Hinihintay niya sa may kanto si Blaire. Doon sila nagkikita kapag hindi niya ito kaklase sa last subject. Hinahatid kasi siya muna nito sa boarding house nito bago ito tutuloy ng talyer pagkatapos ng klase. Nakatingin siya sa phone niya kaya't hindi niya namalayan ang paglapit ng isang tao sa kanya. " Bakit di mo dala ang kotse mo, Shaun? Balita ko ay hindi ka umuuwi ng bahay n'yo? Nagtanong din ako sa mga kaibigan mo pero hindi ka rin naman daw sa kanila tumutuloy. Doon ka na ba umuuwi sa mekaniko mo?" nang-uuyam ang boses nito. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Scott. My God! Hindi ba siya titigilan nito? Umikot pa ang mga mata niya habang naisip iyon. Hindi niya ito pinansin at ibinaling lang uli ang atensiyon sa hawak na phone. " Ano ba'ng nakita mo doon sa lalaking iyon?

