"ANONG klaseng kaluluwa ang dumapo sa 'yo at bakit ka pumunta doon, Kelcy? Alam mo ba na hindi ka pwedeng pumunta doon dahil delikado?! Paano kung may nangyari sa 'yo? You are just giving us damnation to disgrace! That f*cking nous of yours!" ang galit na bulyaw niya sa akin nang makalabas ako sa kaniyang kotse.
Galit na galit na siya parang gusto na na niya akong saktan. Halos bumalik lang ako sa senaryo kung saan ay binulyawan niya rin ang aming professor. Nanggagalaiti ito at numumula na rin ang kaniyang mukha dahil sa pagkainis.
FLASHBACK.
"YOU'RE late, Mr. Mondragon."
"Maaari ba naming malaman ang dahilan kung bakit ka late?" ang sarkastikong tanong nito kay Carlos.
Hindi naman pinansin ni Carlos ang professor at saka dumiretso pa ito papasok ng room at umupo sa isang upuan katabi ko sa may gawing likod.
Biglang nanlaki ang mata ng professor. "Hindi ko sinabing pumasok ka sa silid na ito, Carlos! And sitting on that chair has no even permission. What kind of behavior was that Mr. Mondragon?!" ang galit na bulyaw nito sa kaniya.
Ngunit imbes na sagutin ni Carlos ang sambit ng aming professor sa kaniya ay kinuha pa nito ang kaniyang cellphone. Ginamit pa niya ito habang sinisermunan siya ng aming proessor.
"Mr. Mondragon!" ang ulit ng guro.
Wala siyang sagot na nakuha sa kaniya. Ako naman ay nataranta at hindi ko alam ang gagawin ko. Tumikhim ako para mapansin ako niya nguni't hindi rin niya ako pinansin.
Tahimik...
"Mr. Mondragon! Ano na?!"
"Kayo talagang mga anak ng mayaman, oh."
"Ganyan ba ang ugali ng anak ng isang huge tax payer dito sa bansa?"
Pagkasabi no'n ng aming propesor ay bigla na lamang tumayo si Carlos sa kaniyang inuupuan at mabilis niyang tinignan ng masama ang aming professor.
Tahimik...
Lahat naman ay nabigla sa ginawa ni Carlos. "What's your problem, Crone?!" ang tanong niya.
"Gusto mo i-report na kita ngayon kay Mr. Alfonso para last day mo na ngayon? Alam mo ba na isang tawag ko lang sa kaniya eh kaya na kitang paalisin dito?!" ang galit bulyaw niya.
Nanlilisik ang mga mata ni Carlos na parang hindi ito natatakot sa aming propesor.
Lahat ng tao sa silid ay nagulat. Pati ang aming professor ay nabigla rin at napaatras dahil sa pagkabigla.
Marami na kasing guro rito ang nawalan ng trabaho dahil lang sa isang pagkakamali ng mga ito. Isang maling hakbang mo lang dito ay pwede ka na nilang patalsikin dahil saklaw iyon ng kanilang unibersidad na maibigay ang lahat ng tama sa kanilang mga estudyante. Samahan mo na rin ng napakamahal na matrikula na binabayad dito.
Hindi rin binibigyan ng permiso ang mga guro na magkamali ng turo dahil mahal nga ang bayad sa sweldo nila rito. Sampung beses na mas mataas ito kaysa sa pinakamataas na suweldo ng mga gurong nagtuturo sa public school.
"Ano pa ang kailangan mo?!" ang tanong ulit niya.
"Okay, I'll tell you this," ang paliwanag niya. "Late ako dahil galing kami ng S4 building at may inaasikaso kaming event na hindi na saklaw ng paaralan niyo. Happy now? Mamayang gabi sa bar ng mga Montenegro ay imbitado ang lahat ng mga magaganda at sexy para sa isang party at kaming mga mayamang gwapong lalaki lang ang pwedeng pumasok. Not the ugly woman like you!" ang pagyayabang pa niya sa buong klase sabay tawa.
Tahimik...
"What?! Ano pa ang tinitingin-tingin mo d'yan, Tanda?" ang mayabang na tanong niya sa aming professor.
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na sa ulirat ang aming professor. Kaagad niyang nginitian si Carlos. "Ah, hehehe. Nothing, Mr. Mondragon. You can get back and take that seat behind you again. I apologise," ang paghihingi niya ng tawad kay Carlos at saka humukod pa dahil sa takot na maisama rin siya sa mga gurong nawalan ng trabaho.
"Tsk." Wala naman sa ganang bumalik sa pagkakaupo si Carlos at padabog na inilagay ang kaniyang bag sa may upuan.
END OF FLASHBACK.
"Ano na?! Wala ka man lang bang sasabihin?!" ang tanong ulit niya.
Yumuko ako at napalabi. Nakakapanghinang isipin na nagagalit siya sa akin ngayon.
"Sorry," ang mahinang usal ko.
Kapag nasa ganitong senaryo ay kailangan ko pa ring mag-ingat sa pag sagot sa kaniya dahil ayaw na ayaw niyang sinasagot-sagot ko siya kahit sa katunayan ay tinatanong naman talaga niya ako. Wala na rin dapat akong maraming satsat pa.
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko pero hindi pa rin nawawala ang galit sa kaniyang mukha. "Sorry? Sorry lang ang isasagot mo sa akin?!"
Tahimik.
Tumingin siya ng matuwid sa akin. "Then tell me, bakit mo 'ko sinundan doon?" ang malumanay na tanong niya.
"Hah?!" kunwari'y hindi ko narinig ang tanong niya. Hindi naman niya dapat malaman na inutusan ako ni Ma'am Eden para bantayan at sundan ko siya sa mga kilos niya. Sigurado akong mas lalo lang siyang magagalit sa akin.
"I'm not repeating my words, Kelcy. Narinig mo na 'yon. Isang tanong, isang sagot lang. Kaya sagutin mo 'ko."
"Hindi ko kasi narinig, eh," ang sagot ko sabay kamot ng ulo ko.
Napahilamos siya ng mukha niya at sinabayan naman ito ng kaniyang malalim na buntong hininga. "Bakit mo nga 'ko sinundan?" ang inis na tanong ulit niya.
"Hind kaya kita sinundan," ang tanggi ko.
"Huwag ka na ngang magsinungaling."
Tumuwid ako ng tingin sa kaniya at napasinghot. "Sinundo kaya ako kanina ng kaibigan ni Jayson. Si Dave, at isa pa ay hindi kita sinundan dahil wala naman akong pake sa 'yo," ang sagot ko.
Nagtatangis na naman ang mga ngipin niya dahil sa sinabi ko. "Huwag mo na nga 'kong lokohin," ang giit niya.
"Nagsasabi ako ng totoo, Carlos," ang pilit ko habang nakipagtitigan nang mata sa mata sa kaniya.
"You're just hurting my feelings. Alam mo ba 'yun?" ang mahinang sagot niya.
"Nagsasabi naman talaga ako ng totoo at ano pa ba ang gusto mong sabihin ko para lang maniwala ka at matapos na 'to?" ang tanong ko.
"Ayaw mo pang umamin eh nakita ko na nga, eh," ang sagot ulit niya dahilan para magtaka ako.
"A-Ano ba ang ibig mong sabihin?" ang tanong ko dahil hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"I saw Cedrick's car following me with you. I thought he might just knowing where I was going kaya hinayaan ko siyang sundan ako. Hindi ko alam na nandoon ka rin pala para sundan ako. It just hurts... It hurts me. The people around me always used to deceiving me. Pati ba naman ikaw?" ang kaswal na sa sabi niya na parang nadismaya siya sa akin.
Tinalikuran niya ako at nag-umpisang maglakad para iwanan akong mag-isang nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinignan ko lang siya habang pumapalayo sa akin.
Ilang segundo pa lang ay nilingon ulit niya ako. "Answer my question, then. Bakit mo nga 'ko sinundan?" ang tanong ulit niya.
Wala na akong magawa kundi ang sabihin kung ano talaga ang nangyari. Naglabas ako ng malalim na buntong hininga bago tuluyang nagsalita.
"Inutos sa akin ng mommy at daddy mo na i-report sa kanila kung saan ka pupunta. Inutos naman nila sa akin na pagbabawalan ka raw naming lumabas ng bahay kapag walang klase. Sumusunod lang ako sa utos nila sa akin kaya huwag mo na sana akong pagalitan dahil sila ang may utos sa akin no'n kung bakit ko iyon nagawa," ang sagot ko.
Muling nagtangis ang mga ngipin niya dahil sa mga sinabi ko. Napahilamos siya ng kaniyang mukha.
"I've just told you, they are not your boss! Ako ang nagpapa-sweldo sa 'yo. Ako ang amo mo. I'm your master! Hindi sila!" ang sabi niya na parang batang nagtatampo.
"Isa lang akong kasambahay o kung alipin kung para sa iniisip mo, amo ko pa rin sila," ang sarkastikong sabi ko kaniya. "Kung hindi ko sila kayang sundin ay baka mapalayas pa nila ako dito sa mansiin kaya sana maiintindihan mo rin 'yon. At isa pa, trabaho ko 'to bilang katulong na sumunod sa utos ng mga amo nila," ang mangiyak-ngiyak na sambit ko.
"I said, I'm your boss! They are not your boss! Ako nga lang, eh! Ang kulit mo naman!" ang sagot niya.
"Kahit kailan talaga ay isip-bata ka," ang bulong ko sa sarili ko dahil sa isang simpleng sitwasyon ay hindi niya maintindihan.
"Pero mga magulang mo pa rin sila kaya amo ko na rin sila, Carlos. Hindi mo ba naiintindihan 'yun?"
"Ako ang nagpapasuweldo sayo, hindi sila! Mahirap din ba intindihin para sa 'yo 'yon? Ang tanga-tanga mo naman," ang matigas na salita niya.
"Eh, saan ba nanggaling iyang pera mo? 'Di ba galing din sa bulsa nila 'yan? Kung wala sila, hindi mo 'ko kayang suwelduhan ngayon," ang sagot ko.
"I said, I'm your boss! Only me, ako lang dahil ako lang ang nagpapa-suweldo sa 'yo at hindi sila!" ang matigas sa tonong pagkakasabi niya.
"Sige nga, saan mo naman kinukuha 'yang pera mo ngayon?" ang tanong ko. Ano ba ang trabaho niya eh palagi lang naman siyang lugmok sa kwarto niya o kaya ay magpasyal.
Napahilamos siya ng kaniyang mukha dahil sa pagkainis sa akin. "I have owned a branch of mall nina mommy na dito lang sa bansa. Alam kong alam mo na 'yan dati pa. Lahat ng mga ginagastos kong pera ngayon at pati na rin ang pinapasuweldo ko sa 'yo ngayon ay nanggagaling doon at hindi sa kanila," ang paliwanag niya.
"Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil hindi ko kayang tanggihan ang alok ng mommy mo. Nagpupumilit pa rin kasi siyang bigyan ako ng pera kahit nakailang tanggi na ako sa kaniya," ang sagot ko.
"At kinuha mo naman?" ang tanong niya na hindi ko naman nagustuhan.
"May sakit pa din si nanay, Carlos. Alam mo 'yan 'di ba? Kailangan kong magdoble kayod para lang wala ng problema sa pagpapagamot sa kaniya. Kung gustuhin ko lang na magtrabaho sa labas pagkatapos kong gawin ang mga trabaho ko dito eh matagal ko ng ginawa, pero hindi dahil palagi na lang ako kinukulang sa oras," ang sagot ko at nakipaglaban sa kaniyang mga titig sa akin.
Napaismid siya. "Sa susunod kung kailangan mo ng pera, lapitan mo ako. Huwag sila. Ang kulit mo, hindi ba sinabi ko na sa iyo 'yan dati?" ang sagot niya.
"Huwag kang mag alala, ibawas mo na lang sa sweldo ko 'tong binigay ng mommy mo. Wait, o kung gusto ibabalik ko na lang 'to sa 'yo ngayon?" ang sagot ko.
"Wala akong sinabing ibalik mo ang pera. I'll put money on your bank account tomorrow for Nanay Zy. Expect on it. Hindi ka kasi naniniwala sa akin. Palagi mo na lang ako tinatanggihan."
Tahimik.
Mayamaya ay siya na mismo ang tumalikod para iwan akong mag-isa na nakatayo rito. Bago pa man siya nakalayo sa akin ay narinig ko ang mahina niyang sinabi nang hindi ako nililingon.
"Matulog ka na nga," sabi niya.
Dito ay bumalik na ang ulirat ko. Agad naman akong nagtungo sa aking kuwarto sa may gawing likod ng mansion para matulog.
Sumampa ako sa aking makapal na kutson at saka nagtalukbong ng makapal kumot. Ilang sandali pa ang lumipas ay bigla na lamang ako napaluha at napa-hikbi.
Mabigat sa pakiramdam ang dibdib ko ngayon nang hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan. Hilong-hilo ako, gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.
Sinubukan kong kunin ang aking cellphone at ni-register ang kakadating na load na binigay ni Jenny sa akin. Agad kong tinawagan si Nanay para kumustahin siya.
"Oh, A-Anak... k-kumusta ka d'yan?*cough*" ang bungad sa akin ni nanay.
"'N-Nayyy?" ang sagot ko.
Hindi ko mapigilang mapahikbi habang nagsasalita. Halos ilang buwan na rin akong hindi nakakapagdalaw sa kaniya dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at mga projects na kailangan tapusin.
"T-Teka, u-umiiyak ka ba, Kelcy?*cough*" ang tanong sa akin ni nanay.
Pinilit kong inayos ang aking boses para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "H-Hindi po, s-sinisipon lang po ako kaya ganito ang boses ko." ang pagsisinungaling ko.
"Kumusta na po kayo d'yan? Iniinom niyo po ba ang mga gamot mo? Kumusta na po kayo ni Ninang Marites? May allowance pa ba kayo? M-Meron po akong bagong extra dito. Ibinigay sa akin ni Ma'am Eden. Ipapadala ko po diyan bukas agad-agad," ang sagot ko.
"Naku, huwag na anak. Ipunin mo na na lang iyang pera para may panggastos ka diyan para sa sarili mo. Meron pa naman kaming allowance dito dahil kakapadala lang din sa amin ni si Sir James ng pera noong isang araw kay Ninang Marites mo. Huwag kang mag-alala sa akin dito, ayos lang kami dito at gagaling ako," ang sagot niya bagama't halata namang nahihirapan na siya habang nagsasalita kaya tuluyan na akong napahagulgol at nawala sa sarili.
"Pagaling ka 'nay ah? Promise mo 'yan, kakayanin mo," ang sagot ko.
"U-Umiiyak ka ba? Bakit parang umuungol ka d'yan?" ang tanong niya.
"H-Hindi po, 'Nay. Sinisipon lang po 'ko. Ingat po kayo d'yan," ang sagot ko.
"Ikaw ang dapat na mag-ingat diyan, Anak. Ingatan mo ang sarili mo," ang tugon ni nanay.
"Ba-bye po," ang usad ko.
"Ba-bye, anak," ang sagot naman niya.
Agad kong pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Bumangon ako sa aking kama at saka lumabas ng aking silid para tumungo sa computer room para gumawa ng project naming reasearch paper.
Naabutan ko rito si Jenny na gumagamit ng computer habang nagso-social media.
"Oh, ikaw pala, Kelcy." Bahagya siyang napatitig sa aking mapulang mata. "Teka, umiiyak ka ba?" ang tanong niya sa akin.
"Hindi 'no, napuwing lang ako," ang pagsisinungaling ko.
"Weh, umiyak ka kaya. Napuwing lang tapos dalawang mata 'yong pula?" hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Alam mo na ngang umiyak, eh. Tinatanong mo pa," ang pagmamaktol ko.
Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Aba malay ko ba kung napuwing ka naman talaga. Diyan ka na nga, nagtatanong lang naman ako pero parang ako pa 'yong may kasalanan, hayst. Lasing ka ata." Natawa na lang ako.
Simula no'ng dumating ako dito sa mansion ay kay Jenny ko lang nagagawa ang pagiging masungit. Isa ito sa mga katangian ko bilang tao kapag komportable na ako sa isang tao. At iyan din ang paraan namin sa isa't isa ng pagiging pagkakaibigan namin.
Hindi pa naman malalim ang gabi kaya sinubukan ko munang alalahanin at pilit na binuksan ang dati kong account sa aking social media.
Nagbabasakali lang akong mabuksan ito ngunit ilang minuto ang lumipas ay, BOOM! Nabuksan ko rin sa wakas ang halos ilang buwan ko ng hindi nagagamit na account.
'You have 693 pending friend requests.'
"Marami pala akong friend requests," ang bulong ko sa aking sarili.
Sophia Lincoln
Kendra Gail Montefalco
Jenny Solly
Cedrick James Betayden
Marites Dela Cruz
More...
Napangiti ako sa aking huling nakita.
CARLOS MONDRAGON 9w ago
Ibig sabihin halos dalawang buwan na niya akong in-add? Ibig sabihin ay noong kakapasok ko pa lang dito sa mansion ay ini-stalk agad niya ako? No, hindi.
Paano naman niya gagawin iyon eh parang wala nga siyang pake sa akin dahil noong unang pasok ko pa lang dito sa kanila ay kaagad na niya akong sinungitan.
Siguro baka na-curious lang siya sa akin kaya niya 'to nagawa. Hindi pwedeng magkakagusto siya sa akin dahil kung tutuusin ay isa lang akong hamak na alipin para sa kaniya.
Hindi na dapat ako aasa pa. Siguro ay itutuon ko na lang ang sarili ko sa mga ibang bagay. Susubukan kong ituon ang sarili ko sa mga taong lumalapit sa akin, hindi sa mga taong pilit akong iniiwasan katulad niya.
Baka sakaling makahanap pa ako ng taong makakatanggap sa akin kahit ano pa man ang estado ko sa buhay.