"Let's start the yell competition."
Nakapoker-face lang ako habang nakikinig sa yell ng freshmen. Determinado talaga sila na makuha ang title. Mayroon pa silang props na green flag. How pathetic!
Umirap ako habang pinapaypayan ang aking sarili. Gosh! It was so hot. All of the freshmen, sophomores, juniors and seniors were all gathered here in covered court. To think that the covered court wasn't really spacicious or wide so it was natural that it feels like hell.
"Ang init. Hays!" I complained hoping that Jake will lend me his fan but he do the opposite.
"Huwag kang magparinig. Naiinitan din ako kaya hindi ko ipapahiram sa'yo ang pamaypay ko." he rolled his eyes to me while taking his eyes off me.
Inirapan ko na lang sya pabalik. Gosh! He was so mean and ungentleman!!
Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking kamay. Naiinitan pa rin ako pero wala akong magagawa kung hindi magtiis. However, I can't help but to cursed dahil mas lalo pang uminit nang magsigawan ang mga freshmens. Competetive, energetic at determined talaga sila na maging winner sa yell competition. Asa naman sila!
Nagpatuloy ako sa pagpaypay ng aking sarili but I was surprised when I felt someone's hand holding mine. Nagbaba ako ng tingin sa'king kamay na ngayon ay hawak ni Aldwin.
"Eto. Hiramin mo muna." he hand me his mini portable electric fan.
"Thank you." I sincerely said.
Itinapat ko ang mini electric fan sa loob ng aking t-shirt. Mainit talaga kaya't hindi na ako nag-alangan na kuhanin ang mini electric fan sa kanya.
I was smiling while staring at Aldwin. I did not thought that he will do such a thing. I knew that he felt also warm but why did he bother to lend me his mini electric fan? Aish, whatever his goddamn reason! Iisipin ko na lang na gentleman talaga sya.
However, my conversation with him really bothers me! I love y. That's the phrase that he sent to me. After that, he suddenly send me that he loves yakult. What a stupid excuse! It was so lame! Obuse naman na mahal nya ako or to make it least, he likes me but why isn't he confessing?! Torpe... or baka naman assuming lang talaga ako.
"Oy, palit nga tayo. Iyo itong pamaypay, akin 'yang mini portable fan."
My brow automatically furrowed when Jake bossily ordered me.
"Ano ka? Hello? Magtiis ka sa pamaypay. Bleh." binelatan ko sya.
"Di wow." pambabadya nya at saka nya inalis ang tingin sa'kin. Gosh! He was really rude!
Naglip sync ako habang iwinawaygay sa ere ang dilaw naming flag. I looked so stupid while waving the yellow flag in the goddamn air. Hays! Dapat ay hindi na ako nagyeyell dahil hindi ko naman alam ang sasabihin pero kailangan kong makicooperate kahit man lang sa pagwagayway ng aming bandera.
"G-R-E-A-T! G-R-E-A-T! GREAT! 8!" iyon lang ang lyrics na alam ko.
Natapos na rin kaming magyell. Nakahinga ako ng maluwag habang hinahabol ang aking hininga. It was really exhausting yet I enjoyed it.
"Oh! Tubig! Stay hydrated! Payatot!" pagalit pang binato ni Jake ang bottled mineral water sa'kin. Muntikan na nga akong mataman, mabuti na lamang at nasalo ko ito. Inirapan ko si Jake habang iniinom ko ang tubig na inoffer nya sa'kin. Tumawa naman sya sa'kin kaya mas lalo ko syang sinamaan ng tingin.
Ilang minuto ang nakalipas at natapos na rin ang yell competition. Kagaya ng dati ay Grade 10 pa rin ang winner. Hindi naman na ako nagulat dahil consistent na sila ang champion sa yell competition. Nagulat lamang ako nang kami ang tanghalin na first place, juniors ang second place at ang freshmen ang bungkot. Haha. Kawawa naman sila.
Umalis na ako sa covered court dahil tapos na naman ang yell competition. I went to our classroom but unfortunately, the door was locked so I went on the canteen. Nagpangalumbaba ako habang minamasdan ang basketball freshmen players na nagwawarm-up sa covered court.
"Grade 10 ang magchachampion sa basketball kaya bakit pa sila aasa na mananalo sila?" I asked out of the blue.
"Edi, hindi ka naniniwala na magchachampion tayo?"
I snap back when I heard a familiar words. Mariin akong pumikit nang mamataan si Aldwin na naglalakad palapit sa'kin. Hindi pa sya nakuntento at umupo pa sya sa bench na inuupuan ko.
"At hindi ka rin naniniwala sa kakayahan ko?" he looked so down.
"Hindi, hindi. Mali ang pagkakaintindi mo." I continue to shook my head, umaasang hindi sasama ang loob nya sa'kin.
"Edi, ano pala ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?"
"Ahh, alam mo kasi... consistent na palaging champion ang Grade 10 sa basketball kaya malabong magchampion tayong mga sophomore..." I smile awkwardly. "at saka, I heard some students gossiping about your skills. Maraming mga estudyante ang hindi naniniwala na kaya mo." I looked away dahil nanlilisik na ang kanyang mga mata. Nakakatakot naman.
"Kaya gano'n din ang tingin mo sa'kin?" he sounded so disappointed.
Nagbaba ako ng tingin. Hindi ako nakaimik. That question makes me guilty. I shouldn't make him so down of hisself. I shoud have cheer him up but I was doing the opposite.
Aldwin held my chin up so that he can caught my eyes. My eyes were apologetic because I'm making him so down of hisself.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba hangga't sa'kin ay nagtitiwala ka." he was so goddamn serious.
"Ngayon, gusto kitang tanungin. Do you trust me?" his eyes were hopeful.
I didn't utter any single word instead I nod my head.
"Ayoko ng ganyan. I need your words." he demanded.
I bit my lower lip before I start to talk.
"I trust you." I carefully answered.
A slow smile worked its way across his eyes and his face. Also, a tiny dimple playing at the corner of his mouth. Gosh! How cute.
I stiffened when he lean closer just to hugged me. I can feel his breath on the back of my neck. I sighed heavily just to pushed him away but he just wouldn't let me.
"Five minutes. Gusto ko ng goodluck hug." he hugged me so tightly that I don't have any ways to escape.
I closed my eyes and then I decided to hugged him back. Goodness gracious! My heart was racing so fast that I can't take it anymore. However, I resist to tell him that he needs to release from the hug. I want it that way. I badly want to stay like this forever because I felt comfort whenever he wrapped his arms around my body. It was better if we stay a little long in this position.
"Kailangan mong manood ng laro ko mamaya." he whispered in my ear.
I suddenly relaeased from the hug when I saw group of teachers who were walking towards us. I realized that it was a school so PDA was strictly allowed, but look at the two of us, naturingan kaming pilot section pero kami pa ang nagpapasimuno ng PDA. Nakakahiya naman.
"Hindi ako pwede. May laro rin ako mamaya pero try ko makaabot." I am not promising anything. I'm just saying what can I do for him.
"Sayang naman. Bakit pa kasi magkasabay ang laro ng badminton at basketball?" he made a sad expression.
Ngayon pa lang ay naguguluhan na ako kung bakit sya nalulungkot. As if naman matatalo sila sa freshmen kapag hindi ako nakapanood. He was so OA.
"Ewan ko. Ah, sige. Aalis na ako. Nagtext si Grace na pinapatawag na kami ni Coach para sa practice." I walked away from him but he held my wrist causing me to stopped from walking.
"Isang tanong, isang sagot..." he wear a serious expression.
I swallowed the lump of my throat, assuming that he will confirm what's my true feelings to him. Baka kaya hindi sya umaamin sa'kin dahil akala nya'y nilalandi ko lamang sya.
"Boyfriend mo ba si Jake?" his expression still remains.
Umiling lang ako sa kanya, tawang-tawa na. Ako? Magiging boyfriend si Jake? Huwag na lang oy! Di kami talo! I did not see him in a romantic way.
"I need your words. Sabihin mo na hindi mo sya gusto." he demanded again.
Bakit ba hindi sya naniniwala kapag umiiling o tumatango ako? Did he not trust me?
"Hindi ko sya gusto. Magkaibigan lang kaming dalawa at hanggang doon lang 'yon." I confidently said.
Relief brought a smile to his lips. I can see the joy and satisfaction living in his eyes.
Iniwan ko na rin sya roon. Tinalikuran ko sya at naglakad na papunta sa badminton court. In my way there, I saw Jake who was so down. Bihira ko lang syang makita na ganito. Usually, palagi syang hyper or energetic pero iba ang aura nya ngayon. Napakalungkot no'n.
"Jake!" I greeted naturally. Nang makalapit sa kanya ay tinapik ko sya ng mahina sa balikat. Ganito kami magbatian kapag nakikita ang isa't isa. He didn't move nor greet me. Napuno tuloy ng alala ang aking mga mata.
"May nangyari ba? May lagnat ka ba? Bakit napakalungkot mo ngayon? Sino nang-away sa'yo? Ireresbak kita." sunod-sunod na tanong ko dala ng pag-aalala.
Ikinagulat ko ang biglaan nyang pangyayakap sa'kin. Naestatwa ako, hindi malaman ang una kong gagawin.
"Hays. Bakit ba lahat ng tao sa paligid ko ay niyayakap ako?" I wondered to myself.
Kung kanina ay medyo kalmado ako, ngayon ay hindi na dahil naramdaman ko na basa na ang aking yellow t-shirt. I even heard his desperate sobs. Oh my!
"Jake, may masama bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" I was very worried. After all, he was my friend, my companion, my classmate and he was very close to my heart so I was also worried to him.
"Busted na agad ako sa puso ng babaeng gusto ko."
Napahagalpak ako ng tawa. Umalis ako mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Buti nga sa'yo. HAHAHA." nagpatuloy ako sa pang-aasar sa kanya.
Inayos nya ang mukha at pinalis ang mga luha na humaharang sa mata nya. Mabilis nyang pinisil ang aking pisngi at kinulong nya ulit ako sa mga bisig nya.
"Kayo na ba ni Aldwin?" he changed the topic.
Mabilis ko syang pinatahimik dahil baka marinig sya ni Aldwin. Sinulyapan ko ang bench na inuupuan namin ni Aldwin kanina. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala sya rito. Mabuti na lamang at umalis na sya.
"Crush ko sya dude. Sa tingin ko'y crush nya rin ako. Natotorpe lang siguro sya na umamin sa'kin." I smile at my own thought.
Pinitik ni Jake ang noo ko kaya ininda ko ang sakit no'n.
"Kahit kailan, asumera ka pa rin talaga. Haha." he was smiling now. Yehey! Hindi na sya malungkot.
"Wala kang pake. Makikita mo isang araw, magiging akin sya. Who you ka sa'kin kapag naging kami. Ano? Pustahan tayo oh!" panghahamon ko.
Natatawa syang umiling sa'kin.
"Hindi na kailangan." he gave me a fake smile. "As long as masaya ka, masaya na rin ako."
Nagtungo na ako sa badminton court dahil mag-uumpisa na raw ang laban. Nagpalit lang ako ng polyester shirt at polyester short. Mabuti na lang at wala akong period kaya komportable akong makakagalaw sa court.
Freshmen ang kalaban namin ngayon kaya madali lang na talunin sila pero doon ako nagkamali. Ang mga bulinggit na ito ay maliliksi at mabibilis tumakbo sa court. Natapos ang set na lamang ang aming kalaban ng anim na puntos.
"Sorry Ashley. Sorry talaga." Grace apologized as if she did something wrong. Well, sa 'twing pinapalo nya kasi ang shuttlecock ay palagi itong outside the perimeter kaya ang puntos ay sa'ming kalaban. She always did the same mistake at hindi nya man lang ako hinahayaan na pumalo ng shuttlecock. Hays! Nakaka-stress.
"Magteamwork tayo sa second set. Kapag malapit sa'kin ay huwag mo ng papaluin. Hayaan mo ng ako ang pumalo nito." I ordered with an authoritative voice. Nai-stress talaga ako! Hays.
"Oo. Gagalingan ko na. Di kita bibiguin." she promised.
I gave her a sweet smile bago kami bumalik sa court. The second set started. Usually, si Grace ang nagseserve kaya't nahabol namin ang puntos ng kalaban. Palaging pinapalo ng mga freshmen ang shuttlecock kahit na alanganin ang landing nito. Hays! Di ba sila nag-iisip? Matatalo nga sila nyan. And one more thing is palaging outside the perimeter ang pagseserve nila kaya't lamang na kami ng anim na puntos. Thank God at sinuswerte kami ngayon.
We had a water break para paghandaan ang last set. 34 na ang score namin samantalang 28 ang freshmen.
Pinunasan ko ang aking pawis at ininom ang aking tubig. Palibhasa'y last set na kaya maraming freshmen ang nanonood. May banner na hawak ang mga freshmens habang winawagayway ang berde nilang bandera. Todo cheer talaga sila sa mga manok nila.
I looked around and then I saw some of my classmates with the students from the other star sections. Halos lahat ng pwedeng gawing props ay nasa kanila na. They were holding a yellow long balloons, a tarpaulin and a yellow flags. Nagsanib pwersa pa talaga ang dalawang star section upang i-cheer kami. Nakakataba naman ng puso. Kahit na wala rito si Aldwin ay ginanahan pa rin akong maglaro dahil sa suporta ng mga taong naniniwala sa'kin.
Pasimple kong sinulyapan si Grace na ngayon ay ngumingiti dahil sa tarpapel na hawak ni Pat. Wow! Ang supportive naman nya. How I wish ganito rin si Aldwin pero bakit nga ba ako maghahangad na gawin nya rin ang ganito? Ni hindi nga ako sigurado kung may nararamdaman sya sa'kin.
Dala ng masyadong pag-iisip ay muntikan pa kaming matalo. The last set ended and our score was 42 while our opponent was 41. Good thing ay lamang kami ng isang puntos. Technically, we won. We won!!! All our hardships were already paid-off. Nakakatuwa!
Sinalubong agad ako nila Angel matapos ang laban namin. Pinaulanan nila ako ng congrats. Dahil daw sa nanalo kami ay nilibre nya ako. Ang galante naman nya.
We chitchat and then after that ay bigla akong hinatak ni Irish papunta sa open court. Naiwan ko tuloy ang kinakain ko sa table dahil sa biglaang paghila sa'kin ni Irish. Muntikan pa akong madapa dahil ang bilis nyang maglakad. Nakasunod lamang sila Angel sa'kin. Hindi ko alam kung pinagtitripan nila ako o ano. Nang makarating sa open court ay kumunot ang aking noo. Bakit wala ng tao? Tapos na ba ang laro?
"Sinong nanalo? Freshmen o sophomore?" I asked all of the sudden. Nakakapagtaka lang na ang agang matapos ng laro. Di man lang ako nakapanood. Nakakapanghinayang!
"Sophomore." a voice of someone filled my two ears.
I stiffened when he hugged me from the back. I was so nervous that he can heard my loud heartbeat.
"Aldwin, my friends were watching." I awkwardly said while looking at my friends. My brow furrowed when I saw them walking away. Nagthumbs-up pa talaga sila sa'kin as if they'll support me on what I am doing.
"Aldwin, aalis na ako." sinubukan kong kumawala ngunit hindi nya ako pinayagan. Mas lalo nya lang hinigpitan ang yakap nya sa'kin.
"Pagod ako." he state the obvious.
"Anong pakialam ko?" pagtataray ko.
"Gusto kong magpahinga."
"Then, rest. Pakawalan mo ako tapos ay magpahinga ka. As simple as that. Duh." hindi ko talaga maiwasan na magtaray. I was really annoyed to the thought na nilalandi nya ako. He can at least clear hisself on what is his real feelings for me. Handa naman na akong masaktan. Mas gusto ko pa nga iyon kaysa iyong pinapaasa nya ako.
"Gusto kong magpahinga sa piling mo." isinubsob nya ang ulo sa'king leeg. Pumikit ako ng mariin. Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa nya. It was really clear that he wants me to fall hardly to him and afterwards, he will just watch me. Pinapaasa nya lang talaga ako!!!
"Aldwin, magpahinga ka doon." tinuro ko ang bench na nasa canteen.
"Samahan mo ako." humirit pa talaga sya.
Napapabuntong-hininga akong pumayag sa gusto nya. Hays! I can't believe that I'm his dog now. Bakit ba hindi ko sya magawang hindian?
We walked towards the canteen and sat on the bench. Later on, he rest his head on my shoulders.
"Aldwin, I'll be off now." marahan kong inalis ang ulo nya sa'king balikat pero pinigilan na nya naman ako.
"I want to recharge. Bigyan mo pa ako ng limang minuto." he demanded again.
I rolled my eyes to him. Limang minuto na ang nakalipas pero nandito pa rin kami sa ganitong posisyon.
Umayos ng upo si Aldwin nang may lumapit sa kanyang isang babae. Just like me, may suot syang eyeglasses. She was tall. Walang binatbat ang height ko sa height nya. Ang kanyang black straight hair ay hanggang baywang ang haba. Katulad ko, maganda rin sya at maputi. She has a white fair skin. She was wearing a red intramurals shirt so I already knew that she was a Grade 10 highschool student.
May kasama syang dalawang babae na kasing-height din nya. The two of them were also pretty. Bigla tuloy akong nainsecure!
"Gwen." Aldwin call him by her name.
"Hi." the girl whose name was Gwen shyly waved her hand.
Maya-maya pa ay dumating na ang kanyang mga kaibigan. They were all wearing their basketball jersey outfit. Hindi pa rin pala sila nakakapagpalit. Magugulo pa ang kanilang buhok at pawisan pa. All of them wipe their sweat. Aldwin's friends greet me so I also greet them.
"Aldwin, here. Uminom ka ng water. Stay dehydrated." Gwen handed a bottled mineral water to Aldwin. Kinuha naman ito ni Aldwin at ininom.
Agad na umingay ang paligid dahil sa panunukso ni Ren kina Aldwin at Gwen. May kung anong kumirot sa puso ko nang pinunasan ni Gwen ang noo ni Aldwin. Akala mo naman ay may pawis pa sa noo nya. Ang galing nyang pumapel. Tinapunan nya ako ng tingin pero hindi nya man lang ako binabati. She was totally a b***h! Attitude!
"Aldwin, I'll get going now. Nakakaistorbo yata ako." I tried to sound normal so that he wouldn't knew that I am hurting.
Mabilis akong tumakbo palabas ng gate tutal ay uwian na rin naman. Pagkarating sa bahay ay bumuhos na agad ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa side table dahil tumunog ito. Nagulat ako nang makatanggap ng message galing kay Aldwin. He still have guts to flirt with me huh! Kanina nga lang ay sayang-saya sya na kasama si Gwen tapos ngayon ay nakikipag-chat sya sa'kin.
Inopen ko ang convo namin ni Aldwin. He sent me three message kaya bigla akong naexcite.
Aldwin unsent a message
Aldwin unsent a message
Aldwin unsent a message
My brow furrowed when I saw that he unsent a message many times. So ano, pinagtitripan nya lang ako?! Badtrip naman!!
To: Crush❤
Ano 'yung in-unsent mo?
From: Crush❤
bahala kang mag-isip dyan tagal mong mag-reply
Sarkastiko akong ngumanga sa hangin nang mabasa ang reply nya. So kasalanan ko pa ngayon? Porke't hindi ko sya nireplyan agad ay sinusungitan nya ako.
Paulit-ulit kong sinent ang 'oyy' sa kanya. Nasiseen nya naman ito pero hindi nya ako nirereplyan. Nakakainis naman!
To: Crush❤
Bakit di ka nirereplyan? Madami ka sigurong kachat -.-
Humiga na ako sa'king kama at pinunasan ko ang aking luha na lumandas sa pisngi ko. Nagpalit ako ng pantulog na damit at sinilip ko ang cellphone ko.
I smiled when I saw his name pop on my lock screen.
From: Crush❤
marami ka ba ha? Ha?
Kumunot ulit ang noo ko. Tatanungin ko pa sana sya kung ano ang ibig sabihin no'n pero nagchat ulit sya.
From: Crush❤
I ? U.
Matagal kong pinag-isipan kung ano na naman ang trip nya. May word na I tapos may thumbs-up tapos u? What does that mean? Hindi naman pwedeng I thumbs-up u! Hmmm... ano pa bang pwedeng meaning ng emoji na thumbs-up?
I think and think and think until the bulb inside my brain light-up.
"I like you?"
Napatakip ako ng aking bibig nang mapagtanto ang mensahe na kanina nya lamang ipinadala. OMG!!! HELL NO!! FREAKING HELL NO!!!
From: Crush❤
seen? walang reply?
Mabilis akong nagtipa ng mensahe para sa kanya. I'm happy, excited, fluttered and shock. I still can't believe it. Gusto ko pa rin i-confirm na gusto nya ako.
To: Crush❤
You like me? Totoo? Seryoso? Hindi ka nanjojoke? Hindi mo ako tini-trip?
Naseen nya agad ang message ko. Ang bilis naman. Mukha ngang ako lang ang ka-chat nya.
From: Crush❤
crush nga kita, tuktukan kita dyan e
Nagpagulong-gulong na ako sa'king kama dahil sa kilig. Nahulog pa nga ako pero deadma na lang. Nagpanic ako nang makita ko na tumatawag sya. Mabilis akong nagpulbo, nagsuklay at nagliptint.
[Ashley Janed Calayag, gusto kita at alam kong gusto mo rin ako. Kahit na ganoon, gusto ko pa ring humingi ng permiso sa magulang mo upang ligawan ka. Bago iyon, ikaw muna ang tatanungin ko... maaari bang manligaw?] nag-iiwas ng tingin na tanong nya. Kinagat ko ang aking labi dahil sa sobrang kilig. Damn!!
"Oo naman, yes!!!!!!" I answered energetically.
Ngumiti sya sa'kin habang inaayos ang buhok nya.
[Ok, then. Sabay tayong pumasok bukas. Hihintayin kita sa may gate sa school. After ng laro natin ay pupunta ako sa bahay nyo upang humingi ng permiso sa mga magulang mo. Goodnight Ash.] he threw a flying kiss to me so I smiled.
He ended a call kaya't nagtaklob ako ng aking kumot. I checked if my Ate was here. I smiled when I realized na wala pa sya rito. Inilabas ko ang kilig na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsigaw. God!! Sinong mag-aakala na ika-crushback ako ng crush ko?! Swerte ko talaga! This is one of my fantasy that is now turns into reality!
Kinuha ko ulit ang aking cellphone nang marinig ko ang pagtunog nito. Pinalitan nya ang nickname ko ng 'babe' kaya't pinalitan ko rin nickname nya.
From: Babe
pahinga ka na po?
Niyakap ko ang aking unan dahil sa sobrang kilig. f**k! This is so f*****g good to be true!!!
➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡
ツ