Kabanata 6: Layla

1426 Words
Hindi mawala sa utak ko ang istura ni Con habang papaalis kami. Siguro totoo nga ang sinasabe ni Stephanie na bitter ako kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang makamove on. Hindi ko tuloy mapigilang mag-overthink ng malala. What if mahal niya pa ako? O mas magandang tanungin kung minahal niya ba akong talaga o loob ng isang taon naming relasyon... Alam kong katangahan na ito pero hindi ko mapigilang umasa. Hindi rin biro ang isang taong pagsasama naming dalawa. Siya ang first love ko, halos first ka lahat, at unang lalaking hinayaan kong saktan ako ng ganito. "Minahal niya kaya ako?" bulong ko sa sarili. "What are you whispering? I can hear you." Natigil ako sa pagmumuni-muni ng inilapit ni Evander ang mukha sa akin para marinig niya kung anong sinasabe ko. Inis ko namang itunulak ang mukha niya papalayo. "Panira ka naman ng momment!" "Ano ba kasing sinasabe mo? Kanina pa kitang tinatanong pero hindi ka sumasagot. You look like your mind is somewhere else," aniya. "Anyway, yong babae kanina. Sabi ko na nga ba familiar ang babaeng 'yon. She's the girl in the club last time. Right?" "Siya nga," bored kong sagot. Inis kong iniwaksi ang braso nito. "Wala na sila. Hindi mo na ako kaylangang tulungan pa." "Ang sungit naman nito. So, when are you going to pay me? I can't wait anymore." "Kung gusto mo lang ng makaka-kasta edi sana humahanap ka sa club." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo pero agad din siyang nakahabol. "Bakit ba sunod ka ng sunod? Aso ka ba nong fast life mo?" "First of all, I'm not into club anymore. Wala na rin akong time dahil kailangan ko ng magseryoso sa trabaho. Second, have you forgatten that you are my New Secretary? You should guide me around the building." Sa halip na mang-away pa, sinakyan ko na lang ang gusto niya. "Ewan ko sa 'yo. Bukas na lang tayo magsimula, ito-tour kita sa buong bulding at aayusin ko sa schedule mo. Agahan mong pumasok," utos ko. Naglakad ako papalabas. Kita ko ang pagsunod ng paningin sa akin ng mga impleyado. Hindi ko alam kung nakarating na sa kanila ang chisnismis ginawa ko. Napailing na lang ako. Actually, swerte na ako sa posisyong ito. Bukod sa mas mataas ang sahod kumpara sa dati kong posisyon, mas paipapakita ko ng maayos ang skils ko. Hindi tulad dati na si Albert ang tumatanaw ng lahat ng sucess ng mga design na gawa ko. Hindi ko na rin kailangang maghanap ng trabaho. Ang tanging kailangan ko na lang gawin ay pakisamahan ang ugali ng new boss ko at tanggapin ang bagong kabanata ng buhay ko. Kaya mo 'yan, Layla! Kinabukasan, maaga akong pumasok para sa first day ko bilang Bagong Secretary. Sinadya ko talagang agahan para mapoknatan ko siya kapag nauna ako. Kagabe, inayos ko na rin ang magiging schedule nito bago ako matulog kaya on set na ang lahat ng mga gagawin namin sa araw na ito. "Salamat po, Manong." Ibingay ko ang bayad sa tricycle driver na naghatid sa akin. Bumaba ako ng tricycle pero bago pa ako makapasok sa building ay natagpuan ko sa labas non si Evander tila may iniintay. Lumapit ito habang nakapamulsa. "You're late. Such a Bad Secretary you are." "Late mo mukha mo. 20 minutes pa bago magsimula ang work hour. Nauna ka lang. Bakit nandito ka kaagad? Ang aga pa." Sabay kaming pumasok sa loob ng building ng entrance ng YS Company. Binati kami ni Manong guard na binate ko rin pabalik. "I just don't like to ruin My Secretary's first day. So I decide to go to work early." Sa dalawang araw ko siyang nakasama. Parang 'yon lang ang pinakamagandang sinabe niya. Noon, nasanay akong mag-intay ng ilang oras para lang sa mga katrabaho ko dahil late sila palagi. Kaya nakakapanibago na may mas nauuna siya sa akin at hindi ko na kailangan pang antayin, at walang iba kung 'di ang mismong boss ko pa. Huminto kami sa harapan ng isang malaking logo ng YS company. Ito ang bagay na unang sasalubong sa iyo pagkapasok mo rito. "This is the Main Building of YS company, also called the YS Main building. Maraming branch ang YS Company pero dito lahat nagsimula. The Company consist of 24 floor, obviously the last floor is the CEO's office." Sinamahan ko siya sa 2nd floor kung nasaan ang work place ng mga impleyado. "Every floor is the work place of each department. Katulad nito, nandito sa second floor ang work place ng mga Administration Department: A department that manages other business divisions, including staff management and implementing directives." "Puro workplace ang iba't ibang department ang matatagpuan mo sa bawat floor mula 2nd up to the 20th floor. On the otherhand, the other floor are meant for the office of higher executives gaya ng COO, CFO." Hanggang sa mataas naming mapuntahan ang lahat ng floor. Prente lang siya nakikinig sa explanation. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip nito. Parang nawala na ang kakulitan niya at nagsimula ng magseryoso. "Napakaswerte mo dahil ang magmamana ng lahat ng ito," aniya ko matapos mag-explain. "Alam mo bang maraming gustong makapasok sa kompanyang ito? Tulad ko. Ang kaso wala namang pagma-may ari na ganito kalaking kompanya ang mga magulang ko kaya kailangan kong magsumikap. Hindi tulad mo, Nepo baby." Nandito kami sa rooftop ng building kung saan kitang kita ang ibaba ng YS Company. "Hey! I'm not a Nepo baby. I work hard to get this position." Pinantayan niya ako. "I trained for how many years just to get here." Tinignan ko siya. Malayo ang tingin niya kaya hindi niya agad napansin na tinitignan ko siya. Nililipad ng hangin ang buhok niya pero subrang gwapo pa rin ng itsura nito. Naiindihan ko na kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa para rito. Para siyang anghel na pinadala rito ng diyos sa lupa... Matangos ang ilong, subrang kinis ng mukha. Moreno siya pero pantay lang ang kulay niya. Medyo mahaba na rin ang buhok wavy na buhok. Nakakainolove ang itsura nito—H-Ha? Inayos ko ang salamin ko at umiwas ng tingin dito. Kung ano ano na lang ang nakikita ko. Tinignan ko ang tablet ko. 9am pa lang. Sigurado akong bukas na ang favorite kong karinderya Malapit lang iyon rito. Maliit lang pero masasarap ang mga pagkain. Dati na namin iyong pinagkainan ni Con pero hindi na ako nakakain pang ulit dito dahil ayaw ni Con, gusto niya kasing sa mamahaling restaurant ko siya ilibre. May naisip akong magandang ideya. Hinarap ko si Evander. "Nag-almusal ka na ba?" Napabaling sa akin si Evander. "No, maaga akong pumasok kaya hindi na ako nakakain." "May malapit na karenderya malapit dito. Mura lang ang mga pagkain pero masasarap. Gusto mong sumama?" aya ko rito. "What's karenderya?" kunot noong niyang tanong. "I've heard a karenderya before. Is it good? I'm quite maarte on my foods." "Basta! Sumama ka na lang sa akin at malalaman mo." Hinila ko siya. Ewan ko kung bakit dinemonyo akong isama ito. Halata naman sa itsura niya na hindi siya kumakain sa ganong klaseng lugar dahil mukhang expensive ang mga pagkain na gusto nito. Gusto ko lang siyang pagtripan. Dahil malapit lang sa buiding ng YS Company sa karenderya ni Manang Gina. Mabilis namin itong narating ang karenderya. Sakto dahil pagkarating na pagkarating namin doon ay nagbubukas pa lang sila Manang Gina. Kami pa lang ang tao. "Hello po, Manang Gina," bati ko. Nagulat ito ng makita ako. "Oh, Layla? Ikaw pala. Antagal mo ng hindi nagpupunta rito.," "Namiss ko na nga po ang mga luto niyo." Lumapit ako sa mga ulam na nakatakip roon. Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ang inadobong paa ng manok. Bigla akong nagutom. Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng paa ng manok! Mukhang masarap pa rin! "Isa nga pong order ng paa ng manok tapos dalawang order ng kanin. Paorder din po ako ng munggo," sabi ko kay Manang Gina. "Bibigyan din kita ng sabaw pati ang kasama mo," aniya ni Manang na nagsimula ng magsandok ng mga order ko. "The best ka talaga, Manang Gina!" Dahil busy ako sa kakatingin ng mga pagkain, hindi ko na namalayang lumapit na pala sa tabi ko si Evander at nakitingin din. "Are you sure this is safe?" "Matagal na akong kumakain dito. Kung hindi ito safe, baka matagal na akong patay. Pumili ka na lang ng gusto mong kainin." Ngumiwi siya, halatang hindi sigurado. Nag-aalangan niyang tinignan ang mga pagkaing nakalagay sa harapan niya. "I will just order whatever your order is."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD