Chapter 2

1790 Words
Akala ko matapos ang graduation, makakapanood man lang ako ng dalawang season ng paborito kong series, makakatulog nang walong oras, o kaya'y makakapag-bakasyon nang kahit isang linggo lang sa Boracay. Pero scam pala. Binigyan lang ako ni Papa at Mama ng dalawang buwang pahinga matapos ang graduation. Pagpasok na pagpasok ng ikatlong buwan, halos hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa bahay, pormal na nilang inilipat sa akin ang buong pamamahala ng Operations and Client Relations Department ng aming pamilyang Logistics Firm, ang Meadows Freight & Supply Chain Services. "Sol, anak, ikaw lang ang nakikita naming makakagawang ayusin 'tong sistema natin," sabay tapik ni Papa sa balikat ko nung unang araw ko sa opisina. "Galingan mo, Summa c*m Laude natin." At doon na nga nagsimula ang impyerno. As in, literal na impyerno! Sobrang na-shock ako sa tambak ng trabaho. Akala ko mahirap na 'yung nag-aaral ng mga kaso sa San Lazaro Academy, pero mas nakakaloka pala kapag totoong pera, totoong tao, at totoong shipment delays na ang hinaharap mo araw-araw! "Ma'am Sol, tinatawag po kayo ng Port Authority, ayaw daw lumusot nung tatlong container van mula sa China!" "Ma'am, nagre-reklamo 'yung major client natin sa Customs Brokerage, mali raw 'yung declaration form!" "Ma'am Sol, signature niyo po sa release papers ng Region 11 deliveries!" "Sandali lang! Magsunod-sunod naman kayo!" sigaw ko sabay hilot sa sintido ko. Sobrang drained ako. Dumating sa punto na ang pang-araw-araw kong diet ay tatlong baso ng cold brew, dalawang piraso ng donuts, at matinding stress. Pag-uwi ko sa gabi, bagsak agad ako sa kama nang hindi man lang nakakapag-wash up o nakakapagpalit ng damit. Dahil sa sobrang busy ko, halos mawalan na ako ng oras para sa sarili ko at siyempre, para kay Julian. Isang Biyernes ng gabi, mga alas-diyes na nang makalabas ako sa opisina. Dumidilim na ang paningin ko sa pagod habang naglalakad patungo sa parking lot. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Julian Calling... Bumuntong-hininga muna ako nang malalim para iayos ang boses ko bago sinagot ang tawag. “Hello, Julian?" "Baby! Finally, sinagot mo rin!" frustrated na boses ni Julian mula sa kabilang linya. Naririnig ko ang malakas na tugtog at tawanan ng mga tao sa background niya. “Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa rooftop bar sa BGC with the squad! Sabi mo kasunod ka na pagkatapos ng 5 PM meeting mo?" Napapikit ako sa matinding guilt at pagod. 5 PM meeting? Diyos ko, gabi na at ngayon lang natapos ang emergency meeting namin sa board! "Julian... I’m so, so sorry," mahina kong sabi habang sumasandal sa pinto ng sasakyan ko. "Sobrang nagka-aberya sa port operations ngayong hapon. Ngayon pa lang ako nakatapos. Hindi na ako makakahabol, sobrang pagod na talaga ako." Tahimik sa kabilang linya nang ilang segundo bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Julian. "Sol, pang-ilang beses mo na 'to ngayong buwan?" medyo inis na tanong niya. "Dati nung nag-aaral ka, wala kang oras dahil sa exams. Ngayon namang nagtatrabaho ka, wala ka pa ring oras! Hindi na nga tayo nagkikita nang maayos, eh. Kahit weekend, hawak mo pa rin 'yang laptop mo!" Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Naintindihan ko naman siya. Sa nakalipas na dalawang buwan mula nung magsimula ako sa kumpanya, halos tatlong beses lang kaming nagkita. Kapag nag-date naman kami, madalas akong nakakatulog sa gitna ng sinehan o kaya ay paulit-ulit na sumasagot ng mga tawag mula sa mga kapitan ng barko. "Julian, pakiusap, huwag ngayon... Sobrang sakit na ng ulo ko," pagmamakaawa ko, halos maiyak na ako sa sobrang exhaustion. "Kailangan lang talaga ako ng parents ko ngayon. Bago pa lang ako sa department, kailangan kong ayusin ang lahat." Narinig ko ang muling pagbuntong-hininga niya. Kahit papaano, mabait pa rin naman si Julian at ayaw rin naman niya akong sobrang ma-stress. "Fine. I’m sorry for snapping, baby," malumanay na uli ang boses niya, pero halatang disappointed pa rin. "Magpahinga ka na lang. Ihahatid na lang kita ng breakfast bukas sa bahay niyo, okay?" "Salamat, Julian. Sorry talaga," mahina kong sagot. "I love you, Sol." "Take care, Julian..." Nang maibaba ko ang telepono, napa-upo na lang ako sa loob ng kotse ko at napahawak sa mukha. Gusto kong maging mabuting anak, gusto kong maging matagumpay na karera, at gusto ko ring maging mabuting girlfriend. Pero sa sobrang tambak ng responsibilidad sa balikat ko ngayon, pakiramdam ko ay paunti-unti na akong nababali. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang kayanin ang ganitong buhay. Salamat sa Diyos at may katapusan din pala ang impyerno! Pagpasok ng kasunod na linggo, unti-unti nang nagbunga ang lahat ng puyat at pagod ko. Naging maayos na ang sistema sa Operations Department, naayos na ang mga nakatambak na papeles sa Customs, at naging magaan na ulit ang workload ko. Biglang nagkaroon ng napakaraming extra time sa schedule ko! At siyempre, top priority ko agad sa to-do list, ang bumawi kay Julian. Sobrang nakonsensya talaga ako sa kanya noong mga nakaraang buwan. Naiintindihan ko kung bakit siya nagtatampo, sino ba namang boyfriend ang matutuwa kung palagi mong pinalalagpas ang mga date niyo para lang sa mga shipment delay at release papers? Kaya ngayong Huwebes ng hapon, maaga akong umuwi para magluto. Gumawa ako ng paborito niyang adobong manok—‘yung medyo tuyo, maraming bawang, at medyo matamis ang timpla gaya ng gusto niya. Exited na excited ako habang inilalagay ko ito sa isang mamahaling Tupperware at pinalilibutan ng insulated thermal bag para manatiling mainit. “Bawi time, Sol! Aayusin natin 'to," bulong ko sa sarili ko habang nakangiti sa tapat ng salamin. Nang makarating ako sa Villa Alterra, sinalubong agad ako ng maaliwalas na mukha ng kanilang housemaid na si Manang Inday. "Naku, Ma'am Sol! Napadalaw po kayo?" nakangiti niyang bati sa akin habang pinapapasok ako sa napakalawak na living room. "Oho, Manang! Dinadalhan ko po si Julian ng pananghalian. Nandiyan po ba siya?" masaya kong tanong habang hawak ang thermal bag ko. "Naku, opo! Kakauwi lang din po mula sa yacht club. Nasa ikatlong palapag po, sa silid niya. Tawagin ko lang po muna, Ma'am, pumanik ka muna sa sofa," alok sa akin ni Manang bago mabilis na umakyat patungo sa grand double staircase. Umupo ako sa plush velvet sofa sa living room. Inilagay ko ang thermal bag sa glass coffee table at inayos ang aking cream-colored sundress. Exciting at medyo kinakabahan pa ako, gustong-gusto kong makita ang magiging reaksyon ng mukha ni Julian kapag nalaman niyang ipinagluto ko siya. But fate really f****d me up. Hindi pa man nakakaakyat nang tuluyan si Manang sa ikalawang palapag, biglang bumukas ang napakalaking main entrance door ng mansyon. Pumasok ang isang malamig na simoy ng hangin... kasabay ng pagpasok ng lalaking nagpatahimik sa buong silid. Napatigil ako sa pag-aayos ng dress ko. Si Jude Luca Severo Alterra. The hottest bachelor in town. Nakatayo siya sa may foyer habang itinutupi ang siko ng kanyang charcoal gray dress shirt, exposing his muscular forearms. Matangkad—sobrang taas na parang agad na nagmumukhang maliit ang buong sala. His dark hair was slightly messy from the wind, pero ang matangos niyang ilong, matalas na jawline, at cold, respectable aura ay naroon pa rin. He carried that quiet power na kahit wala siyang ginagawa, mapapatingin ka talaga. Naramdaman ko ang panandaliang paghinto ng t***k ng puso ko. Pero hindi na gaya ng dati. Sa nakalipas na mga taon, natuto na akong maging matured. Yung dating matinding attraction o pagkakatulala? Wala na. Matalino ako at may dignidad. Normal na lang na nagwapuhan ako sa kanya—kasi, hello, totoong napakagwapo naman talaga ng tao pero malinaw sa akin na boyfriend ko ang kapatid niya at nandito ako para kay Julian. Nang maiangat ni Jude ang kanyang mga mata, agad na tumama ang tingin niya sa akin. "Miss Meadows," malamig at mababang boses niya na dumagundong sa tahimik na living room. Mabilis akong tumayo mula sa sofa. Tumayo ako nang maayos, ibinigay ang pinakapormal at magalang kong ngiti, at bumati. "Good afternoon, Mr. Alterra," mahinahon kong sabi. "I'm sorry for dropping by unannounced." Humakbang siya at pumasok sa living room. Ang amoy ng kanyang pabango ay malamig na cedarwood, dark amber, at amoy ng mahal na leather na agad na dumaan sa hangin. Inalis niya ang kanyang wristwatch at inilagay ito sa side table. "No need to apologize. This is my house, but you are my brother's guest," sagot ni Jude. Ang kanyang hazel-amber eyes ay mabilis na bumaba sa thermal bag na nakapatong sa mesa bago bumalik sa mukha ko. "You're waiting for Julian?" "Opo. Inakyat lang siya ni Manang sa third floor," sagot ko habang nananatiling steady at civil. Lumapit siya sa katapat na sofa at dahan-dahang umupo. Isinandal niya ang kanyang balikat at pinag-cross ang kanyang mahahabang binti. The way he moved was so effortless and dominant. "I heard your company just finalized the new port clearance system," panimula niya, ang boses ay pormal ngunit may halong interes. "My logistics director mentioned Meadows Freight handled the delay efficiently." Medyo nagulat ako na alam niya 'yon, pero mabilis kong naibalik ang kumpyansa ko. “Ah, yes. Medyo nagka-problema lang sa Customs clearance noong nakaraang buwan, pero naayos na po namin. I personally handled the documentation." Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "Impressive. Most fresh graduates would break under that kind of pressure. You look like you survived it well." "Medyo nawalan lang po ng tulog, pero worth it naman po," pilit kong tawa nang mahina. "Aba, kailangan kong patunayan na karapat-dapat ako sa position na ibinigay ng parents ko. Baka pulutin kami sa kangkungan kung sakali.” Nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ako. Iyon ang uri ng pagtitig na hindi nakakabastos, pero sobrang lalim na parang sinusuri niya ang bawat salitang lumalabas sa labi ko. "Julian is lucky," biglang sabi ni Jude, ang boses ay mas mababa at mas seryoso kumpara kanina. "Not many women would bring him home-cooked food after a toxic workweek." Medyo napa-kurap ako sa sinabi niya. Look at him being nice? "Paborito po kasi niya ang adobong manok," nakangiti kong paliwanag, habang itinuturo ang thermal bag. "Bawi lang po kasi naging busy ako nitong mga nakaraang linggo." Tumingin si Jude sa thermal bag, bago muling dahan-dahang inangat ang tingin sa mga mata ko. May isang mabilis at tago na ekspresyon na dumaan sa kanyang hazel-amber eyes, isang bagay na hindi ko mawari kung ano. "Adobo," mahinang ulit niya. "It’s been a while since someone cooked real food in this house." Bago pa man ako makasagot o makapag-alok man lang out of courtesy, narinig na namin ang mabilis at mabigat na mga hakbang mula sa hagdanan. "Sol! Baby!" Napatigil ang usapan namin nang bumaba si Julian mula sa hagdan, halatang nagmamadali at medyo magulo pa ang buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD