Maaga siyang umuwi nang araw na iyon dahil alam niyang darating ang daddy niya galing sa trip nito sa China. Buti na lang at hindi niya nakita alinman sa mag-ina nang pumasok siya ng bahay. Agad na nagkulong siya ng kwarto at nagbihis. Kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan para maglakwatsa pero hindi niya muna sinasagot ang mga tawag nila. Alam niyang kukulitin lang siya ng mga ito tungkol kay Blaire at sa kumakalat na issue sa kanilang dalawa dahil sa nangyari kanina. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nakahiga sa kama niya. Mahihinang katok sa pinto ang nagpagising sa kanya maya-maya. Agad na tiningnan niya ang oras at nakitang mag-aalas siyete na ng gabi. Bumalikwas agad siya ng bangon. Naisip niyang baka kanina pa dumating ang daddy niya. Inayos muna niya ang

