GABI na natapos ang event at bago 'yun ay pinarangalan muna sina Kiara at Tristan bilang Mr. & Ms. Campus. Sila kasi ang nanalo at ang buong department namin ay nagdidiwang ngayon. (Kung gusto niyong mabasa kung ano ang buong nangyari sa pageant nina Kiara at Tristan ay mababasa niyo ito sa ibang kwento (Be My Possession) kung saan ay sila mismo ang bida. Hindi pa ito published dahil nasa ikaapat na series pa sila.) Mag-isa akong umuwi patungo sa apartment samantalang si Carlos ay sumama pa sa mga kaibigan niya upang magdiwang. Iinom pa raw kasi ang mga ito para i-celebrate ang pagkapanalo nila. "Siguro naman ay wala na siyang ibang babae doon? Baka maulit na naman niya sa akin dati. Humanda talaga siya sa 'kin!" Hala, bakit ganiyan ang iniisip ko? Nababaliw na ba ako? Hayst, hindi ko

