KABANATA 29

1283 Words

Pumunta siya ng talyer kinabukasan sa pag-aakalang andu'n lang si Blaire dahil wala nang pasok. Nakausap niya si Noy at sinabing mag-iisang linggo nang di pumapasok si Blaire. Tumawag lang daw ito sa amo nila at sinabing may inaasikaso lang. Agad na umalis siya at naisipang puntahan ito sa boarding house nito. Malapit nang mag- alas kwatro ng hapon nu'n. Iniwan na lang muna niya ang kotse sa talyer dahil hindi rin naman niya maipapasok iyon sa lugar nina Blaire. Sumakay siya ng trayikel papasok du'n. Halos kilala na rin niya ang mga drayber na pumapasada sa lugar nito dahil sa halos isang buwang pamamalagi niya kina Blaire. Hindi siya tumawag sa lalaki bago pumunta dahil hindi rin niya alam kung paano ito kakausapin sa phone. Gusto niyang makausap ito nang harapan. Dumiretso na siya sa lo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD