Nang magising siya kinabukasan ay mukha ni Blaire ang namulatan niya. Nakaharap na pala siya rito at pareho silang nakayakap sa isa't-isa. Pinagmamasdan niya ang mukha nito habang natutulog. Gustong-gusto niyang haplusin iyon pero baka magising ito. Naroon pa rin ang mga pasa sa mukha nito. Nang maalala ang nangyari rito ay hindi na naman niya maiwasang makadama ng galit kay Scott. I won't let you get away this time, jerk! Galit na sabi ng utak niya para kay Scott. Inalis niya agad sa utak ang lalaki para hindi nito tuluyang masira ang araw niya. Maingat na inalis niya ang braso ni Blaire na nakayakap sa kanya pero gumalaw ito at hinapit pa siya lalo. Hindi muna siya kumilos at nang matiyak na mahimbing pa rin ang tulog nito ay sinubukan niya uling tanggalin ang braso nito. Nang sa waka

