Masinsinang kinausap siya ng abogado ng daddy niya. Pinapunta siya sa office nito nang araw na iyon. May mga ipinakita itong papeles sa kanya at nagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa mga negosyo nila. Hindi makapaniwalang napatitig lang siya sa mga pinakita nitong mga papeles. " H-hindi magagawa ng daddy ko iyan," sabi niya habang nasa may dibdib niya ang isang kamay. Umiling-iling pa siya bilang pagtanggi sa sinasabi ng abogado. " I also can't believe it myself but the evidences tell us something else," parang naaawang tinitingnan din siya ng abogado. Mas bata lang ito ng konti sa daddy niya at isa ito sa mga malalapit na kaibigan ng ama. " The clients who invested billions to your dad want to file a case against your dad. If we will base it dito sa mga ebidensyang meron sila, maku

