Mapaglaro ngang talaga ang tadhana. Para akong bola ng basketball kung paglaruan. Sinong mag-aakala na ang lalaking muntik ko ng makatalik ay siyang CEO ng YS Company, ang nag-iisang tagapagmana ng mga Ruzz.
Napakurap-kurap ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nanyare. Did I just got hired as the new CEO's Secretary?
"P-Pero Sir Ruzz. May bad record ang babaeng 'yan. Sinaktan niya ang isa sa mga katrabaho niya nang walang dahilan—"
Ang bwiset na Albert. Ginagawa pa talaga ako ng kwento. Walang dahilan? Ang pagiging makate ba ng anak niya, hindi dahilan?
"I don't care. I want this woman to be my new secretary," pagpuputol ni Evander sa sinasabe ni Albert. Lumapit sa mesa si Evander at kinuwa ang inilapag kong resume. "Academic achiever since primary school? You even graduate as a valedictorian. Wow, just wow."
Matapos nitong suruin ang resume ko ay muli niya iyong ibanaba at hinarap ako. "Congrats, Miss Layla Sagrado, you can start today."
"Pero Mr. Ruzz—"
"Can you please shut the f**k up? Naiirita na ako sa boses mo." Sinamaan ng tingin ni Evander si Albert nang nang muli itong kumontra. Napatikim naman ang bibig ni Albert, takot na kapag magsalita siya ay magalit niya ang CEO.
"I-I'm sorry, Mr. Ruzz..."
"From now on, Miss Layla Sagrado will be my New Secretary. Lahat ng kokontra ay kukontra ay mawawalan ng trabaho. Since Layla has been an old employee in this company, she will be the one to guide me around here. You can leave now.'
Walang nagawa sila Albert, kung di lisanin ang CEO's office gaya ng utos ng CEO. Kahit ano ibang interviewer ay hindi na rin nagawang kumontra pa. Ramdam ko ang masamang tingin ni Stephanie. Mahigpit ang pagkakakapit nito sa ballpen habang papalabas siya ng opisina, kung wala lang siguro si Evander sa harapan namin ay na saksak niya na ako ng hawak niyang ballpen. Para siyang Grade 1 na ninakawan ng ballpen kaya mananaksak.
Nang malabas sila ay naiwan kaming dalawa ni Evander sa loob ng opisina niya. Ang akala ko si Stephanie at ang ama niya ang problema ko, pati pala ang lalaking ito. Kung hindi lang siguro siya ang nakasama ko kagabe ay baka natuwa pa ako sa bago kong trabaho. Bakit naman kasi kagabe ka pa lumande, Layla? Ayan tuloy!
This is not what I planned. Balak ko lang na sirain ang interview ni Stephanie upang hindi siya matanggap pero hindi ko inakala na dito ko makikita ang lalaking muntik ko ng makaone night stand kagabe na tinakasan ko.
Who would have thought it would turn out this way? Hindi ko alam kung good karma ba ito o sadyang pinaparusahan lang ako ng tadhana.
"I didn't know you were an old employee in our company," panimula niya. "You were kick out because you hurt one of your co-worker. What a nasty woman you are, Miss Layla Sagrado."
Inis ko siyang hinarap. "Tama ang narinig mo, Mr. Ruzz," sinadya kong diinan ang pagkakasabi ng apelyido niya. "Will you fired me now?"
Ngumisi siya ang nagsimulang lumapit dahilan para mapaatras ako. "Why would I? In fact, I like you even better. Gusto ko talaga sa mga babae yong palaban. Tyaka nakakalimutan mo yatang may utang ka pa sa akin. At hindi ako papayag na hindi mo iyon mabayaran. Masyado akong magaling para sa 20 pesos na talent fee, Ms.Sagrado."
Nangunot ang noo ko sa sinabe niya. "Wala akong matandaang nangutang ako sa 'yo, Mr. Ruzz. Pwera na lang kung ikaw ang Arabo na tinaguan ng magulang ko dahil hindi kinaya ang 20 pesos araw araw. Tataguan din kita."
Napahalakhak siya sa sinabe ko. Muling sumulpot ang nakakadistract niyang dimples. "Damn it. I'm not a money lender or something. But I do what they did. I collect payment with a very high interest rate."
Muli siyang naglakad papalapit. Napaatras ako. Bakit ba lapit ng lapit ang lalaking 'to? Para siyang tigreng handang lapain ang biktima niya—lapain? Bigla ko tuloy naalala ang ginawa niya sa akin sa loob ng kotse niya... Ang paglapa niya sa akin...
W-Wait? Is he talking about what I did? Ang pag-iwan ko sa kaniya bago pa kami matapos kaya ngayon ay sinisingil niya na ako? Parang naexcite tuloy ako—
Oh my god! Umayos ka nga, Layla! At kelan ka pa naging malandi na tulad nito?!
Tinulak ko siya papalayo. "Lumayo ka nga—"
Sinalo niya ang kamay ko dahilan para matigil ako sa pagtangkang pagtulak sa kaniya.
"What? Aren't you going to pay me back first? Sige ka, lalaki ang interes sa ginagawa mo." Nagulat ako ng ilagay niya ang kamay ko sa taas ng pagkalalake niya, pinahawak. "Baka hindi lang isang gabi ang hingin nito, kung 'di gabi gabi na. Pwede naman kung iyon ang—"
"Bastos!" Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ang laki—este ang laki ng opisina ng CEO. Nakakatakot!
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng malaking kasalanan ang kamay ko. Kahit may pantalon man siyang suot, naramdaman ko pa rin ang anacondang tinatago niya sa loob ng kaniyang brief! Isang kasalanan!
Tinalikuran ko siya at walang pasabeng iniwanan siya doong mag-isa. Wala na akong pake kahit matanggal agad ako sa trabaho, hahanap na lang siguro ako ng iba.
"Hey! Wait for me!" sinundan niya ako.
"Mabulok ka dyan!" saad ko pabalik.
Ang kulit talaga ng lalaking 'to! Kung tutuosin marame naman siyang babae na pwedeng makuwa pero ako pa talaga ang naisipan niyang pagtripan. Hindi naman ako maganda!
"Nakakainis ang babaeng 'yon! Kung hindi dahil sa kaniya baka natanggap na ako bilang bagong secretary ni Mr. Ruzz! Bwesit siya."
"Huwag kang mag-alala. Kakausapin ko si Layla para tigilan ka na. Dapat matanggap niyang ikaw na ang mahal ko at hindi siya."
Natigilan ako nang makita sa hindi kalayuan ang dalawa sa mga taong kinamumuhian ko. Sa subrang daming pwede nilang paglampungan, dito sa pa talaga sa hallway.
Hawak hawak ni Con sa braso niya si Stephanie na mukhang naiiyak na sa galit.
"Mabuti at nandito ka palagi sa tabi ko, Con. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Thanks pero hindi mo na siya kailangang kausapin pa. Ayokong kausapin mo siya, baka akalain non gusto mong makipagbalikan sa kaniya. Ambisyosa pa naman ang babaeng 'yon," aniya.
Nginitian siya ni Con. Tipo ng ngiting palagi niyang pinapakita sa akin noon. "Huwag kang mag-alala. Ikaw lang ang mahal ko, Steph."
Parang may tumarak na patalim sa puso ko nang marinig ang sinabe ni Con. Dati na akong nahulog sa mga ganyang salita niya, binilhan ko pa nga siya ng motor dahil dyan. Nakakatawa lang na ngayon, ibang babae na ang sinasabihan niya ng mga yan.
Kinikilig namang nilapit ni Stephanie ang mukha rito. Nagsalin sa isang halik.
Bumugo ang mundo ko habang pinagmamasdan silang maghalikan sa harapan ko. Sobrang sakit ginawa ko ang best ko para magstay siya pero hindi niya pa rin nakita ang worth ko. His taken me for granted as if I didn't love him at his worst.
Parang lahat nalang ng importanteng tao sa buhay ko umaalis, ayoko na tuloy magmahal. Palagi na lang talo, palaging nasasaktan.
Bumaba ang paningin ko sa isang basurahan malapit sa akin. May nakasilid roong isang lata ng softdrinks na may kaunting laman kaya medyo mabigat. Kinuwa ko ito at walang pasabeng ibinato sa dereksyon ng dalawa. Tumama ito sa ilo ni Con dahilan para mapausog siya at mauntog sa ulo ni Stephanie. Ang ending, parehas silang may bukol na dalawa. Ganyan ang ginagawa sa mga malalandi, binabato para matuto.
"Aray! Putangina!" mura ni Con.
"Ouch! Ang maganda kong noo!"
"Sinong gago nagbato non?"
Bago pa nila akong makita ay tumakbo na ako papaalis sa lugar na 'yon sakto naman dahil pagtakbo ko ay sumalubong sa akin si Evander na hindi ko alam na kanina pa palang pinapanood ang ginagawa ko. Bumangga ako sa kaniya. Ang laki nitong harang.
"Ano ba umalis ka nga riyan!" Tinulak ko siya papaalis sa daanan ko pero nagsilbe lang siyang parang bato na nakatayo roon. Hindi tuloy ako makapagtakbo dahil sa kaniya.
"What did you do?" nagtataka nitong tanong at tinignan ang dinaanan ko kanina. "I heard a loud bang? What happened there?"
"Ewan ko sa 'yo! Lumayas ka nga sa dina—"
"Layla? Ikaw ba 'yan?"
Natigilan ako sa pagtulak kay Evander nang marinig ang boses ni Con sa likod ko. Kinakabahan ko siyang hinarap. Dahil sa punyetang Evander na 'yan, nahuli ako!
"Ikaw pa ang nagbato samin ng lata?" kunot noong tanong ni Con. Kasunod niya lang si Stephanie na mukhang galit na galit din.
"Demonyita ka talagang babae ka!"
Napakagat na lang ako ibabang labi. Baka kapag inamin kong ako ang bumato sa kanila, sabihin na naman akong bitter. Hindi naman ako bitter noh! Ang sakit lang talaga nila sa mata! Sa harapan ko pa naglaplapan!
"H-Hindi ko alam ang sinasabe niyo—"
Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman ang braso na umakbay sa akin. Gulat kong nilingon si Evander pero seryoso na itong nakatingin kila Con at Stephanie.
"What are you talking about? Kakarating lang namin ng Secretary ko. Is their problem here you want to discuss with the CEO?" sinadya nitong diinan ang pagkakasabi ng CEO. Gamit na gamit niya talaga ang title na 'yon.
Napatikom ang bibig ng dalawa, halatang natatakot na may masabing kung ano na ikakagalit ni Evander. Hindi ko alam kung bakit ako tinutulungan ni Evander ngayon. Kung tutuosin hindi naman siya kasali rito.
"If none, then we will go now. Iga-guide pa ako ng bagong secretary ko paikot."
Tinulikuran ni Evander ang mga ito. Dahil nakaakbay siya sa akin ay nasama rin ako sa pagtalikod niya. Nagsimula kaming maglakad papaalis sa lugar na 'yon. Nilingon ko pa sila Con at Stephanie sa huling pagkakataon.
Masama ang tinging pinupukol sa akin ni Stephanie habang si Con naman ay nakatingin sa braso ni Evander na nakaakbay sa akin. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako pero parang may nahahagilap akong selos sa mga mata nito.
B-Bakit ganon siya makatingin? Akala ko ba si Stephanie na ang mahal niya ngayon?