Dalawang linggo na siyang nagkukulong sa kwarto. Hinahatdan lang siya ng pagkain ni Nana Minda dahil halos ayaw na rin niyang kumain. Hindi rin naman niya nakakaligtaang puntahan ang ama sa kwarto nito. Kahit wala ito sa opisina ay para pa ring nagtatrabaho ito dahil laging andu'n si Mr. de Dios. Lagi ay pinapangaralan niya ang ama. Regular din ang punta ng doktor nito sa bahay nila. Ang madrasta niya naman ay halos hindi mahagilap sa bahay. Lagi itong umaalis ng bahay kasama si Wendy. Pinapaubaya nito ang pag-aalaga sa ama niya sa isang private nurse na kinuha niya para rito. Tinitingnan niya ang mga larawang kuha niya sa lalaki. Hindi niya binura ang mga iyon. Alam naman niyang kumikirot lang lagi ang puso niya kapag nakikita ang mga iyon pero hinayaan niya iyon sa phone niya. Kadalasan

