Nang matapos ang klase nila ay inulan uli siya ng mga tanong ng mga kaibigan. Sinabi niya lang na hinarass siya ni Scott at nasuntok ito ni Blaire. Hindi na niya sinabi ang mga inamin ni Scott sa kanya tungkol sa pakikipagkutsaba nito kay Wendy. Hinintay siya ni Blaire sa labas ng room habang sinasagot ang mga tanong ng kaibigan pero mabilis na nagpaalam na siya. Buti na lang at mamaya pa ang next subject nila. Sinabi niyang ire-report niya muna ang ginawa ni Scott para makaalis. Nang makalabas ng room ay nakita niyang nakasandal si Blaire sa harap ng room at nakatingin sa pinto na parang hinintay talaga siyang lumabas. Lumapit siya rito. " Thanks again. Scott is really a jerk!" sabi na lang niya na parang walang anuman iyong nangyari kanina. " Kung hindi mo ako pinigilan kanina, eh,

