"WILL you be my date for today?" ang tanong niya at saka inilahad sa akin ang bulaklak na hawak niya. Tahimik. . . Hindi ako nakaimik habang kinukuha ang bulaklak na binigay niya sa akin. Marahan akong napangiti at nakaramdam ako ng kaunting kiliti habang tinatanggap ang bigay niya sa aking bulaklak. Tumingin lang siya habang hinihintay ang magiging sagot ko. Patuloy pa rin sa pagtingin ang mga tao sa paligid at nakapalibot pa rin ang mga ito sa amin. "Ano ang ibig sabihin nito?" ang tanong ko. Hindi siya sumagot at saka ngumiti lang. Dumapo ang tingin niya sa hawak nitong gift bag at agad niya itong binigay sa akin. "A-ano 'to?" ang pagtatakang tanong ko. "Mamaya mo na buksan. Sagutin mo muna 'yung tanong ko, will you be my date for today?" ang tanong niya. Hindi ako nakasagot. Pa

