaw si Aldwin sa'kin." "ANO?!! SI ALDWIN? NANLILIGAW SA'YO?!!!" "Tangina! Huwag kang maingay!" tinakpan ko ang bibig nya at nahihiyang tumingin sa mga kaklase ko. Mukha namang wala silang pakialam sa lovelife ko kaya wala akong dapat ipag-alala kung narinig nila o hindi. "ANO 'YUNG NARINIG KO KANINA? TOTOO ASHLEY?! NANLILIGAW SA'YO SI ALDWIN? HINDI ITO JOKE?!" mabilis na inisod ni Angel ang upuan nya upang makiusyosa. "Huwag nga kayong dalawang maingay. Nakakahiya. Potek." sinapo ko ang aking noo. "Ok. Quiet na kami. Izizip na namin mouth namin pero totoo, nanliligaw nga sa'yo ang number one legendary handsome na si Aldwin?" proud pa si Angel sa ginamit nyang term na number one legendary handsome. Pati tuloy ako ay nagmamalaki na ang ngiti. Ang katotohanan na suitor ko sya ay isang malaking dahilan upang magmalaki ako. "Mm. Suitor ko sya." nahihiyang tugon ko habang pinapanood si Aldwin na nakalupagi sa sahig. Nakalatag ang iba't ibang colored papers at saka cartolina. Kasa-kasama nya ang mga tropa nya na ngayon ay naggugupit ng iba't ibang letters na si Aldwin ang nagsulat. Tinototoo nya pala ang sinabi nya na maggagawa sya ng banner para sa'kin? Akala ko nagjojoke lang sya! "OMG!!!! SANA ALL SUITOR SI ALDWIN!!!" agad kong tinakpan ang boses ni Angel. "Potek. Huwag sabing maingay e." natataranta na ako dahil nakatingin na si Aldwin sa direksyon namin. Saka nya lang inalis ang tingin sa'kin nang sinabi ni Zhen na ididikit na raw ang mga letters sa cartolina. Naggala si Aldwin sa loob ng room upang manghiram ng glue sa mga classmates ko. "Ano ng plano mo ngayon? Sasagutin mo na ba agad sya?" salamat naman at nagseryoso si Irish. "Hmm... ang balak ko ay July 31 ko sya sasagutin." pinag-isipan kong mabuti ang aking sagot. "Bakit naman July 31 pa?" "Para pitong beses lang kami sa isang taon magma-monthsarry. In that way, makakatipid kami at mas makakapag-ipon. Talino ko di'ba?" proud at confident na tanong ko. "Ewan ko sa'yo." disappointed na sagot ni Angel, natatawa at hindi makapaniwala dahil advance ako mag-isip. Bumalik na ulit si Irish sa pagdo-drawing ng mga damit. Pangarap nyang maging designer kaya hobby na nya ang pagdodrawing. Si Angel? Uhm, marami syang pangarap... iba-iba. Noon ay pinangarap nyang maging abogado tapos ngayon naman ay gusto na nyang maging flight attendant. Ako? Marami akong pangarap. Sa sobrang dami nito ay hindi ko na mabilang. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa pamilya ko. Gusto kong maging isang ganap na doktor. I want to help those people who were unfortunate to buy medicines or receive any medical treatments. I want to be successful. I want all my harships to be paid-off. Gusto kong magtravel sa iba't ibang bansa kasama ang lalaking mahal ko. Pero teka, mahal? Am I inlove with Aldwin? Baka infatuation lang ito or crush. Pero attractive kasi sya kaya naattract ako sa kanya. But still, am I considered myself inlove? Posible bang mainlove ako sa murang edad? Paghanga lang ba ang nararamdaman ko kay Aldwin? O baka naman inlababo na nga ako? Hays ewan! Panahon lang ang makakasagot ng mga tanong ko. Kaya nga July 31 ko sasagutin si Aldwin upang malaman kung ano ang totoo kong nararamdaman. I still need more time to figured out what's my real feelings for him. "Ashley! Hi!" ikinaway ni Grace ang kanyang kaliwang kamay. May hawak pa syang raketa. "Oh, hi!" mabilis na sagot ko dahil lutang pala ako nang makarating sa badminton court. Marami ng mga estudyante ang nakaupo habang hawak-hawak ang iba't ibang kulay ng balloons. Green ang para sa freshmen, yellow sa sophomores, blue sa juniors at red sa seniors. Nag-umpisa na ang laro namin. Nakapagpalit na rin ako ng polyester shirt at shorts ko. Nakarubber shoes naman na ako kanina kaya't ito na lang din ang ginamit ko sa paglalaro. Sa unang set pa lang ay lamang na lamang na ang kalaban. 12 ang score nila samantalang ang amin ay 6. Sa pangalawang set ay mas lalong umingay ang juniors nang tuluyan na kaming hindi nakahabol. Natapos ang pangalawang set na 21 ang score namin. Ang aming kalaban ay 40 ang score kaya't natalo kami. "I'm sorry Ashley. Palaging outside ang serve ko kaya tayo natalo. I'm sorry talaga." Grace keeps on apologizing. "Ano ka ba? Huwag ka ngang mag-sorry. Gano'n talaga ang laro. May natatalo at may nananalo. Minalas lang tayo ngayon. Hindi mo kasalanan na natalo tayo." I assure to her that I'm alright. Baka kasi isipin nya na sinisisi ko sya. Malungkot lang naman ako na natalo kami pero never ko syang sinisisi. "I'm sorry talaga Ashley. I feel bad kaya ako nagsosorry." nanatiling nasa baba ang tingin nya. "Stop apologizing. I'm not blaming you." I can't help but to sound so irritated. Paulit-ulit na syang nagsosorry. "Grace..." sumulpot mula sa kung saan si Pats. Awtomatikong nag-angat ng tingin si Grace at patakbong sinalubong si Pats. Isinubsob nya ang ulo kay Pats. Tinapik naman ni Pats ang likod ni Grace upang pagaanin ang loob nito. "Is this a romantic movie or what?" pasiring kong inalis ang tingin sa kanila. Siguro ay nalulungkot lang ako dahil wala rito si Aldwin. He should supposed to comfort me at times like this. However, I still can't blame him because I'm aware na may laro sya ngayon. Kung bakit ba naman kasi magkasabay ang sched ng badminton at basketball?! Niligpit ko na ang raketa ko at iba ko pang mga gamit. Pagkatapos kong magligpit ng aking gamit ay namataan ko si Jake na pinapanood ako. Lumapit nga sya sa'kin at sinabayan ang paglalalakad ko. "Jake, natalo kami." I looked so down. "And so?" nakahalukipkip na tanong nya. "Alam mo, lumayas ka na nga. Tss." pagtataboy ko. "Joke lang. Eto naman, hindi na mabiro." mahina syang tumawa. "Ano bang ineemote-emote mo dyan?" nag-uusisang tanong nya. "Natalo kami ngayon tapos wala si Aldwin para i-comfort ako. Napakalungkot ko ngayon." pagda-drama ko, exag na exag. "Kaya mong lagpasan 'yan. Lungkot lang 'yan, malandi ka... kaya I believe na malalagpasan mo 'yan." humagalpak sya ng tawa. "Tangina. Layas. Nandidilim na paningin ko sa'yo." binilisan ko ang lakad kaya hinabol nya ako. Letseng Jake! Imbis na i-comfort ako ay ininsulto nya pa ako. Nakakainis!!! Hindi naman ako malandi!!!! "Uy, wait lang." "TSE! Bahala ka sa buha---" Pinutol ko ang aking sasabihin dahil hinila ako ni Jake palapit sa kanya. I suddenly felt his arms wrapped around my body. "Hindi ka dapat malungkot. Dapat sports ka lang. Kami nga e, tingnan mo, natalo rin kami ng juniors pero nakangiti lang kami." ngumiti sya pero malulungkot ang kanyang mga mata. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Natalo kayo?" ako na ang nalulungkot para sa kanila. "Mm." tumango sya. "Kani-kanina lang natapos ang laro namin. Sabi nga pala ni Aldwin ay pupunta sya rito para makaabot sa laro mo. Hmmm..." luminga-linga si Jake sa paligid. "Bakit wala pa sya rito? Umuwi na ba sya?" tumingin si Jake sa kanyang relos. "Pucha, uwian na pala. Baka siguro, umuwi na 'yon. Wala sa kondisyon ang katawan nya kanina e. Palagi nyang iniinda 'yung... achilles tendon ba 'yon? Hays, nakalimutan ko 'yung term. Basta 'yun na iyon." Agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa classroom nang may mapagtanto? Hindi kaya nakita nya kami ni Jake na magkayakap?? Oh no!! Huwag naman sana!!! "Oy, sa'n ka pupunta?!!!" malakas na tanong ni Jake. "Bye Jake. Salamat sa info! Uwi na 'ko!" lumingon ako sa kanya bago ulit ako kumaripas ng takbo. Nang makarating sa classroom ay hinabol ko muna ang hininga ko. Kakaunti na lang ang natirang mga kaklase ko dahil nagsi-uwian na ang iba. "Justin! Justin!" hihingal-hingal na pagtawag ko sa kanya. Aalis na sana sya pero nang marinig ang boses ko ay tumigil sya. "Ashley!" tawag nya pabalik. "Nakita mo ba si Aldwin?" nakahawak sa dibdib na tanong ko, hinihingal pa rin hanggang ngayon. "Ah, oo, kanina. Sabi nya ay pupunta raw sya sa badminton court para umabot sa laro mo. Nakita ko rin sya kanina lang dito sa classroom na seryoso ang mukha, mukhang may kagalit sya o kaaway. Niligpit nya ng mabilis ang gamit nya tapos basta na lang umalis nang hindi man lang naglinis." problemado si Justin dahil tinakasan sya ng kaibigan sa paglilinis. Cleaner yata sila pareho. "Teka, bakit mo sya hinahanap? Akala ko hinintay ka nya para sabay kayong umuwi." naguguluhan na rin sya. Mabilis kong inilagay ang tatlo kong libro sa cabinet na nandirito sa room. Isinakbit ko na ang aking bagpack sa'king balikat. Nagmadali ako sa pagtakbo pababa ng hagdan. Muntikan na nga akong madapa o masubsob e. "Ashley, may problema ba?!" rinig kong tanong ni Justin sa likod ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, umaasang maabutan ko pa sya pero nabigo lang ako sa dulo. Nakauwi na sya nang hindi man lang ako iniintay. Nakakatampo naman! Kung nakita nya kaming magkayakap ni Jake ay dapat ay magtanong sya. Baka namis-interpret nya ang meaning no'n. I'm doomed! Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sya. Ida-dial ko na sana ang number nya pero narealize ko na wala nga pala akong load. Hays! Ang malas ko naman! Data lang ang meron ako kaya tinawagan ko sya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na active ang status nya. Agad ko syang tinawagan pero hindi nya ito sinasagot. Nagriring naman ito pero palagi nyang pinapatay. Mahigpit ang hawak ko sa'king cellphone, napipikon na talaga. To: Babe oy 'wag ka ng magalit Agad nya itong sineen pagkasend na pagkasend ko. Hinintay ko na magtype rin sya pero mukhang malabo iyon. Nakakapikon naman! Wala namang dahilan para magalit sya. To: Babe napipikon na ko ha To: Babe bati na tayo To: Babe wag ka ng magalit To: Babe 'wag na tayong mag-away To: Babe wala na nga tayong label e To: Babe hindi pa tayo mag-on pero nag-aaway na agad tayo To: Babe hoy To: Babe para namang tanga e To: Babe sige ha, mahalin mo 'yang pride mong abot langit "Bwisit. Ang taas ng pride nya! Nakakairita!!" padabog kong inilagay ang aking cellphone sa side table. Sinipa ko ang kama ni Ate sa itaas dahil naiirita talaga ako. "f**k! May lindol!!" nagpanic ang boses ni Ate. Bumaba na sya sa double-deck. Binato nya ako ng unan nang mapansin na inuuga ko ang kanyang kama. "Letse ka. Problema mo?" tumigil na sya sa pagbato ng unan sa'kin. Umupo sya sa'king kama, puno ng pag-aalala ang mga mata. "Wala 'to." I denied. "Ano nga? Para namang hindi mo ako Ate. Sige na. Sabihin mo na." pinipilit nya akong bumangon kaya't nauntog ako. Bwisit! That hurts a little. Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa pagkakaumpog nito. Bahagya ko itong hinilot upang hindi magkabukol. "So ano nga? Bakit ka nagsasalita dyan mag-isa? Gusto mo bang dalhin na kita sa mental?" mas interesado pa talaga sya sa kwento ko kaysa sa sakit ng pagkakaumpog ko sa aking kama. "Ano kasi... uhm..." palagi talagang ganito. Nagiging ankomportable ako kapag sinasabi na manliligaw ko na si Aldwin. "Ano?" excited na tanong nya. Ano pa kaya kapag sinabi kong suitor ko na ang crush ko? Baka magtatalon na sya dyan sa tuwa. "Ano kasi... suitor ko na si Aldwin. Nagkaroon lang kami ng misunderstandings dahil nakita nya kaming dalawa ni Jake na magkayakap. 'Yun lang naman." I was really problematic. "Ah, suitor mo lang pala si Aldwin. Akala ko kung ano na." tumayo na sya pero agad din syang napaupo nang mauntog sa itaas nyang kama. "Ouch! Ang sakit... pero teka, sinabi mo ba na suitor mo na si Aldwin?" kumislap ang kanyang mga mata. Tumango ako sa kanya upang pigilan ang sarili na magkwento kay Aldwin. Baka agawan nya pa ako ng crush e. Maganda rin itong si Ate kaya hindi malabong magkagusto si Aldwin sa kanya. "Oh my God. Congratulations sister! I knew it, ibang klase talaga ang genes natin and syempre, the most important ay 'yung personality mo. That was probably the reason kung bakit ka nya nagustuhan." kinikilig na sabi nya. Natapos na rin ang usapan namin. Maaga pa sya bukas dahil may pasok sya. May pasok rin naman ako bukas pero heto ako't nagpupuyat para magfacebook. Scroll lang ako ng scroll at kapag may nakita akong magandang i-share ay shine-share ko. Alam nyo na, sharedpost is life. Napanguso ako nang makita na active pa rin si Aldwin. So pinapanindigan nya talaga na huwag akong ichat huh? Edi sige, bahala sya dyan! August 31 ko na lang sya sasagutin dahil sinusura nya ako. Nagpatuloy ako sa pagsheshare at pagi-scroll. Hindi pa naman ako inaantok kaya magfefacebook muna ako. Tumigil ako sa pagiscroll nang makita ang pangalan ni Jake sa notifications ko. Nagrereact sya sa lahat ng sharedpost ko kaya't natutuwa ako. Mas excited pa nga ako sa notifications ko kaysa sa message e. Alam ko naman kasi na puro gcash, NDRRMC, lazada, shoppee at verification code ang nagmemessage sa'kin. Tumingala ako saglit nang makita na mayroon akong isang message. Kinakabahan kong pinindot ang messenger ko, umaasang si Aldwin ang magchachat sa'kin. Pinigilan ko ang aking sarili na sumigaw nang makita na kay Aldwin nanggaling ang message. From: Babe matulog ka na gabi na Napabusangot ang mukha ko sa pag-aakalang makikipagbati sya sa'kin. However, masaya rin naman ako dahil kahit papaano'y concerned sya sa'kin kahit na we're not in good terms. Kainis naman kasi sya! Kinabukasan ay tinanggal ko na ang mga notebooks ko dahil alam ko naman na hindi ako ipagdadala ni Aldwin ng bag. Ako lang din mahihirapan sa dulo kaya mas mabuti ng magdala ng maliit na bagpack para mas madaling dalhin. Inilagay ko na ang lunchbox, tumbler, towel, dalawang polyester shirts at isang polyester short. Nakasuot kami ng jeans at dilaw na shirt. Hindi na namin suot ang intramurals shirt namin dahil suot na namin 'yon kahapon. Isinakbit ko na ang aking i.d. sa'king leeg at pagkatapos ay isinuot ko na rin ang puti kong sneakers. Kinuha ko na ang raketa ko dahil ito ang pinakamahalaga sa lahat. Hindi ako makakapaglaro kapag nakalimutan ko ito. "Ma, alis na po ako!" paalam ko. "Sige 'nak! Ingat!" sigaw nya pabalik. Hindi ko na inintay si Ate dahil napakakupad nyang kumilos. Mamaya pa ang dating no'n sa school. Namamalantsa pa sya tapos nagmemake-up kaya no wonder kung bakit late lagi sya narating sa school. Tahimik lang ako mula sa pagsakay ng dyip hanggang sa pagbaba. Umingay lamang ang buhay ko nang makasabay ko sina Justin, Angel at si... Aldwin. Basa at medyo magulo ang buhok nya. Sa kaliwang balikat nakasakbit ang itim nyang bagpack. Seryoso syang nakatingin sa'kin pero nang magsalita si Angel ay agad syang nag-iwas ng tingin. "Uy, Justin. Magkasabay tayo ng dating. Hindi kaya tayo ang itinadhana sa isa't isa?" si Angel ang natatawa sa sarili nyang tanong. "Ulol. Magbibigti na lang ako kung ikaw ang endgame ko." nasusuka pa si Justin kaya tumawa ako. "Wow ha! Ang gwapo mo naman po!" sarkastikong ani Angel, nasusuka na rin. Parang babae na umirap si Justin kay Angel. Hindi nya siguro gusto ang ideya na nakasabay nya si Angel sa pagpasok. Grabe naman sya! Ang ganda-ganda nitong kaibigan ko tapos ang choosy nya pa! "Uy pre. Bakit hindi mo binibitbit bag ng bebe mo?" puna ni Justin. Nag-iwas tuloy ako ng tingin nang magtanong sya. Kinutkot ko ang straps ng bagpack ko. Tahimik lamang ako upang pigilan ang aking sarili na sabihin ang problema namin ni Aldwin. "Malamang LQ sila. Ang slow mo naman. Tara na nga! Bigyan natin sila ng alone time." hinila ni Angel si Justin. "Oy pucha! Madadapa ako at tsaka chansing ka." reklamo pa ni Justin kaya't napangiti ako. Naiwan ako kasama si Aldwin. Mabagal lang kaming naglalakad kasama ang ibang mga students na papasok pa lamang. Nasa baba lang ang tingin ko habang kinukutkot ang kuko ko. Ayoko namang makipag-usap sa kanya dahil ini-ignore nya ako. Bahala sya dyan! Napatigil ako sa paglalakad nang kinuha nya ang bagpack ko. Isinakbit nya iyon sa kanan nyang balikat at saka sya umunang maglakad. Nilingon nya ako, nakataas na ang isang kilay. "Tatayo ka na lang ba dyan buong oras?" nanatiling nakataas ang isa nyang kilay. "Ah, hindi." naalarma ako sa boses nya. Agad akong sumunod sa kanya sa paglalakad. Nauuna syang maglakad sa'kin kaya may pagkakataon ako na tingnan ang backfigure nya. I smiled like an idiot while looking at his backfigure. Damn! Kahit nakatalikod ay ang hot pa rin ng postura nya. Nag-iwas ako ng tingin nang lumingon ulit sya sa'kin. Binagalan nya ang kanyang lakad dahil nahuhuli na pala ako. Masyado akong napatitig sa kanya kaya hindi ko namalayan na ang bagal ko palang maglakad. Inilagay na nya ang bagpack ko sa armchair. Hindi na nya nga inintay na magthank you ako sa kanya. Basta na lang syang lumayo sa'kin. Nagpahalumbaba na lang ako habang nakatitig sa labas. Wala kaming klase kaya't tumatambay kami rito sa classroom. Kapag mag-uumpisa na ang laro ay isinasarado na ang classroom. "Ashley. Pssst." may kung sinong nakasilip sa pintuan. Sumisitsit ito sa'kin kaya pumunta na ako roon. Ako lang naman ang may pangalang Ashley kaya sigurado ako na ako ang tinatawag nya. "Oh Grace." ngumiti ako. "Hi. Uhm, pinapasabi nga pala ni Coach na seniors at freshmen makakalaban natin. Alas otso ang umpisa ng laro." paliwanag nya habang lumilinga sa paligid. Mukhang may hinahanap sya. "Wala pa rito si Pats. Palagi iyong late. Hindi ka pa nasanay." inunahan ko na sya. Alam ko naman kasi na si Pats ang hinahanap nya. "Ah, naku. Hindi ko hinahanap si Pats." "Sige, deny pa. Haha." mahinang tawa ko. Mukhang wala na syang maisip na palusot kaya umamin na rin sya. Sa wakas ay tumigil na rin sya sa pagdedeny. "Oh, mag aalas-otso na rin pala. Mabuti pa'y magpapalit na ako. Sige Grace. Salamat sa pag-iinform." pagkaway ko sa kanya. Nagthumbs-up sya sa'kin, ibig sabihin ay 'no problem.' Pagkababa nya ng hagdan ay sya namang pagdating ni Pats. So sigurado ako na nakasalubong nila ang isa't isa. "Nandyan bebe mo. Hinahanap ka." nang-aasar na ang boses ko. "Tigil-tigilan mo 'ko dyan sa pang-aasar mo." napipikon na agad sya. Ang labo nya naman. Bumalik na ako sa armchair ko upang kuhanin ang aking bagpack at raketa. Nalipat ang tingin ko kay Aldwin kasama ang mga tropa nya. Nakabilog ang upuan nila habang seryosong nagkekwentuhan. Paminsan-minsan ay tumatawa sila at nagtutulakan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo ako sa kanila. Tinuro ako ni Justin at kumaway sya sa'kin. "Oh, hi sa inyo!" binati ko silang lahat. Kapag si Justin lang ang binati ko ay baka mas lalong magalit si Aldwin. Baka isipin pa nya na may gusto ako sa kaibigan nya. "Anong oras ng laro nyo? Manonood kaming lahat lalong-lalo na itong bebe mo." pagkindat sa'kin ni Ren, handa syang maging tulay para magkaayos na kami ng kaibigan nya. "Oy! Marami tayong gagawin mamaya. Cleaners tayo at saka inutusan tayo ni Ma'am Cortez na magfloorwax." pagpapalusot ni Aldwin. Halatang nagsasalita na lang sya ng kung ano-ano upang gumawa ng excuse. "Huh? Inutusan ba tayo ni Ma'am Cortez na magfloorwax? Hindi ako nainformed." paglalaglag ni Zhen kay Aldwin. "Ah, oo nga pala. May laro rin tayo mamaya kaya hindi tayo makakapanood ng laro ng badminto----" "Please, tumigil ka na. Sabihin mo lang na hindi ka makakapanood, hindi 'yung nag-iisip ka pa ng iba't ibang excuses." nabasa ang pisngi ko dahil sa mga luha na tumutulo rito. Kinuha ko ang paperbag at raketa upang magtungo sa comfort room. Sinadya kong banggain ang balikat nya dahil masyado akong nasasaktan ngayon. Pwede nya naman akong hindian hindi 'yung ang dami nyang excuses. At saka, inutusan ko ba sya na manood ng laro ko? Wala naman akong pakialam kung hindi sya manood. Nasaktan lang talaga ako kanina dahil lumalabas na ayaw nya nga talagang manood kahit na libre naman ang oras nya. Naghilamos muna ako ng pisngi ko bago ko ito tinuyo ng tuwalya. Pumasok na ako sa isa sa mga cubicle. Good thing is may lock 'yung pintuan kaya't panatag ang loob ko na hindi ako masisilipan. Hindi kasi ako nasamahan ni Angel dahil sasabihan pa raw nya ang ibang students tungkol sa change of schedule ng laro today. Lumabas na ako ng cubicle. Humarap ako sa salamin upang icheck kung pugto ang mata ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ito masyadong pugto. Halatang-halata nga lang na umiyak ako. Ipinusod ko ang aking buhok dahil mainit ngayon. Nang matapos magbihis ay lumabas na ako ng comfort room. Lumuwag ang hawak ko sa paper bag nang makita ko si Aldwin na nakasandal sa pader. Nasa baba lamang ang kanyang tingin pero nang makita nya ako ay deretso syang tumingin sa'kin. Nagdere-deretso ako ng lakad, tampo pa rin sa kanya. No matter what I sees it, he already crossed the line. Hindi nya man lang ako binigyan ng chance magpaliwanag tungkol sa nakita nya kahapon. Tapos ngayon ay sya itong umiiwas na akala mo'y sya itong nasasaktan. Tuluyan ko ng nabitawan ang hawak kong paperbag nang marahan nya akong hinarap sa kanya sa pamamagitan ng pagkuha ng pala-pulsuhan ko. Sinubukan kong kumawala pero hinawakan nya pa ang isa kong pala-pulsuhan. "Sorry sa pagdadahilan ko para hindi makapanood ng laro mo. Gusto ko naman talagang manood kaya lang nasusura ako kay Jake na laging bumubuntot sa'yo." bakas na bakas ang pagkainis sa tono ng pananalita nya. "Bati na tayo. Huwag ka ng magalit sa'kin." pakiusap nya. I looked away, pretending that I didn't hear anything. "Oy, pansinin mo naman ako." he looked so desperate to catch my attention kaya't kahit ano ay ginawa na nya. "Manonood na ako ng laro mo mamaya, magbati lang tayo." his voice makes me soft. Ang hirap talaga ng marupok. "Sige na." pagalit na sagot ko, playing hard to get. "Anong sige na?" kumislap ang pag-asa sa kanyang mga mata. Kumamot ako sa'king ulo, nakukulitan na. "Oo na, bati na tayo." I smile a little. "Talaga?" nangungumpirmang tanong nya. "Playing deaf?" sarkastikong tanong ko. Nag-iwas sya ng tingin, mukhang nag-alala na baka naturn-off nya 'ko dahil sa pagbibingi-bingihan nya. "Narinig ko 'yung sinabi mo kanina pero gusto ko ulit marinig." he demanded again. Nagpakawala ako ng buntong hininga, hindi nagugustuhan na sunud-sunuran ako sa kanya. "Oo na nga. Bati na tayo." pagalit pa rin talaga ang tono ko. "E bakit ka galit? Mukhang di ka naman sincere e." sya pa itong nagtatampo. Ngumuso pa talaga sya na parang sya ang dehado. "Hug mo nga ako kung bati na talaga tayo." panghahamon nya. He opened his arms and signalled me to hugged him. Nagtingin muna ako ng mga estudyante sa paligid. Mukha namang abala ang lahat sa panonood ng palaro kaya naman I take this chance to hugged him. Sinubsob ko ang aking ulo sa kanya. Pinipigilan ko ang aking sarili na ngumiti ng malapad. "Huwag na ulit tayong mag-aaway." he whispered to my ear as if the thought of that bothers him. ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ ツ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD