Maagang naging abala ang buong campus ng San Lazaro Academy.
Araw ng aming pagtatapos—isa sa mga pinakamahalagang milestone sa buhay ko. Habang maingat kong inaayos ang aking itim na graduation gown at ang kulay gintong sash ng Summa c*m Laude sa tapat ng malaking salamin ng dressing room, hindi ko napigilang bumuntong-hininga nang malalim.
Sa nakalipas na iilang taon matapos ang 21st birthday celebration ni Julian sa Villa Alterra, marami ang nagbago. Natuto akong makipagbuno sa puyat, sa makakapal na kaso para sa business law at logistics management, at sa pagpapanatili ng aking magandang grado.
Pero bukod doon, sa nakalipas din na tatlong taon na 'yon... never ko nang muling nakita si Jude Luca.
Pagkatapos ng maikling pagtatagpo ng mga mata namin sa harap ng private library noon, parang naging isang panaginip na lang ang lahat. Naging busy si Jude sa paghawak ng mga kumpanya ng pamilya nila sa iba't ibang bansa at tuluyan nang naging mailap sa publiko.
Dahil doon, dahan-dahan kong itinabi ang lihim na paghanga na 'yon sa pinakamalalim na sulok ng puso ko. I mean, may delicadeza naman ako. Alam ko ang lugar ko. Julian was my boyfriend. At kahit pa sabihing medyo playboy, mayabang, at sakit sa ulo si Julian minsan, nagkagusto at nagkaroon din naman ako ng totoong feelings para sa kanya. Inalagaan niya ako at naging invested din ako sa relasyon namin. Julian was there, while Jude was just a distant, unreachable star.
"Sol! Baby!"
Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng dressing room. Pumasok si Julian na nakasuot ng isang napaka-sleek na dark blue suit. May bitbit siyang napakalaking bouquet ng mga sariwang white roses at baby’s breath.
"Julian," nakangiti kong bati sa kanya.
Patakbo siyang lumapit sa akin at agad akong nirespeto ng isang mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko habang humahalakhak.
"I’m so, so proud of you, baby!" bulalas niya nang humiwalay siya nang kaunti para titigan ang mukha ko. 'Yung mga mata niya, sobrang liwanag at puno ng tapat na pagmamagaling para sa akin.
“Summa c*m Laude! Sabi ko na nga ba, ikaw ang pinakamatalino at pinakamagandang graduate ng San Lazaro Academy ngayong taon!"
Bahagya akong natawa sa sobrang energetic niya. "Salamat, Julian. Salamat din sa pagpunta mo nang maaga."
"Of course! Mawawala ba naman ako sa pinakamahalagang araw ng girlfriend ko?" sabi niya sabay abot ng bulaklak sa akin. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa.
“Look, I even booked the entire roofdeck restaurant sa Grand Imperial Hotel para sa dinner natin kasama ang parents mo at pamilya ko mamaya. Blowout ko para sa 'yo!"
Tumingin ako sa kanya, at sa sandaling 'yon, nakaramdam ako ng matinding lambing. Kahit gaano kaloko si Julian kapag kasama ang mga tropa niya sa yacht club, kapag kami lang dalawa, ipinaparamdam niya talaga na mahalaga ako sa kanya.
"Napakagastos mo talaga," malumanay kong puna sabay ayos ng collar ng suit niya. "Pero salamat. Appreciated ko 'to nang sobra."
“Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Sol," seryosong sabi ni Julian, sabay halik sa noo ko. "You deserve the world."
Naging napakaganda ng seremonya ng graduation. Nang tawagin ang pangalan ko para umakyat sa entablado bilang Summa c*m Laude, narinig ko ang malakas na hiwayan ng mga magulang ko mula sa gilid—at ang mas malakas pa na sigaw ni Julian na tila ba siya ang nanalong mayor ng San Lazaro.
Nang matapos ang graduation march, nagkumpulan ang lahat sa malawak na quadrangle ng academy para sa mga litrato. Inakbayan ako ni Julian habang kasama namin ang mga magulang ko na sobrang proud din sa akin.
"Picture muna kayo ni Sol, Julian!" sigaw ng mommy ko habang hawak ang camera.
Pumwesto si Julian sa tabi ko. Inilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at pilit na idinikit ang pisngi niya sa akin. "Smile, girlfriend ko!"
Natawa ako at ngumiti nang malapad sa camera.
Subalit sa gitna ng ingay, tawanan, at pag-uulan ng mga confetti sa buong quadrangle, biglang nagbago ang pakiramdam ng paligid.
Parang may malamig na simoy ng hangin na biglang dumaan sa gitna ng mainit na hapon. Ang mga taong malapit sa malaking entrada ng academy ay dahan-dahang napatigil sa pakikipagkwentuhan, at ang mga tingin ng ilan sa mga bisita at magulang ay lumipat sa dalawang itim na SUV na katitigil lang sa tabi ng red carpet.
Naramdaman ko ang mabilis na paghinto ng t***k ng puso ko.
"Wait... is that...?" bulong ng isa kong kaklaseng nakatayo sa di-kalayuan.
Bumukas ang pinto ng unahang sasakyan, at mula roon ay bumaba ang dalawang bodyguards na mabilis na nagbukas ng pinto sa likod.
Mula sa loob ng kotse, dahan-dahang bumaba ang isang lalaki.
Ang buong quadrangle ay parang nawalan ng boses.
Matangkad. Dominante. May suot na tailored charcoal gray suit na perpektong umaagapay sa malapad niyang balikat. Ang kanyang maitim na buhok ay neatly styled pabalik, at ang kanyang matangos na ilong at matalas na jawline ay nangingibabaw sa ilalim ng liwanag ng araw.
Wala na ang eyeglasses na suot niya noong huli ko siyang nakita tatlong taon na ang nakararaan. Ang kanyang mga mata, ang natatanging dark hazel-amber eyes ay nakatingin sa paligid nang may malamig at pormal na paggalang.
Jude Luca Severo Alterra.
"Kuya?” gulat na usal ni Julian sa tabi ko.
Napalingon ako kay Julian. Kahit siya, halatang sobrang nagulat sa pagdating ng nakakatandang kapatid. Bitaw ang hawak niya sa baywang ko habang napapakurap ang mga mata niya.
"Anong ginagawa niya rito?" bulong ni Julian sa sarili niya. "Akala ko nasa Singapore siya para sa refinery project?"
Dahan-dahang naglakad si Jude Luca patungo sa aming kinaroroonan. Ang bawat hakbang niya ay may kasamang kakaibang bigat na nagpapatabi sa mga taong nadadaanan niya. Ang mga estudyante, babae man o lalaki ay nakatitig sa kanya nang may matinding paghanga at takot. He wasn't just a guest; he was the most powerful bachelor in the Province of Antonio La Paz.
Habang naglalakad siya lapit sa amin, ang puso ko sa loob ng aking dibdib ay nagwala nang matindi. 'Yung lumang kuryente na inakala kong baon na sa nakaraan... biglang sumabog muli sa buong sistema ko.
Pero pilit kong itinayo nang maayos ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at pinanatili ang isang maayos, magalang, at neutral na reaksyon sa aking mukha. I was Julian’s girlfriend now. I had my dignity and self-respect.
Huminto si Jude Luca sa mismong tapat naming dalawa ni Julian. Ang amoy ng kanyang pabango, malamig na cedarwood at dark amber ay agad na dumaan sa hangin.
"Kuya Jude!" bati ni Julian, pilit na ibinabalik ang kumpyansa sa boses. "I thought you couldn't make it to my graduation convoy?"
"I landed thirty minutes ago," sagot ni Jude. Ang kanyang baritone voice ay mababa at malalim. "Father asked me to represent the family since he’s still in Manila."
Tumingin muna si Jude sa kapatid niya at tinapik nang mahina ang balikat nito.
"Congratulations on graduating, Julian."
"Thanks, Kuya Jude," nakangiting sagot ni Julian, halatang napakasarap sa pakiramdam na purihin ng nakakatandang kapatid.
At pagkatapos noon... dahan-dahang lumipat ang mga malalamig na mata ni Jude sa akin.
Naramdaman ko ang matinding kaba, pero ibinigay ko sa kanya ang isang maayos at magalang na ngiti, ang ngiti ng isang matinong girlfriend ng kapatid niya.
Inangat niya ang kanyang tingin patungo sa sash na nakasabit sa dibdib ko.
"Avenly Soleil Meadows," mahinang sabi ni Jude. Ang marinig muli ang pangalan ko mula sa labi niya matapos ang tatlong taon ay nagpataas ng balahibo sa mga bisig ko. "Summa c*m Laude."
"Good afternoon, Mr. Alterra," malumanay at pormal kong bati. "Thank you for coming."
Isang napakaliit at halos hindi mapansing paggalaw ng kanyang mga labi ang lumabas isang pormal na pagtango ng pagkilala.
"It seems my brother found someone who brings real honor to the name he carries," sabi ni Jude, habang nakatitig sa mga mata ko. "Congratulations, Miss Meadows. Your academic achievement is impressive."
"Thank you, Mr. Alterra," sagot ko habang nananatiling steady ang boses ko. "I did my best."
"Naku, Kuya! Sobrang talino talaga ni Sol!" singit ni Julian sabay akbay muli sa akin nang mahigpit, na para bang ipinagmamalaki ang isang medalya. "I'm planning to give her a position in our logistics division if she wants, or she can run her family's firm."
"Let her decide her own path, Julian," mahinang paalala ni Jude habang hindi pa rin inalis ang tingin sa akin. "A mind like hers shouldn't be boxed into your plans."
Napatigil si Julian sa sinabi ng kapatid niya, pero pilit siyang tumawa. "Of course, of course! Suportado ko naman siya kahit ano'ng piliin niya."
Inabot ni Jude ang kanyang kamay sa akin para sa isang pormal na handshake.
"Congratulations muli, Sol."
Tumingin ako sa inabot niyang kamay. Dahan-dahan kong inabot ang akin.
Nang maglapat ang balat ng aming mga kamay, naramdaman ko ang lamig at matinding kuryente na gumapang sa buong braso ko. Napakahigpit at napakapormal ng hawak niya, pero sapat na iyon para maging mabilis ang t***k ng puso ko sa loob ng aking dibdib.
"Salamat po, Mr. Alterra," mahinang sabi ko.
Binitiwan niya ang kamay ko matapos ang dalawang segundo. Tumalikod siya patungo sa kanyang sasakyan dahil may mahalaga pa siyang pupuntahang business meeting, ngunit bago siya tuluyang pumasok sa loob, sumulyap siyang muli sa akin.
Naiwan kami ni Julian sa quadrangle.
Inakbayan ako nang mas mahigpit ni Julian habang pinagmamasdan namin ang pag-alis ng sasakyan ni Jude.
"Grabe, pangarap ko talagang maging katulad ni Jude balang araw," bulong ni Julian habang nakatitig sa lumalayong kotse. "Sana maging proud din sa akin si Dad balang araw na tulad ng pagiging proud niya kay kuya."
Tumingin ako kay Julian. Nakita ko ang katapatan at kagustuhan niyang maging mabuting tao sa mga mata niya. Hinalikan ko siya sa pisngi para iparamdam sa kanya na nandito ako para sa kanya.
"Magiging proud din siya sa 'yo, Julian. Step by step," malambot kong sabi.
"I love you, Sol," bulong ni Julian sabay halik sa buhok ko.
"I... I care about you too, Julian," sagot ko.
Pero habang nakatayo ako doon sa gitna ng init ng araw, hawak ang mga bulaklak ni Julian at kasama ang mga magulang ko, hindi ko maitataggi ang kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ng puso ko.
Kahit gaano ko subukang maging tapat at maayos na girlfriend kay Julian... ang panandaliang paghawak sa kamay ni Jude Luca at ang tingin ng kanyang mga hazel-amber eyes ngayong hapon ay sapat na para gisingin ang isang lihim na damdamin na matagal ko nang pinipilit na ibaon. I’m such a traitor.