3: Stella

2176 Words
SEAN . . "Goodbye class." "Goodbye and Thank you sir Sean!" sabay sabay na sabi ng mga estudyante ko. Naassign ako ngayon as Grade 6 Adviser ng isang section at kakatapos lang ng klase namin. "Sweepers for today don't forget to clean the room." paalala ko sa mga studyanteng na assign sa paglilinis ngayon, natira naman ang mga cleaners atsaka sila nagsimulang maglinis ng room. Maayos naman ang takbo ng klase ko. Medyo late na din kasi talaga ako since last three months ago pa nagstart ang klase. Nagretire na kasi iyong adviser ng section nato may sakit kasi daw at pinapahinto na ng mga anak sa pagtuturo. Kaya ako na pumalit. "Sir Sean?" napalingon ako sa pintuan ng may tumawag at agad nginitian si Miss Kaycee na isa ding guro sa grade 4. "Pasok ka Maam." sabi ko na ikinatango niya at pumasok na nga. Siya lang kaclose kong guro sa eskwelahang to, maliban kasi sa approachable siya ang hinhin at ang bait niya rin. "Uh ano, kinakamusta lang kita sir sa first day mo." nahihiya niyang sabi na ikinatawa ko ng mahina. Ang cute niya din talaga. "Maayos naman, ang bait din kasi ng mga bata. Nakikicooperate talaga sila at nakikinig." nakangiting sabi ko habang pinanuod ang mga batang naglilinis ng room. Kumaway pa iyong iba sa akin at ng mapatingin sila kay Miss Kaycee ay napapairap o di kaya ay nawawala iyong ngiti nila. May problema ba sila sakanya? "Mabuti naman sir at na enjoy ka dito. Uhm iyon lang talaga sadya ko sir, pauwi ka na ba? Sabay na tayo?" pag aaya niya, na ikinatingin ko sakanya. Hapon na kasi at uwian na wala din namang problema sa akin kung makisabay siya sa akin pauwi. "Sure no problem. Pero makakahintay ka ba? Papatapusin ko muna sila sa paglilinis bago ilock ang room." sabi ko na ikinangiti niya at tumango. "Oo ayos lang, kukunin ko din muna iyong gamit ko ha. Teka lang balik din ako." pagpaalam niya tsaka na umalis. Tumalikod naman ako at sinimulan na ring ayusin iyong mga gamit ko. Napalingon lang ulit ako sa mga studyante ko ng makitang patapos na sila sa paglilinis. "Sir tapos na po aalis na kami." pagpaalam din nila na ikinatango ko. "Sige mga bata, ingat kayo pauwi." "Opo sir, ikaw din po ingat ka din po sa mga plastic— este sa pag uwi mo po." sabi naman nung isa na mahinang ikinatawa nung kasama niya. Nagtaka naman ako kasi hindi ko narinig iyong sinabi niya na ikinatawa nila. Hindi na ako nakapagsalita pa kasi umalis narin sila agad. Sakto namang pag alis ng lahat tsaka din dumating si miss Kaycee. "Let's go?" tanong niya na ikinatango ko. Kinuha ko na iyong gamit ko tsaka sumunod sakanya palabas ng room. Nilock ko na ito bago kami dumiretso sa parking. "Wow, car mo to? Ang ganda naman." puri niya sa sasakyan ko at hinawakan pa ito. "Oo hehe, pasok ka na hatid na kita sainyo. Saan ka ba nakatira?" tanong ko sakanya bago pumasok sa driver's seat. Kita ko namang napanguso siya saglit bago nakangiting pumasok sa passenger seat. Pinaandar ko na ang sasakyan atsaka kami umalis. "Alam mo ba iyong Mufasa Condominium malapit dito sa Cogon?" tanong niya na ikinalingon ko. Dun siya nakatira? "Dun ka nanirahan?" gulat na tanong ko. Isa yun sa malaking condominium dito sa lugar namin. Dun din kasi nakatira si Flynn ngayon. "Hahaha nakakahiya man aminin pero oo dun ako nanirahan ngayon hehe. Pero wag mo sabihin sa iba ah ikaw lang may alam nito." nakakamot sa batok niyang sabi. Gara naman mayaman pala siya, hindi kasi masyadong halata siguro gusto niya lang talaga maging pribado buhay niya. "Oo naman maasahan mo ako sa ganyan. May kaibigan din kasi akong jan nakatira." sabi ko sakanya na ikinalingon niya. Para siyang nagulat at ngumiti din maya maya bago nagtanong. "Ano pangalan niya? Malay mo kilala ko haha." "Si Fl—" Peep peep Hindi ko natuloy ang nasabi ng bigla nalang may motor na nag overtake, napamura nalang ako ng mapahinto ako sa gulat. At napabuntong hininga na pinagpatuloy ng hindi na ang mga ito nakita pa. "Siraulo yun ah, mukha bang pang racing tong highway?" sabi ko dahil sa inis, tinapik niya naman ako sa braso tsaka niya ako hinawakan at ngumiti saakin ng matamis. "Ayos lang yan sir, chill ka lang. Malapit na rin naman tayo." pag aalo niya na ikinataka ko, medyo naging clingy yung paghawak niya sakin. Unti unti ko naman itong tinanggal atsaka siya nginitian, siniguro kong hindi siya maooffend para walang gulo. Maya maya lang ay nakarating din kami, nagpark naako sa paradahan ng sasakyan tsaka tinanggal ang seatbelt. "Oh nandito na pala tayo!" nakapalakpak niyang sabi na tsaka din tinanggal ang iyong seatbelt niya bago bumaba. Bumaba narin ako para ihatid siya kahit jan lang sa labas. "So ano sir mauuna na ako sayo ah." sabi niya at nagulat nalang ako ng hawakan niya pa ako sa kamay. "Uh ano Sean nalang, wala narin naman tayo sa school. Atsaka walang anuman." sabi ko bago tinanggal iyong pagkakahawak niya sa kamay ko. Ngumiti naman siya ng malaki. "Okay Sean. Same lang din sakin, tawagin mo narin akong Kaycee pag tayong dalawa nalang magkausap." malambing niyang sabi na ipinagtataka ko na talaga, nawala na iyong mahiyaing Kaycee na kaharap ko kanina. Naging malambing at clingy na ito. Nagulat pa ako ng unti unti itong lumapit at hahalikan pa sana ako sa pisngi kaso napatalon nalang kami sa gulat ng may bumusina ulit. Peep peep Paglingon namin ito iyong dalawang nag overtake na motor kanina. Nasisiguro kong ito iyon. Pumarada ang mga ito sa malayo at napakunot nalang ang noo ko ng makitang pamilyar iyong mga rider na iyon. Nakamotor bike sila pareho, di ko kasi maaninag kasi nasa side sila ng papalubog na araw, nakakasilaw. "Tsk, panira naman." rinig kong bulong ni Kaycee. Umatras naman ako at pilit na ngumiti sakanya. Gusto ko na kasi talagang umalis medyo hindi na ako komportable sa hawak ni Kaycee awit. "Uh ano Kaycee, aalis na ako. Kita nalang tayo sa school bukas hehe." sabi ko sakanya na agad naman niyang ikinasimangot. "Okay, salamat sa paghatid ah. Bukas ulit Sean." nakangiti niyang sabi at hahalikan sana ulit ako sa pisngi kaya lang napatigil siya nang may tumawag sakanya. "Kaycee!" boses ng babae. Kita ko kung paano siya nataranta at agad na tinulak ako ng mahina paalis ng lilingon sana ako sa pinanggalingan nito. "O sige Sean, uwi kana thank you sa paghatid. Bukas ulit bye!" pilit ang ngiti niyang sabi, hindi ko alam bakit siya nataranta ng ganon. Hindi ko nalang iyon pinansin, baka may rason din sya. Umalis na ako doon at nagmameho na pauwi. Pagkarating sa bahay kinuha ko na ang mga gamit ko at napatigil ng may naalala. Nasa akin pala iyong wallet ni Stella. Kinuha ko ito sa loob ng compartment bago lumabas. Idadaan ko nalang siguro ito sa bahay niya. Lumabas na ako sa sasakyan atsaka umuwi muna sa bahay para magbihis at para ilagay muna ang mga gamit bago dumaan sa bahay ni Stella. Nagdala narin ako ng pera kasi tinatamad ako magluto ngayon, may malapit din naman kasing 7/11 dito doon nalang siguro ako kakain ng hapunan. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako tsaka sinarado ang bahay, dumiretso na ako sa bahay ni Stella at agad nagdoorbell. Tatlong beses kong pinindot iyong doorbell pero hanggang ngayon hindi parin siya lumabas, hindi din ako sigurado kung nandito nga ba siya o baka tulog siya. Ng umabot na ako ng limang beses huminto na ako, balikan ko nalang siguro ito mamaya. Umalis nalang ako atsaka pumunta na sa 7/11. Bumili lang ako ng food meal, siopao at tubig tsaka doon na kumain. Alas 6 pa lang naman kaya pagkatapos kumain ay tumambay na muna ako doon at bumili narin ng junkfood. Mamaya na din ako gagawa ng lesson plan kaya chill muna. Ilang minuto pa lang ang nakalipas bago ko mapagdesisyunang umalis, papatayo palang sana ako nang bigla nalang may bumukas ng pinto pagtingin ko ay napangiti ako ng makitang si Stella ito. Nakacap, pants at t-shirt lang ito at mukhang kagagaling niya lang sa bahay niya. Siguro nga talaga tulog ito kanina doon. Agad kong itinaas ang kamay bago siya tinawag. "Miss!" sigaw ko dahilan para lumingon siya, napapeace sign ako sa mga lumingon dahil napalakas pala ang boses ko. Binalik ko rin ang tingin kay Stella at dali daling umalis sa kinauupuan nang makitang lalabas sana ito. Ano bang problema niya? Bat ba umiiwas siya sakin? Mabuti nalang at mabilis akong tumakbo naabutan ko din siya. Hinawakan ko siya sa pulso at nagulat nalang ako ng bigla niyang inikot ang kamay niya dahilan para mabitawan ko siya. "Ano bang kailangan mo?" masungit niyang sabi, itinaas ko naman ang dalawang kamay at pilit siyang pinapahinahon. "Teka lang, wala akong balak gumawa ng masama sayo. Nahulog mo kasi eto kanina gusto ko lang ibalik. Tinawag kita kanina kaya lang nagmamadali kang umalis kaya pinulot ko nalang. Wag kang mag alala wala akong kinuha jan." wala din namang makukuha jan. sabi ko at iniabot sakanya iyong wallet niya. Mabilis niya naman itong tinanggap atsaka tumalikod, ni hindi man lang nagpasalamat. Hays yaan ko nalang. Aalis na sana ako kaso napatigil nalang ako ng biglang may limang kalalakihan ang dumating, napaatras ako ng makaharap ko ang mga ito. Mukha silang basagulero at nakakatakot ang awra nila. Hindi rin sila nakatingin sa akin kundi kay.. Stella. "Hoy Este! Tangina mong babae ka mabuti naman at nagpakita kana. Tabi ka nga jan." sigaw nung nasa gitna nila tsaka ako tinulak patabi ng makitang nakaharang ako sa daan nila. Napangiwi naman ako at napakuyom nalang sa kamao dahil sa inis. Paglingon ko kay Stella nakatingin na din ito sa direksyon namin, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at nanatili lang itong blangko. "Lagi mo nalang akong tinatakasan, nasaan na iyong pambayad mo ha?" malakas at galit nitong sabi, hindi sana ako mangingialam pero napag ekis nalang ang kilay ko ng makitang kinwelyuhan si Stella nong lalaki. Siraulo to ah, nang aano ng babae. "Hoy! Ano ka ba naman pre, babae yang kaharap mo respeto naman. Wag kang manakit ng babae." sabi ko doon sa humawak sakanya at pilit itinanggal iyong kamay niya sa pagkakahawak kay Stella. "Wag kang mangialam dito bagong salta, umuwi ka nalang." singit ni Stella na ikinalingon ko sakanya. "Oo nga wag ka ngang makialam dito, sino ka ba ha? Kung ayaw mo umuwi at naghahanap ka din ng sakit sa katawan pwes pagbigyan kita. Boys hawakan nyo ito." sabi naman nong lalaki at inutusan iyong mga kasama niya na humawak sakin. "Hah akala nyo naman susunod ako. Sinong tangang iiwan ang isang babae sa mga lalaking gaya nyo." sabi ko at inihanda na ang sarili. Nagalit naman iyong lalaki na nakahawak kay Stella at susugurin na sana ako kaya lang napatigil nalang siya ng bigla siyang apakan ni Stella tsaka tinuhod iyong pribadong katawan niya dahilan para mapadaing siya sa sakit. Papasugod na sana iyong apat kaya lang napatigil nalang ang mga ito ng makitang may itinutok na baril si Stella. Pati ako nagulat at agad napaatras sa dala niya. Totoo ba yun? "Alis. Magbabayad ako next week, maghintay kayo." sabi niya dahilan para magsialisan iyong lima. Hindi ata nila kayang sumugod lugi sila balisong at tubo lang dala nila e walang silbi yan kapag inisang baril kalang ng kalaban mo. "Tsk weakshit." bulong ko at ng mapatingin kay Stella ay nanlaki nalang ang mata ko ng makitang nakatutok sa noo ko ang baril na hawak niya. "Teka anong ginawa ko? wag mo itutok sakin yan. Ayoko pa mamatay!" nataranta kong sabi at itinaas pa ang dalawang kamay. Hindi siya sumagot at kinabahan nalang ako ng makita iyong daliri niyang gumalaw. Napapikit nalang ako ng hilahin niya ang gantilyo. "Aray!" daing ko ng may maliit na orbeez ang tumama sa noo ko. Awit akala ko totoong baril! Naisahan niya kami ah lalo na yung mga lalaki kanina hahaha lakas. "You didn't remember me aren't you?" tanong niya na ipinagtataka ko. Hawak ang noo ko siyang tinignan at tinaasan ng isang kilay nagtatanong kung ano iyong tinanong niya. "Ha? Ikaw si Stella diba? Nakita ko sa card mo e." sabi ko sakanya. Lumapit naman siya at ibinaba iyong dala niyang laruang baril bago ako tinulak dahilan para mapasandal ako sa pader. "Tsk, nope not that one." "Eh ano? Ngayon lang kaya kita nakilala." sabi ko at kinakabahan ng lumapit pa siya lalo. "Good then." wika niya bago tumalikod. Humakbang pa siya ng dalawang beses at maya maya lang din ay lumingon ulit. Tinignan niya ako gamit ang malamig niyang tingin bago nagsalita. "And also.. stay.the.fuck.away.from.me." huli niyang sabi bago tuluyang naglakad paalis. Napakamot naman ako sa batok dahil sa sinabi niya at tinignan lamang ang pigura niyang unti unting nawala sa dilim. Ang sungit talaga, hindi ko din naman talaga siya lalapitan nagkataon lang na saakin ang wallet niya tsk. Mga babae nga naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD