"MALI-LATE na tayo. Bilisan na natin," ang himaton ni Carlos habang patuloy ako sa pagpa-pack ng mga gamit niyang pang-basketball dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang laban nila. Napatigagal naman ako at mas lalong binilisan ang mga kilos ko. Kung tinulungan niya na lang kasi ako kanina pa para mas mabilis 'to. Nauna na siyang lumabas at sumunod naman ako. Siya na ang nag-lock ng apartment namin samantalang sa likod naman niya ako. Nakita ko si Makie sa harap ng bahay nila at tanging boxer shorts lang ang suot nito. Nagkatinginan kaming dalawa. "Hi, Markie!" ang sigaw ko sa kaniya habang nakangiti dahil medyo malayo siya sa akin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Carlos. Hindi ko siya pinansin at saka mabilis akong tumakbo patungo sa kaniyang kotse. Ngumiti lang sa akin si Ma

