Nagtaka pa siya nang malapit nang mag-alas diyes ng gabi ay wala pa rin si Blaire. Ang pinaka-late nitong uwi galing talyer ay alas otso ng gabi. Tumawag ito bandang alas syete para sabihing kumain na siya dahil doon na ito kakain kasabay sina Jose at Noy. May tinatapos lang daw silang isang kotse at pagkatapos ay uuwi na rin. Hindi rin naman ito nagpaalam na gagabihin ito masyado kaya't sinubukan niyang tawagan ang phone nito. Nakailang tawag na siya pero walang sumasagot. Sinubukan niyang tawagan ang number sa talyer pero wala ding sumasagot. Bigla siyang kinabahan. Kanina pa siya palakad-lakad sa maliit na kwarto ni Blaire. Tinawagan niya uli ang number nito pero wala pa ring sagot. Lalabas na sana siya ng kwarto nang mapagbuksan niya si Noy na akay si Blaire. Nahintakutan siya nang

