bc

Claimed on His Bed-SSPG

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
age gap
opposites attract
badboy
heir/heiress
bxg
bold
cheating
like
intro-logo
Blurb

She thought she was the one pulling the strings, but now that she’s trapped in his bed, will she escape his dark temptation—or submit to the man who owns her heart?

chap-preview
Free preview
Prologue
May mga araw talaga sa buhay natin na akala mo sobrang normal lang eh, ‘yung tipong gigising ka lang nang maaga, magtitimpla ng iced coffee, at mag-rerepaso ng mga legal cases para sa major exam. Simple lang, 'di ba? Little did I know, doon pala sa napaka-ordinaryong Biyernes na 'yon magsisimula ang lahat. As in lahat-lahat. Saktong alas-tres ng hapon nang matapos ang lecture namin sa corporate law. Umihip pa ang malamig na hangin mula sa dagat sa labas ng malaking bintana ng lecture hall ng San Lazaro Academy. Sobrang tahimik ng buong room habang nag-i-impake ang propesor namin. Ako naman, tahimik lang na nagliligpit ng mga gamit ko. Inilagay ko ang highlighters at notebooks ko sa bag. Bilang isang third-year student na hindi naman pinanganak na may gintong kutsara sa bibig—kasi, hello, simpleng logistics firm lang ang business ng pamilya ko, kailangan kong galingan. In a place like the Province of Antonio La Paz, kung wala kang dambuhalang apelyido, kailangan mong daanin sa talino. I mean hindi naman kami naghihirap, just enough okay? "Class dismissed!" sabi ng prof. Boom. Parang nawalan ng preno ang buong klase. Biglang nag-ingay ang lahat, nagtatawanan, at nagpaplano na kung saan ang gimik ngayong Biyernes. Habang itinataas ko ang zipper ng tote bag ko, may biglang humarang sa liwanag ng araw sa tabi ng desk ko. "Sol." Inangat ko ang tingin ko. At ayun na nga, nakatayo sa tapat ko si Julian Cole Severo Alterra. Perfectly gelled hair, dalawang nakabukas na buttons sa itaas ng polo shirt niya, and that signature arrogant-yet-charming smirk. 'Yung ngiti ng isang lalaking alam na alam na nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. "Yes, Julian?" tanong ko. Pinanatili ko lang 'yung maamo at malumanay kong boses. Yumuko siya nang kaunti at isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks niya. Amoy na amoy ko agad 'yung mamahaling cologne niya na may amoy ng citrus at woody tones. "Birthday ko ngayon, kung nakakalimutan mo," nakangiti niyang sabi, habang 'yung mga mata niya nakatitig sa akin. "Nag-set up si Dad ng party sa mansion namin sa City of San Lazaro. Inimbita ko ang buong block section. Siyempre, hindi pwedeng wala ka." Gano’n na lang ba ‘yun? Char. Honestly, ilang linggo na ring nagpaparamdam 'tong si Julian. Dadalhan ako ng kape sa library, nag-aalok ng hatid pauwi, at pa-simpleng nakatitig kapag nagre-recite ako. Alam ng buong campus na ginagawan niya ako ng paraan. At para sa karamihan ng mga babae rito sa academy, ang mapansin ng isang Alterra ay para ka na ring nanalo sa lotto. Julian was rich, handsome, at amoy perang tunay. Pero para sa akin? Si Julian ay tulay lang. Isang napakagandang tulay patungo sa mundong gusto kong pasukin. "Inimbita mo ang buong klase?" tanong ko, pilit na nagpapa-cute at nagpapakita ng kaunting hiya. "Oo. May cocktails, may DJ sa tabi ng pool, at magbubukas si Dad ng vintage wines," sabi niya sabay kindat. "Pero honestly, Sol... ginawa ko lang 'yung party para pumayag kang sumama sa akin. So, please? Sabay ka na sa akin?" Biglang nag-asaran ang mga kaklase namin sa paligid. "Sumama ka na, Sol! Minsan lang manlibre ang isang Alterra!" sigaw nung isa naming kaklaseng lalaki. "Oo nga, Sol! Balita ko parang kastilyo raw 'yung Villa Alterra!" hirit naman nung isa pang babae habang kinikilig. Pinagmasdan ko si Julian. Grabe 'yung kumpyansa ng mukha niya. Alam niyang hindi ko siya tatanggihan. At tama naman siya—hindi nga. Kasi why not? Hello. Wala rin naman akong gagawin "Sige, Julian," mahinang sagot ko sabay hawi ng buhok ko sa likod ng tainga. "Isasama ko lang 'yung bag ko." Tuwang-tuwa ang loko. “Yes! Sumabay ka na sa akin sa kotse. I'll drive." Grabe 'yung convoy papunta sa Villa Alterra. Parang luxury car motorcade lang sa Antonio La Paz! Habang nakasakay ako sa sports car ni Julian, nakatitig lang ako sa bintana. Unti-unting lumiliit 'yung tanawin ng City of San Lazaro habang umaakyat kami sa pribadong daan patungong burol. Purong malalaking puno, magagandang tanawin, at matataas na stone walls ang nakapaligid. Nang sa wakas ay bumukas 'yung napakalaking iron gates ng estate, napasinghap talaga ang lahat. Even me was surprised. I know he’s rich, but not filthy rich. Ang Villa Alterra ay hindi lang basta bahay. Beh, parang resort-s***h-palasyo! May malaking fountain sa gitna ng driveway, mansyon na gawa sa puting semento at glass windows, at ang ganda ng landscape. "Welcome to my humble home," biro ni Julian nang iparada niya ang kotse. Bumaba kami at sobrang presko ng hangin! Kasing presko niya. Agad na nagkaniya-kaniyang picture-taking ang mga kaklase namin. "OMG! Ang ganda rito!" "Parang wala tayo sa Pinas, pwe-pwede mag-shoot ng music video!" "Sana all may ganitong bahay!" Habang busy ang lahat sa pag-a-upload sa mimagram at Toktik, nanatili lang akong tahimik sa gilid. Pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng mansyon. Imperial levels. Power and control talaga. "Sol, halika sa loob," alok ni Julian sabay abot sa akin ng baso ng fruit cocktail. "Ipapakita ko sa 'yo 'yung main foyer." "Salamat," sabi ko sabay tanggap sa inumin. Pumasok kami sa grand entrance. Gosh, 'yung sahig, sobrang kintab na Italian marble! May dalawang malalaking hagdan pa sa gitna na papunta sa second floor. "Julian, nasaan 'yung parents mo?" tanong ng isa naming kaklase. "Nasa business trip si Dad sa Maynila," sagot ni Julian na tila walang pakialam. "Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nandito. Well... busy rin 'yon sa study niya sa taas, so ako lang talaga ang nandito para mag-host." "Kapatid?" tanong ng isa. "Yung panganay niyo? Si Jude?" Biglang napahinto ang puso ko sa pangalang 'yon. Jude Luca Severo Alterra. Kahit hindi pa siya ang tumatayo bilang CEO noon, napaka-maugong na ng pangalan niya sa buong Antonio La Paz. The eldest son. The prodigy. Balita sa campus na sobrang talino daw nito, nakakatakot ang aura, at halos hindi mo makikita sa mga social events. He was literally a legend. "Yeah, Jude," sagot ni Julian. Halata 'yung kaunting iritasyon at takot sa boses niya. "Nasa private library 'yon sa second floor. Huwag kayong masyadong maingay sa hall na 'yon, ayaw niyon ng nabulabog." "OMG! Nandito ang kuya mo?” bulong ng isang babae naming kaklase sabay labas ng compact powder para mag-retouch. "My God, nakikita ko lang siya sa mga business magazines! Sabi nila sobrang gwapo raw pero nakakatakot!" "True! Ang talino pa raw noon nung nag-aaral pa sa academy!" Habang nagwa-wild at nagchichismisan sila tungkol kay Jude, tahimik lang ako. Nakuha talaga 'yung kyuryosidad ko. Isang tao na kinatatakutan kahit ng sarili niyang kapatid? "Forget about him," putol ni Julian, halatang gustong sa kanya lang ang spotlight dahil birthday niya. "Nasa labas ang food! Let's go to the pool deck!" Nagtakbuhan ang lahat palabas kung saan nagpapatugtog na ang DJ. Ilang minuto rin akong nanatili sa pool area. Pinagmamasdan ko si Julian na nagbubukas ng champagne kasama ang barkada niya. Tumingin siya sa akin at kumaway, na para bang sinasabi na 'lapit ka rito, baby,’ as if hindi ko gets ang panlalandi niya. Binigyan ko lang siya ng simpleng ngiti at tango. Pero nung tumagal-tagal at lalong umingay ang party, medyo na-suffocate ako. Fast forward, dahan-dahan akong humakbang palayo at pumasok muli sa loob ng mansyon para humanap ng tahimik na lugar. Sobrang tahimik sa loob. Amoy expensive leather, fresh flowers, at lumang kahoy. Habang naglalakad ako malapit sa grand staircase, may narinig akong mahinang tunog mula sa ikalawang palapag—'yung mabilis na pagpindot sa keyboard, at 'yung tunog ng pagbaliktad ng pahina ng libro. Dinala ako ng paa ko. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Walang tunog ang bawat hakbang ko sa red carpet. Pagdating ko sa second floor, nakita ko ang isang malawak na hallway. At doon sa pinakadulo, may isang napakalaking double door na bahagyang nakabukas. Mula sa siwang ng pinto, nanggagaling ang amoy ng iced coffee, lumang papel, at isang napaka-bango, napaka-manly na pabango—a mix of dark amber, cedarwood, and clean linen. Lumapit ako. Sumilip ako sa maliit na siwang. At doon... shocks. Nakatayo sa tapat ng napakalaking bookshelf si Jude Luca Severo Alterra. My heart literally skipped a beat. Sobra. Sobrang. Gwapo. Matangkad siya, sobrang taas! Nakasuot siya ng simpleng white button-up shirt na nakatupi hanggang siko, hello sa muscular forearms! At nakapares sa tailored dark slacks. Walang suit jacket, walang kung ano-ano, pero 'yung tindig niya... panalong-panalo! And the main character energy? May suot siyang gold-framed eyeglasses! Girl, hindi siya mukhang nerd! Lalo lang nitong pinalabas 'yung matangos niyang ilong at 'yung napakatulis niyang jawline. He looked dangerously smart and so freaking handsome! Nakatayo lang siya roon, hawak ang isang makapal na legal document habang nagbabasa. Wala siyang ginagawang kahit ano, pero 'yung aura niya? Malamig. Dominante. Nakakalunod. Nabilaukan ako sa sarili kong hininga. Ito pala si Jude Luca. Kaya naman pala halos mabaliw ang mga kaklase namin sa ibaba kapag pinag-uusapan siya! Kung si Julian ay may kagwapuhan ng isang pabebe at mayaman na college boy, si Jude Luca naman... he looked like a goddamn CEO ready to conquer the world. Habang nakatitig ako sa kanya mula sa siwang ng pinto, naramdaman ko 'yung matinding kaba at kuryente sa buong katawan ko. Fast forward, crush agad? Hindi lang crush, eh. Parang na-hypnotize ako. At bigla... huminto siya sa pagbasa. Oh sheet. Hindi siya nagmadali. Dahan-dahan niyang ibinaba 'yung folder sa desk. Inabot ng mahahaba niyang daliri 'yung gilid ng eyeglasses niya para ayusin 'to. And then... dahan-dahan siyang tumingin. Directly at the door. Directly at me. Mula sa limang metrong distansya, sa pamamagitan ng maliit na siwang ng pinto... nagtagpo ang mga mata namin. Yung mga mata niya good ess! ! Dark hazel-amber! Sobrang linaw at talim sa likod ng glasses niya. Parang isang tingin lang niya, alam na niya agad ang lahat ng sikreto mo. Hindi ako makagalaw. Napako ang mga paa ko sa sahig! Nakatitig siya sa akin. Nakatitig ako sa kanya. Walang nagsasalita. Narinig ko lang 'yung mahinang bass ng music mula sa labas at 'yung dug-dug-dug ng puso ko na parang sasabog na. Bahagyang tumaas ang kaliwa niyang kilay sa likod ng specs niya—a tiny, subtle reaction na nagpapatunay na huli niya ako. "Sol?" Biglang sumulpot ang boses ni Julian sa dulo ng hallway! Agad akong napaatras! Mabilis kong inayos ang sarili ko at ibinalik ang aking poker face. Lumabas si Julian mula sa hagdan, may hawak na drink at halatang nagtataka. “Sol? Anong ginagawa mo rito sa taas? Hinahanap kita sa ibaba, magka-cut na tayo ng cake." "Ah, Julian," pilit kong pinalambot ang boses ko habang itinuturo ang hallway. "Humingi lang ako ng kaunting katahimikan. Medyo sumakit kasi ang ulo ko sa lakas ng music sa pool." Lumapit si Julian at inakbayan ako. "Ah, sorry. Medyo maingay nga sila. Halika na sa baba, gusto kong katabi kita kapag nag-toast sina Dad sa video call." "Sige," sagot ko. Pero bago ako tumalikod para bumaba kasama si Julian, hindi ko napigilang sumulyap muli sa dulo ng hallway. Nakatayo na roon si Jude Luca sa pinto. Inabot ng mahaba niyang daliri ang gilid ng frame. Mula sa malayo, sa likod ng kanyang glasses, nakatitig pa rin siya sa akin habang dahan-dahan niyang isinasara ang pinto. 'Yung tunog ng pagsara ng pinto na 'yon? Parang doon na-seal ang kapalaran ko. Habang hinihila ako ni Julian pababa ng hagdan patungo sa maingay niyang birthday party, wala na talaga akong pakialam sa kanya. Not at all. Ang buong isip ko, ang buong sistema ko, at ang mabilis kong t***k ng puso ay naiwan doon sa ikalawang palapag—sa lalaking naka-specs, at sa mga hazel-amber eyes na tumitig sa akin sa kauna-unahang pagkakataon. Those eyes, I won’t forget those eyes I swear.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed With Kuya Red

read
47.7K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.9K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.0K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
157.0K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook