Nagpaalam sa kanya ang daddy niya na mawawala ito ng isang buwan o baka mahigit pa. May aasikasuhin lang daw ito tungkol sa negosyo nila sa States. Matagal nang naka-book ang flight nito para sa susunod na linggo pero ngayon lang ipinaalam sa kanya dahil hindi rin daw ito sigurado kung matutuloy iyon. Kaya't nang makumpirma na ay saka siya sinabihan. Nalulungkot siya sa tuwing umaalis ito lalo na if ganu'n katagal. Tinitigan niya ang mukha nito. Sa tingin niya ay lalong nangangayayat ang ama niya. Nakakapagod naman talaga ang ginagawa nito dahil ito lang ang nag-aasikaso ng mga negosyo nila. Alam niyang may kaliwang kamay ito na si Mr. de Dios pero hindi pa rin nu'n nababawasan ang mga inaasikaso ng daddy niya. Masaya naman siya nang malamang kasama nito sa byahe ang madrasta. Kahit ka

