"LUMABAS na raw ang grade natin ngayong first semester. Naka-display na sa tv screen ng every department. Tignan natin?" ang saad ni Sophia habang nakaupo kami sa isang sulok ng campus ground.
"Narinig niyo na ba ang balita? May 30 students na aalis dito sa university natin ngayong semester at may papalit rin na galing CGU (Craige Global University)?" ang tanong naman ni Kendra habang naglalakad kami.
"Iyon nga rin ang naririnig kong sabi ng iba, at balita ko ay bukas na raw sila lilipat," ang sagot ko naman.
"Sino-sino kaya ang mga aalis dito?" ang tanong ni Sophia.
Dumiretso muna kami sa department ni Sophia para unang tignan ang grade niya. Nakipagsiksikan kami sa mga estudyanteng nagkukumpulan hanggang sa nakita na rin namin ang grade niya.
Hindi na rin masama dahil nakatuntong siya sa top 10 bilang most outstanding student in Multimedia Arts Department.
Sumunod kami sa department ni Kendra at ayon nga, siya na naman ang naging top 1 sa Architecture Department. Masayang-masaya siya dahil na-sustain niya ang pagiging top sa kanilang department.
"Hay naku, nangunguna na naman ang nerd sa Architecture Department. Puro na lang aral ang inaatupag kaya tignan mo, ni hindi man lang niya maayos ang sarili niya," ang sambit ng nasa aming likuran kaya napalingon kami rito.
"Hoy, Lady, pinaparinggan mo ba 'tong kaibigan namin?" ang nakataas ang kilay na tanong ni Sophia.
"Sa susunod na uulitin mo pa 'yan ay ingungudngod ko talaga 'yang mukha mo sa pader para magasgasan ang plastic surgery mong mukha!" ang sumbat niya kay Lady.
"Anong sabi mo?! Plastic itong mukha ko?!" ang galit naman na tanong ni Lady.
"Oh, look. Sumagot-sagot na rin sa atin ang isa pang nerd dito sa campus. I'm so shock, huh?" ang sarkastikong sambit ni Bamby.
"At isa ka pa! Ang ganda ganda mo nga pero ang pangit naman ng pangalan mo! Bimby! Bimby Aquino! Anak ka ni Kris!" ang sagot ni Sophia dahilan para magtawanan ang mga tao sa paligid.
Nawala ang ngiti sa labi ni Bamby at mabilis niyang sinabunutan si Sophia. Nagkagulo ang mga tao dahil pati sina Queenery, Lady, at Flowers ay nakisali na rin para sabunutan kami.
Sinabunutan ni Lady si Kendra, si Flowers naman ay nakitulong kay Bamby para sabunutan ang mag-isang si Sophia. Hindi naman ako nagpalampas dahil sinabunutan din ako ni Queenery.
"Tama na! Arayyy!" ang sigaw ko na lang dahil hindi ko magawang labanan siya. Halos maalis ang anit ko dahil sa ginawa niya.
Kahit pinagtutulungan na nina Bamby at Flowers si Sophia ay hindi pa rin nila nagawang talunin siya dahil mas malakas ito kaysa sa dalawa. Sabunot, sampal, suntok, at sipa ang kaniyang pinaggagaawa dahilan para matumba ang mga ito.
Halos mawalan naman ng malay sila Bamby at Flowers habang nakahandusay ang mga ito sa sahig dahil sa matinding pananakit na ginawa sa kanila ni Sophia. Ang mga sexy nilang mga damit ay nasira na rin.
Tumayo si Sophia para tulungan si Kendra laban kay Lady na patuloy pa rin sa pagsabunot sa kaniya. Lumuluha na si Kendra dahil hindi rin niya magawang manlaban katulad ko habang pilit na inaalis ang kamay ni Lady sa kaniyang buhok. Agad na lumapit si Sophia sa kaniya at mabilis na sinuntok ang mukha ni Lady nang napakalakas dahilan para bumagsak din ito sa sahig.
Patuloy si Queenery sa pagsubunot at pagsampal sa akin samantalang ako ay pilit na inaalis ang kaniyang kamay sa aking buhok at sinasangga ang mga pananampal niya sa akin.
Agad namang lumapit sa aming kinalalagyan si Sophia at mabilis na sinipa ang bewang ni Queenery dahilan kaya bumagsak din siya sa sahig.
Napa-aray na lang si Queenery dahil sa matinding pananakit ng kaniyang balakang. Lahat sila ay nakatingin na sa amin ng masama.
May mga taong nakatingin lang sa kanila at wala ni isa ang nagkusang tulungan sila. Ang iba naman ay tinatawanan pa sila.
"Sa susunod na uulitin niyo pa 'yan ay hindi lang ganyan ang aabutin niyo!" ang bulyaw sa kanila ni Sophia.
Napahawak ako sa aking buhok dahil sa pananakit ng anit ko.
Umalis kami sa kanilang harapan at iniwan silang nakahandusay sa sahig para pumasok na sa aming room dahil tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang Microeconomics subject namin.
Makalipas ang isang oras ng pagtuturo sa amin ay natapos na rin ang aming klase.
Ngunit papasok na sana kami sa kaniya-kaniya pa naming kasunod schedule nang bigla kaming ipinatawag sa Office of the Prefect of Discipline dahil sa pangyayari.
"Malalagot ako nito kay kuya 'pag nalaman niya." Hawak-hawak pa rin ni Kendra ang kaniyang buhok.
"Wala ka namang maling ginawa, ah? Ako ang bahala sa 'yo. Ako na ang kakausap sa kuya mo para hindi ka niya pagalitan."
"Salamat, Sophia." Inayos niya ang kaniyang salamin.
"Wala 'yon. Dapat kasi, matuto na kayong lumaban sa susunod para hindi na nila ulitin sa inyo 'yon."
Nangangamba naman ako sa magiging reaksiyon mamaya ni Carlos. Alam kong magagalit na naman siya sa akin. Kalat na kalat na kasi sa buong campus ang nangyaring kaguluhan kanina.
Pagpasok namin sa opisina ay agad na bumungad sa amin ang nakaupong sina Flowers, Queenery, Lady, at Bamby sa upuan habang may mga pasa sa mukha.
Nakatitig sila sa amin nang masama. Sira-sira ang kanilang mga damit at may mga kaunting dumi pa rito.
Hindi talaga nila inayos ang sarili nila para masiguradong magmukha silang kawawang tignan sa Prefect Officer. Ang buhok nila ay hindi pa nila nasusuklay.
Umupo kami sa isang upuan sa harap ng desk ng officer at nagsimula na rin kaming kausapin nito tungkol sa nangyayari.
Wala naman kaming ginawa kundi ang sabihin kung ano talaga ang totoong nangyari. Medyo nagkatensiyon pa dahil iginigiit talaga nila Bamby na kami ang naunang nanakit at hindi sila.
"Sir, sila ang totoong may kasalanan sa amin dahil sila 'yong nanakit. Look at us, marami kaming pasa at sila wala. They're trying to fool you," ang pagsisinungaling ni Bamby.
"Anong kami? Kayo kaya 'yong naunang nanakit sa amin! Napakasinungaling mo talaga kahit kailan, Bamby!" ang pagtatanggol naman ni Sophia.
"Oh, tama na 'yan. Sabihin niyo na lang kung ano ang totoo at kung sino talaga ang nag-umpisa ng away dahil kung hindi ay mas malaking parusa ang ibibigay ko sa inyo," ang sabad naman ng disciple.
"Tignan mo nga ang itsura namin dahil kami ang napuruhan. At sila? Tignan mo, wala silang kahit na anong pasa sa katawan!" ang sagot nanaman ni Queenery.
"Miss Queenery Tinio, watch your mouth for atleast this moment. That's not the proper words to say. Be respectful and try to deliver it rightfully!" ang may kalakasang boses na sambit ng officer.
Habang nag-uusap kami bigla na lamang bumukas ang pintuan. Pumasok dito ang isang lalaki sa loob ng office. Lumapit ito sa officer at saka may ibinigay na isang tape.
"Ito na po 'yong nakuha naming clip mula sa mismong lugar kung saan nangyari ang pag-aaway," ang saad ng isang lalaki.
Kita sa mukha ng SLG ang pangangamba dahil mabubuking sila. Mabilis na kinuha ni Lady ang kaniyang cellphone at agad na ibinigay sa officer.
"Uhmm, excuse me, Sir. Meron din akong clip dito at mas malinaw pa 'to sa kuha nila d'yan sa walang kwentang CCTV na 'yan," ang mungkahi ni Lady habang natataranta pa.
"Hija, ang CCTV ng ating University ay 1080p HD resolution with highest sensor. Hindi lang sila basta basta bumibili rito ng mumurahing CCTV cameras. Kasing linaw nito ang camcorder na ginagamit sa mga film directing o sa paggawa ng mga pelikula kaya huwag mo dapat itong ikabahala because we are always looking for the best, not just in our country but also in our other international universities right there," ang nakangiting sagot ng lalaki sa kaniya.
Napanganga na lang si Lady at hindi na siya umimik pa dahil wala na silang masabi.
Tinignan kami nina Queenery nang masama na parang kakain na nila kami. Nakasimangot ang mga ito sa amin habang hinihintay na lang ang mga parusang naghihintay sa kanila.
Ipinansak ng officer in charge ang tape sa kaniyang laptop at dito ay nakita namin sa video clip kung paano talaga nangyari ang gulo at kung sino nga ba talaga ang totoong may kasalanan.
"Hindi ako makapaniwalang ang anak pa ng mga high tax payers dito sa ating bansa ay makakagawa ng ganitong mga bagay! It's too disappointing!" ang hindi makapaniwalang sambit ng PD disciple.
"Paano ninyo nagawa ito?! Sa halip na kayo ang dapat na maging role model sa institusyong ito ay kayo pa mismo itong nauuna! You disappointed us, SLG. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan nito sa ating unibersidad dahil sa ginawa ninyo!" ang galit na sigaw ng PD disciple sa SLG.
Dahil sa kanilang pagsinungaling ay pinatawan sila ng limang araw na parusang linisin ang buong campus ground.
Napaiyak na lang silang apat dahil kapag hindi raw nila iyon gagawin ay ipapatawag daw ng university ang kanilang magulang para isumbong sila sa mga ginawa nila.
Kahit sila pa 'yong napuruhan sa amin ay sila pa rin ang dapat na parurusahan dahil sila ang nag-umpisa ng gulo.
Kahit na gaano pa katindi ang ginawa sa kanila ni Sophia ay sila pa rin ang dapat na managot ayon na rin sa policy ng university kaya wala silang nagawa kundi ang sumang-ayon sa kondisyon na sinabi ng PD disciple.
Pagkalabas namin ng office ay kaagad bumungad sa amin ang S4 na naghihintay kina Queenery. Agad na lumapit sa kanila ang SLG at niyakap ang mga ito habang tumutulo ang mga luha dahil sa matinding bigat ng loob.
Ilang sandali pa ay napatingin sa akin si Carlos. Natikman ko na naman ang mga titig niyang masama sa akin. Lumapit ito sa akin habang nagtatangis ang mga ngipin nito.
Dinuro niya ang aking noo at binulungan ako. "Ano na naman ang ginawa mo, ha?" ang mahinang bulong niya.
Hindi ako sumagot. Yumuko na lang ako. Kahit naman na sasabihin ko pa 'yong totoong nangyari ay hindi pa rin siya maniniwala sa akin.
Napalabi na lamang ako at tiniis ang mga pagpapahiya niya sa akin. Marami ang taong nakapalibot sa amin para makipabalita.
"Tinatanong kita, ano na naman ang ginawa mo?!" ang pabulong ulit niyang sigaw at mas lalo pa nitong idiniin ang kaniyang hintuturo sa noo ko.
Agad ko naman itong inalis. "Wala akong ginagawang masama. Sila ang nauna at hindi kami. Maniwala ka naman sa akin kahit minsan, Carlos."
Hindi ko na napigilan ang sarili at agad na akong tumakbo palayo sa kaniya. Nagsimulang umagos ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko matiis ang mga pagpapahiya niya sa akin habang maraming tao ang mga nakakakita.
Tinawag at hinabol pa ako ni Carlos nguni't hindi ko na siya nilingon pa dahil sa matinding bigat ng loob ko.
Hinabol naman ako nina Kendra at Sophia hanggang sa makarating kami sa loob ng isang restroom para ayusin ang aming mga sarili.
Pagkatapos naming ayusin ang sarili namin ay agad na kaming lumabas upang bumalik sa mga sariling naming schedule.
Nakalimutan ko na magkakaklase pala kami ngayon ni Carlos dahil Business law subject na naman ang subject namin.
Pagpasok ko ng classroom namin ay wala pa akong Carlos na naaabutan. Kaunti pa lang ang mga estudyante. Umupo ako sa bandang likuran malapit sa may bintana para hindi niya ako mapansin mamaya.
Ilang minuto ang lumipas ay parami na kami nang parami na nasa loob. Isa na rito sina Jayson at Carlos. Umupo silang dalawa sa pagitan ng inuupuan ko.
Matalim na naman siyang nakatitig sa akin samatalang si Jayson naman ay nakangiti pa at binati ako. Hindi rin naman ako nagpatinag sa kaniya. Kung galit siya sa akin ay mas galit ako sa kaniya ngayon.
"Humanda ka sa 'kin mamaya. May kasalanan ka pa sa akin," ang narinig kong bulong ni Carlos habang nakaupo siya sa tabi ko.
Hindi naman ako sumagot. Iniwasan ko na lang siya at hindi rin pinansin.
"Hey, kumusta na ang term paper natin?" ang tanong sa akin ni Jayson habang nakangiti.
Ngumiti naman ako. "Malapit ko na siyang matapos. Kaunting edit na lang para maayos na," ang sagot ko.
"Mabuti naman. Malapit ko na ring matapos 'yong sa akin. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Ella," ang sagot niya sabay bigay sa akin ng isang gift bag sa akin.
Nagtaka naman ako. "Ano 'to?" ang tanong ko at saka tinanggap ang kaniyang binigay sa akin.
"Regalo sa akin 'yan ng isang fan kanina. Balita ko, pocket wifi ang laman niyan kaya sa 'yo ko na lang ibibigay. Imported 'yan galing US at hindi mo na kailangan pang pa-load-an dahil onetime payment ang pagkakabili niyan. Unlimited na ang internet pero may kamahalan nga lang ang pagkabili diyan kaya mahirap siyang bilhin."
"Sige na. Buksan mo na," ang excited na sabi niya.
Marahan kong binuksan ang gift bag na ibinigay niya sa akin at dito ay tumambad sa aking harapan ang kaparehong wifi na nakita ko sa loob ng kwarto ni Carlos noong isang beses na nilinisan ko ang kwarto niya.
Hugis bilog ito at kasing laki lang ng isang garapon. Puti ang kulay nito at hand friendly. May kabigatan nga lang ang loob pero okay lang.
"Salamat dito, Jayson. Sigurado akong magagamit ko ito dahil malaki na rin ang mga nagastos ko sa pagpa-load nitong cellphone ko. Malaking tulong na 'to." Nagpasalamat ako sa kaniya.
Dahil sa sobrang saya ko ay kaagad ko siyang niyakap. "Ibibigay ko sa iyo iyan nang libre pero sa isang kondisyon."
"Ano naman iyon?" ang tanong ko naman.
"Dahil magaling ka naman sa penmanship, tutulungan mo akong isulat ang letter na ginawa ko para sa monthsary namin ni Ella."
"Sige, deal ako d'yan. Basta para sa inyo," ang nakangiti kong sagot.
"Kailan ba 'yan para makapag-ready ako?" ang tanong ko.
"Sa susunod na apat araw na. Kailangan ko na ring maghanda habang maaga pa lang para hindi na niya ako makalimutan kahit na maghiwalay kami," ang sagot niya sabay tawa.
"Palabiro ka talaga. Pero malapit na pala. Saan na 'yong letter na isusulat ko?" ang tanong ko ulit.
"Nasa notes ko, nakalagay na sa cellphone ko. Ise-send ko na lang mamaya sa 'yo. Doon mo na lang tignan. Add na lang kita mamaya sa social media mo para makita mo na rin."
"Sige, sige."
"Ibigay mo na lang kaya ang number mo sa akin para matawagan kita? Baka kasi hindi kita ma-contact mamaya," ang patuloy niya.
Ibinigay niya sa akin ang kaniyang cellphone. Kinuha ko naman ito para i-type ang aking contact number. Habang nasa ganoong posisyon ako ay narinig ko ang mahinang pagmura ni Carlos.
Napatingin ako sa kaniya na akmang tatayo na sa kaniyang inuupuan. Hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone habang tinutungo ang pinto palabas ng room.
Bago pa ito nakalabas ay nilingon muna niya ako at matalim na niya akong tinitigan. Hindi na siya pumasok sa klase namin hanggang sa matapos ang professor namin sa pagturo.
Alas-sais ng gabi natapos ang aming klase. Agad na akong nagtungo sa lugar kung saan naka-park ang kotse ni Carlos nguni't wala na ito rito kaya napilitan na lang akong umuwing mag-isa.
Pagdating ko ng mansion ay nakita kong nakaabang na kaagad siya sa akin sa may gate. Nakatitig na ito nang masama sa akin, mas matindi pa sa mga titig niya sa akin kanina.
Habang naglalakad ako papasok sa loob ng mansion ay dala-dala ko naman ang regalong ibinigay sa akin ni Jayson.
Bago pa man ako makapasok dito ay kaagad na niya akong hinarangan ng kaniyang dibdib para hindi ako makapasok.