Nasa canteen sila ng mga kaibigan niya nang araw na iyon. Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa pagitan nila ni Wendy. Tatlong araw na rin itong di pumapasok ng school dahil sa buhok nito. Hindi na niya ito nakitang muli mula nang gupitin niya ang buhok nito. Ang sabi ni Nana Minda ay nagkukulong daw ito ng kwarto. Kapag nasasalubong naman niya ang madrasta ay ang talim ng mga tingin nito sa kanya. Tiningnan niya ang mga kalmot ni Wendy na tinatakpan niya ng concealer. Wala siyang pinagsabihan kahit isa sa mga kaibigan niya. Napapagod siyang pag-usapan ang isang bruhang katulad ni Wendy. " Yes, actually, bibilhin ko sa Sabado iyong bagong design ng bag na gusto ko. Saan ba tayo magkikita?" narinig niyang tanong ni Crystal. Agad na tumingin sa kanya ang mga ito.

