KAKATAPOS lang ng unang klase at kasama ko sina Kendra, Kiara, at Sophia sa palagi naming tinatambayan sa campus ground. Abala kami sa kaniya-kaniya naming ginagawa nang biglang may ipinakita sa amin si Kiara gamit ang kaniyang cellphone. Tadtad ito ng mga pictures namin kasama ang S4 kung saan ay nasa labas kami ng private resort nina Tristan. Pinagpiyestahan kami sa buong social media dahil sa post isang fan tungkol sa amin. Marami ang nagalit at meron din ang natuwa. Maraming mga angry at meron ding wow ang nag-react na hindi ko naman alam kung kanino nanggaling. Samo't saring komento ang inabot namin sa mga fans ng S4. At kaya pala marami ang nakatingin sa amin nang masama kanina dahil sa kumalat na picture namin. Loading comments… "Abusado na sila, ha!" "Sumusobra na ang pagdiki

