SEAN
.
.
"Par!" natauhan ako sa pagkakatulala ng tawagin ako ni Flynn. Paglingon ko nasa labas siya ng bahay ko at nag aabang.
Nilingon ko muna iyong bahay ni Stella na ngayon ay kakapatay lang ng ilaw bago lumingon ulit kay Flynn.
"Uy, bat nandito ka? May sadya ka ba?" tanong ko sakanya. Ngumisi naman siya at nakakamot ang batok na nagsalita.
"Eh kasi par makitulog muna ako dito ulit kung ayos lang sayo." pagpapaalam niya na ikinatango ko.
"Oo naman, bakit anyare nanaman ba at nangibang bahay ka nanaman." tanong ko at binuksan na iyong pintuan ng bahay ko.
"Nandun kasi yung bagong lalaki ni mama, ayoko makita nahihighblood ako." sabi niya at sumunod sa akin nang mauna akong pumasok. Naupo siya agad sa sopa at inilagay iyong pagkaing dala niya.
"Kumain ka na ba? Di pa naman ako nagluto, don ako sa 7/11 kumain ngayon." sabi ko sakanya na ikinatango niya.
"Oo tapos na tol, nagdala lang ako nito para may makain din tayo pag gutumin." sabi niya at nawindang nalang ako ng makita ang isang kariton na may lamang mga beer in a can, chichirya, biskwit at soft drinks.
"Lilipat ka ba dito? Bakit andami niyan! Hindi yan kakasya sa mini ref ko bonak nito." sabi ko sakanya habang tinignan ang dala niya. Kumuha muna siya nong beer atsaka ito binuksan bago sumagot.
"Buong araw ako dito bukas dre, broken ako maglalasing ako dito dre." sabi nya na ikinangiwi ko.
"Tangina nito may bar naman kayo bat hindi ka dun magpakalasing." ngumisi lang ito atsaka hindi na ako sinagot, natawa nalang ako at hinayaan siya.
"Ayos ka lang ba jan sa sala?" tanong ko na ikinatango niya. Nakatingin lang siya sa cellphone nya kaya hindi ko na ito tinanong pa ulit. Nasa gilid na rin niya yung unan at kumot kaya ayos na ata sakanya.
Pumasok nalang ako sa kwarto at nag on ng lampshade. Inilabas ko narin iyong lesson plan ko at nagsimula na itong sinulatan.
Maya maya lang ay napahinto nalang ako ng maalala ang nangyari kanina.
"You didn't remember me aren't you?"
Nagkita na ba kami non? Wala akong naalala ah, ngayon ko ngalang sya nakilala. May saltik ata ang babaeng yun, inakala pang sinusundan ko siya babae talaga.
Napailing nalang ako tsaka tinapos ang ginagawa bago nahiga na para matulog.
Kinabukasan agad na akong nagbihis para pumasok sa trabaho, ng matapos ay lumabas na agad ako sa kwarto at tinignan kung buhay pa ba yung isa sa sala.
"Tamo nito, anong oras na kaya to natulog." bulong ko ng makita si Flynn sa sahig na natulog, humihilik pa ito at andaming lata ng beer nakakalat sa sahig.
Natatawang pinicturan ko nalang ito tsaka sinend sa gc namin aa messenger hahaha.
Dumiretso na ako sa kusina atsaka nagluto ng pang umagahan, pagkatapos magluto agad din akong kumain tsaka naghanda na para umalis.
Ng matapos agad kong nilapitan si Flynn tsaka ito mahinang sinipa sa paa.
"Hoy! Umaga na, alis na ako par. Ikaw na bahala sa bahay ko." sabi ko sakanya at pilit ginising, umungol lamang siya atsaka tumalikod.
Hindi ko na siya pinilit gisingin marunong din naman yan maglinis at mag lock kapag aalis.
Dumiretso na ako sa sasakyan ko at saka ito binuksan, papasok na sana ako kaya lang ay napahinto ako ulit ng makita si Stella na kakalabas lang ng bahay niya dala ang susi ng motor niya.
Napalingon siya sakin kaya agad akong nagkunwaring may ka text sa cellphone ko. Ng tignan ko siya ulit nakaalis na siya agad sakay ang motor niya.
Hanep ang bilis niya naman, saglit lang nawala paningin ko nakasakay agad siya sa motor niya kakaiba na talaga mga babae ngayon.
Pumasok na ako ng tuluyan sa sasakyan ko at agad na itong pinaandar tsaka dumiretso na sa skwelahan.
Pagkarating ko pa lang sa parking lot namataan ko na agad si Kaycee na nakatayo roon.
Ng makita niya ang sasakyan ko ay napatayo ito ng maayos atsaka ngumiti ng pagkalaki laki.
Ng makapark ng maayos ay bumaba na ako sa sasakyan, sinalubong naman ako ni Kaycee.
"Goodmorning Sean este Sir Sean." nakangiti nitong sabi, nginitian ko din ito pabalik.
"Goodmorning miss Kaycee, what are you doing here? May hinintay ka ba?" tanong ko sakanya. Nagulat nalang ako ng bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa braso ko.
"I wait on you sir Seannn." nakangiti nitong sabi, hindi ko alam kung tama ba yung pandinig ko o baka namali lang pero parang na mali ata grammar niya. Ayos lang yan normal lang naman magkamali.
Tumawa nalang ako ng mahina at dahan dahang tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa akin.
"Haha thank you, we should go to our respective rooms i guess. Malapit na oras ng klase." sabi ko na agad niya namang tinanguan tsaka inayos ang sarili. Naglakad na ako pauna sakanya dahil baka kakapit nanaman siya sa braso ko, mahirap na baka ma issue kami kaka simula ko pa naman magturo dito.
Ng makarating na ako sa classroom nagpaalam na ako kay Miss Kaycee bago pumasok.
Maingay ang mga bata pagdating ko, pero natahimik din sila ng pumasok na ako at nagbulungan saglit bago naupo ng maayos.
"Goodmorning class." sabi ko na ikinatayo nila.
"Goodmorning sir Sean!" sabay sabay nilang sabi na ikinangiti ko. Nagsimula na akong mag attendance kaya lang napahinto ako ng may isa sa mga studyante ko ang nagtanong.
"Sir Sean kayo na po ba ni miss Kaycee?" sabi ni Mellow na ikinatawa ko, mga bata talaga pati mga ganitong bagay nakiki usosyo.
"No Mellow, why do you ask?" sagot ko, kitang kita ko naman iyong iba na parang nabunutan ng tinik.
"Buti naman po, wag—hmapnsbsmwpwnzn." napatingin ako kay Rica ng nagsalita siya kaso di natuloy ng takpan nung katabi niya ang bibig niya.
Nagtataka ko silang tinignan ngunit umiling lang sila atsaka ako pinagpatuloy sa pag attendance. Hindi na sila nagtanong pa ulit kaya tuloy2 na rin iyong klase namin.
Ng matapos ang pang umagahang klase ay agad na akong lumabas ng classroom at pumunta sa faculty room.
Pagkarating doon ay iniwelcome ako ng ibang teachers, hindi kasi nila ako na welcome kahapon dahil medyo busy kasi due ng pagpasa ng mga grades kahapon.
Medyo nailang pa ako kasi kanina pa tutok ang tingin ni miss Kaycee sa akin, nginitian ko nalang ito ng pilit para hindi naman medyo awkward sakanya.
"Ayos ka lang dre?" napalingon ako kay Sir Carl ng tanongin nya ako non tsaka tumango at ngumiti.
"Pagpasensyahan mo na si Kaycee ganyan talaga yan sa mga gwapo at baguhan haha." sabi niya na ikinakamot ko sa ulo tsaka tumawa.
Nagtuloy tuloy lang ang kaunting kainan sa faculty room tsaka nung oras na para sa afternoon class nagsialisan din kami para magturo na.
Natapos ang buong araw na klase na maayos ang takbo, uwian na at kakatapos lang maglinis ng mga studyante ko.
Nilock ko narin ang pinto ng classroom atsaka naglakad na papunta sa security guard para ibigay iyong susi ng room namin.
Maya maya lang nabigla nalang ako ng may biglang kumapit sa braso ko.
"Hi sir Sean! Pasabay naman." sabi ni Kaycee na siyang kumapit sa akin, napipilitan akong tumawa atsaka tumango.
"Sure walang problema." sagot ko sakanya na ikinangiti niya ng malawak. Nawala na iyong soft niyang awra at boses, naging kalog na ito.
Kwento lang siya ng kwento habang papunta kami sa Parking lot.
Napabitaw lang siya ng makarating na kami sa sasakyan ko. Binuksan ko na ang pintuan sa drivers seat at nagtaka nalang ng makita siya sa labas ng passenger seat.
Binaba ko kaagad ang windshield atsaka binuksan ang pinto ng passenger seat.
"Tara?" tanong ko sakanya habang nakaupo parin sa drivers seat, kitang kita ko na napanguso siya kaya nagtaka ako.
May binulong pa siya kaya tinignan ko siya ng nagtataka. Ngumiti naman siya ng pagkalaki laki tsaka umiling.
"Same location ka pa rin ba magpapadrop?" tanong ko na ikinatango niya.
"Yesss, sa Mufasa Condo. Have you uh bisita don? " tanong nya na ikinasulyap ko sakanya. Tumango naman ako dahilan para mapalunok siya atsaka ngumiti parin ng malawak.
"Gaano kadalas?"
"Depende kapag may sadya ako don." sabi ko na ikinatango niya, natahimik siya saglit at maya maya lang ay napahawak sa kamay ko na ngayon ay nakahawak sa kambyo ng kotse.
"Stop me here Sean, naalala ko nga palang may bibilhin ako don sa SM na damit and make up." sabi niya ng makaraan kami malapit sa Sm mall. Pasimple kong tinanggal ang kamay ko sa kambyo para hawakan ang steering wheel, inihinto ko sa gilid ang sasakyan atsaka siya tinignan na ngayon ay parang nakasimangot ngunit ng makitang nakatingin ako sakanya ay ngumiti ulit siya ng pagkalaki laki.
"Dito nalang ako Sean thank you sa ride, see you tomorrow ha. Ay onga pala pwede magrequest?" sabi niya. Tumango naman ako atsaka siya hinintay ang request niya kuno.
"Pwede ba akong magpakuha sayo tomorrow? Its tagal kasi pag mag commute hirap mag tri—taxi napakabagal." sabi niya na ikinagulat ko, I mean ayos lang naman sakin pero.
"Ahahaha oo naman, walang problema. Sa condo mo pa rin ba?" tanong ko na ikinatango niya habang nakasmile.
"Sige2, no problem." sabi ko na ikinatuwa niya, nagpaalam na ako atsaka nagmaneho na pauwi.
Pagkarating sa bahay nagulat nalang ako ng makita si miss pretty neighbor sa labas ng bahay ko. Mukha itong galit na galit at sinisipa sipa ang pintuan ng bahay ko kaya agad akong tumakbo papunta doon para pigilan siya.
"Huy teka! Ano ka ba masira yang pinto ko, ano bang problema dito?" sabi ko at agad pinigilan siya sa braso, iniwaksi niya naman ang kamay ko atsaka ako sinamaan ng tingin.
"Waaahhh Seannn!!! Pigilan mo ang halimaw nayan!" rinig kong sigaw ni Flynn sa loob. Napangiwi naman ako, kaya pala.
"Ilabas mo yang kaibigan mo, bubutasan ko ang tiyan niyan." malamig niyang sabi na ikinalaki ng mata ko, itinaas ko kaagad ang dalawang kamay atsaka siya pinigilan.
"Wahhh! Tignan mo Sean!! Ipapolice mo yan Sean!" rinig kong sigaw ni Flynn sa loob.
"Teka, pwede pa naman madaan sa usapan to. Takte ka Flynn ano ba ginawa mo sa babaeng to?" sigaw ko kay Flynn.
"Hindi ko din alam! Bigla niya nalang akong sinugod." sagot niya, napalingon ako kay Stella at nagtatanong siyang tinignan. Matalim na tingin ang sinagot niya atsaka may tinuro, tinignan ko naman ito at agad napangiwi ng makitang may suka doon sa pintuan niya.
"Kami na maglilinis niyan, pasensya na. Tangek ka Flynn buksan mo ang pinto!" sabi ko at kinatok ang pintuan ng malakas. Bumukas naman ito kaya agad kong pinasok si Flynn at binatukan ito.
"Bat ka kasi nagsuka don!" sabi ko sakanya, napakamot naman siya sa batok at napalingon sa likod ko. Gulat siyang umatras atsaka napalunok na lumingon sakin.
"Bibigyan ko lang naman sana siya ng pizza kasi naparami binili ko, diko naman alam nagsuka na pala ako tapos bigla nalang nakatulog doon sa hagdan ng bahay niya. Bigla niya nalang akong sinipa pucha sakit ng paa ko pre, sinampal niya pa ako ang pula pula na ng mukha ko." bulong niyang sabi atsaka napatago ng sumilip siya sa pinto at nakitang nasa labas parin si Stella.
Natawa nalang ako sa kagaguhan niya atsaka siya tinapik sa braso.
"Wala tayong magagawa nyan, linisin mo daw don bilis! Dragon pa naman yan." pananakot ko, kinakabahan naman siyang sumunod sa akin at yumuko na kumuha ng panlinis bago umalis.
Napailing nalang ako tsaka nagbihis , pagkatapos ay sumunod din ako sa labas.
Takot na takot si Flynn habang inutos utusan ni Stella natatawa nalang ako habang pinapanood sila, napapahinto naman ako sa pagtawa kapag dumadapo sa paningin ko ang tingin ni Stella.
Kakaiba na talaga mga babae ngayon mas malakas at nakakasindak pa kesa sa lalaki.
"Tapos na?" tanong ko atsaka isinandal ang siko ko sa kawayan na nagsilbing gate ng bahay niya.
Napatalon nalang ako sa gulat ng may dalawang dart na matalim ang lumipad patusok sa kawayan na sinandalan ko.
"Hands off fucker, umalis na kayo. Y'all such a nuisance." malamig nitong sabi bago pumasok sa bahay niya tsaka padabog na sinarado ang pinto.
Natatawa ko namang hinarap si Flynn na parang naligo ng tubig dahil sa pawis.
"Puch pre, kapatid ba yun ng shota ni Vince? Bakit magkatulad na magkatulad? Napakasungit, ayoko na tumambay dito." sabi niya na ikinatawa ko.
"Ayan kasi hahaha." natatawa kong sabi, hindi na niya ako sinagot pa at naglakad na ng tuloy2 sa loob ng bahay.
Sumulyap ulit ako sa loob ng bahay ni Stella at napailing nalang ng bumukas ito at agad may itinapon sa paanan ko.
Pagtingin ko natawa nalang ako ng makitang tsinelas ko ito na may disenyong Ben10.
Nanlaki ang matang kinuha ko ito kaagad at tinignan si Stella na nakaismid.
Mukhang naiwan ata ito ni Flynn kanina.
"Childish." rinig kong wika niya, magsasalita pa sana ako para ipaglaban ang sarili kaso isinara niya na agad ang pinto dahilan para maiwan sa ere ang kamay ko.
Tsk napakamaldita niya talaga.