Hindi pa man siya nakakapasok nang tuluyan sa loob ng classroom ay agad nang tinukso na siya ng mga kaibigan. " You, ha? Ikaw uli ang laman ng campus news. Hay naku, we're so jealous of you na," maarteng sabi ni Cyrstal. " Totoo pala talaga iyong mga ipinagkakalat na rumors ni Scott. We are so intrigued na with this new boyfriend of yours," excited na sabi ni Liza. " Nasaan na ba siya? Hindi ba kayo sabay pumasok?" tanong naman ni Natasha. Natigilan pa siya saglit bago sumagot. " Girls, I'm going to tell you naman sana but it just slipped my mind," sagot na lang niya nang makaupo na nang tuluyan. Nagdududang tinitingnan pa siya ng tatlo. " Shauntel, your boyfriend is here!" biglang may sumilip sa room nila at isinigaw iyon. Sabay pa silang napalingon sa pinto. Nakita niya na umali

