NAGISING akong nasa loob na ako aking silid. Marahan akong napahawak sa aking ulo nang makaramdam ako ng bahagyang kirot, ngunit agad akong napalingon sa aking gilid nang maramdaman kong tila may taong nakatingin sa akin. At sa puntong iyon ay bigla akong napabangon nang makita kong nakatayo sa gilid ng kama si Amida habang mariin itong nakatitig sa akin. Tangka na sana akong tatayo nang agad naman ako nitong pinigilan. "'Wag kang mag-alala, Mrs. Galliguez, ako lang 'to." Saka ito bahagyang ngumisi na agad ko namang ikinailang. Napayuko ako kasabay nang marahang paglunok. Hindi ako tanga para makapante sa sinabi nito dahil alam kong tapat itong tauhan ni Sandino at hindi ito magsisinungaling upang mapagtakpan lamang ako. Hindi rin malabong nakarating na kay Sandino ang nangyari kanina s

