CHAPTER 58

1710 Words

KINABUKASAN nagising ako na mabigat ang aking pakiramdam. At alam kong dahil iyon sa aking pagbubuntis dahil ganitong-ganito ang aking naramdaman noon kay Santino. Ang kaibahan lamang ay may magulang akong umaalalay noon. Nag-aalaga at laging kasama, ngunit ngayon ay tanging sarili ko lamang ang aking sandalan. At aaminin kong hindi ko mapigilan ang makaramdam ng takot sa kung ano ang kahihinatnan ng lahat, lalo na't ganoon na lamang katindi at kalaki ang galit sa akin ni Sandino. Patunay ang mga ginawa nitong pananakit noon sa aking damdamin sa loob ng kulang apat na buwang pananatili ko rito. At lalong higit ang nangyari kagabi. Ang mga salitang ibinato nito sa akin. Mga salitang humusga at dumurog sa aking buong pagkatao. Hindi ko inasahan na darating ang araw na maririnig ko ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD