KABANATA 28

1474 Words

Hindi na siya nakapasok sa huling subject. Dumiretso na siya ng uwi ng bahay habang suot ang dark glasses. Hindi pwedeng hindi niya puntahan sa kwarto ng mga ito ang daddy niya dahil tiyak magtataka na iyon. Hindi niya kasi napuntahan ito kagabi. Suot pa rin ang glasses niya nang pumasok siya sa kwarto. Kumatok muna siya nang marahan bago tumuloy. Buti na lang at wala ang madrasta niya. Si Nana Minda ang naabutan niyang nagliligpit ng pinagkainan ng ama. Tumingin agad sa kanya ang ama. Ngumiti ito sa kanya at nagtataka marahil ito kung bakit nakasalamin siya kahit nasa loob na ng bahay. Pagkatapos siyang batiin ay lumabas na rin ng kwarto ang yaya niya. "Hi, Dad! I'm sorry at hindi kita nakumusta kagabi. Nakatulog pala ako kaagad," pagsisinungaling niya at lumapit na sa kama nito. " It'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD