Malapit nang dumilim nang makauwi siya sa kanila. Agad na kinabahan siya nang makakita ng ambulansiyang palabas ng gate nila. Nasa labas din ng gate ng bahay nila ang lahat ng mga kasambahay, nangunguna sa mga iyon ang mangiyak-ngiyak na mukha ng Nana Minda niya. Agad na hininto niya ang kotse at malakas ang kabog ng dibdib na lumapit kay Nana Minda. Yumakap kaagad sa kanya ang matandang babae nang makita sya. No, No... No... Huwag naman sanang magkatotoo ang hinala niya. Inalis niya agad sa pagkakayakap sa kanya ang yaya niya dahil gusto niyang malaman kung sino ang sakay ng ambulansiya. " Nana, sino ang isinugod sa hospital?" parang manginginig pa yata ang boses niya nang itanong iyon. " Ang daddy mo biglang inatake sa puso," maikling sagot nito na umiiyak na. " H-ho? P-paano'ng?"

